RIO's Point of View
"Didiretsuhin ko na kayo. Alam ko kung saan kayo galing at kung sino kayo. Galing kayo sa Camp, kayo ang mga isinailalim sa programa ni Dr. Hidalgo para sa paghahanap ng lunas sa virus. Ngayon, tatanungin ko kayo uli, bakit kayo naandito?" pahayag ni Reagan.
"Sino ho ba kayo? Paano nyo nalaman ang mga iyan?" tanong ni Xander.
"Sagutin nyo muna ang tanong ko!" madiin na sagot ni Reagan.
"Sinugod ng mga virgin hunter ang Camp, kaya tumakas sila Dr. Hidalgo papuntang Research Facility. Kami naman susunod sana pero natambangan ng mga virgin hunter. Buti na lang nakatakas kami. Papunta kami ngayon sa research facility pero iniisip namin na baka naandoon na rin ang mga virgin hunter. Ganoon pa man, balak pa rin namin iligtas ang iba naming kasamahan na naroon," paliwanag ko.
"May gamot na ba?" tanong ni Reagan na tila kumalma.
"Wala pa," sagot ko.
"Kung ganon bakit kayo sinugod ng mga virgin hunter?" tanong nya.
"Para sa syrup at para sa mga campers na gusto nilang makuha," sagot ko.
"Kalokohan ang syrup na yan, walang pinagkaiba sa virus. Kinokonsinte pa lalo ang epekto nito. Simula pa lang, tutol na ko dyan. At yang si Theo nababaliw na ata, masyadong nagpapalamon sa sakit, bakit kailangang mga kabataan ang guluhin nila?" pahayag ni Reagan.
"Kilala nyo rin si Chief Theo?" tanong ni Harvey.
"Oo, magkakasama kami noon magplano kung paano malalabanan ang virus. Pero naghiwa-hiwalay din kami dahil magkakaiba ang gusto naming gawing aksyon. Dati akong secretary ng Local Government pero mula nang kumalat ang virus pinili ko na lang bumalik dito kung saan ako lumaki," paliwanag ni Reagan.
"Bakit, ano bang paraan ang gusto nyo?" tanong ko.
"Simple lang. Huwag pakialaman ang mga bata. Huwag silang tratuhin na parang hayop na pag-eeksperimentuhan. Ang henerasyon namin ang dahilan kung bakit may ganitong sakit kaya kami dapat ang magdusa at maghanap ng lunas," sagot nya.
"Infected din ba ang mga kasama namin kaninang kumain?" tanong ni Magi.
"Oo lahat nang naandito maliban sa amin ni Claire." sagot nya.
"Bakit parang di sila gaya ng ibang infected?" tanong ko.
"Dahil sa bulaklak, dahil sa iba't ibang halaman. At dahil sa mga babae at lalake sa altar," pag-amin ni Reagan. "Mula noong kumalat ang virus, pinag-aralan ko ang epekto nito. Sinubukan kong gamitin ang mga halaman na nagpapababa ng libido pero hindi ganoon kaepektibo. Kailangan ng mas matatapang na halaman para pahintuin ang syang responsable para sa sex drive ng tao. At iyon ang ginawa ng bulaklak at iba pang halaman na aming natuklasan. Pero may limitasyon ito, may mga araw pa ring umeepekto ang virus at sa ganitong mga sandali namin ginagamit ang mga babae at lalaki sa altar. Noong una mga babaeng dating bayaran lang ang nagboluntaryo pero kalaunan napapayag na rin ang mga lalaki." salaysay ni Reagan.
"Infected din ba ang mga nasa altar?" tanong ni Harvey.
"Hindi ko alam. Walang manipestasyon na infected sila Ganoon din ang mga lalaki. Kaya naman malaki ang pasasalamat sa kanila ng mga tagarito. Halos sambahin na sila. Pinagsisilbihan at binibigyan ng kung ano ang hilingin," sagot ni Reagan.
"What if they are immune to virus?" tanong ni Elio.
"Tama. Paano kung immune sila? Paano kung napapagaling din nila ang mga nakaka-sex nila? Na sila talaga ang dahilan hindi ang mga halaman kung bakit mukha silang normal at di gaanong naapektuhan ng virus?" wika ko.
"Kailangan silang mapag-aralan. Baka sila na ang susi!" ani ni Harvey.
"Omg. Finally!" wika ni Magi.
"Hindi. Hindi ako papayag," sambit ni Reagan.
"Bakit? Ayaw mo bang magkaroon ng lunas sa virus?" tanong ni Xander.
"Paano kung mali ang hinala nyo? Paulit-ulit lang silang pag-eeksperimentuhan doon. Magugulo lamang ang buhay namin," katwiran ni Reagan.
"Pero Sir, buong mundo ang naghihintay sa cure. Buong mundo ang matutulungan nyo," wika ko.
"Kontento na kami. Ayos na kaming namumuhay dito. Gaya ng sabi ko matagal na kong humiwalay sa kanila," sagot nya.
"Paano si Claire? Paano kung lahat ng mahal nya ay mawala na. Magiging masaya kaya sya sa buhay nya?" tanong ko.
"Matagal pa iyon. Masaya sa amin si Claire. Hindi sya nagrereklamo sa buhay nya dito," depensa ni Reagan.
"Pinaglilihiman nyo sya. Kailangan nyang malaman ang nangyayari sa barangay nya, sa mundong kanyang ginagalawan. Tatanda sya at tumatanda ka rin. Hindi ka makakasiguro na lagi mo syang masasamahan," wika ko.
"Lumabas na kayo. Ipapahanda ko na ang mga pagkain at gamit na maaari nyong bitbitin sa paglalakbay. Ibibigay ko na rin ang isa sa mga jeep. Siguraduhin nyong hindi na kayo babalik dito. At walang dapat malaman si Claire dahil sa oras na mangyari iyan, pagsisihan nyong nakilala nyo ko," pahayag ni Reagan.
Natakot ang mga kasama ko kaya nag-aya nang lumabas. Sa labas ay naghihintay sa amin si Claire.
"Kumusta? Gusto nyo bang maglibot?" tanong nya.
"Sige, mamaya aalis na rin kami," sagot ni Xander.
"Gusto nyo bang sumilip sa altar?" tanong nya.
"Sige. Saan ba yun?" tanong ko.
Sinamahan kami ni Claire papunta sa Altar at ito nga ang malaking kubong pinasukan ng mga kumuha ng damit namin. Pagpasok ay may kanya-kanyang trono para sa mga babae at lalaki. Sa likod nito ay may kurtina na naghihiwalay sa isang higaan. Sagana sa pagkain ang bawat trono, marami ring bulaklak.
"Claire, sino ang mga kasama mo?" tanong ng isang babae.
"Mga bagong kaibigan. Napadaan lang sila sa ating baryo," sagot ni Claire.
Pinakilala kami ni Claire sa bawat babae at lalaking nasa trono.
"Bakit parang ayaw nyo lumapit? Wala naman silang virus hindi kayo mahahawa sa kanila," wika ni Claire na biglang napahinto pero muling nagsalita. "Mabuti pa lumabas na tayo."
May alam si Claire, baka ayaw lang nyang malaman namin at ng mga kabarangay nya. Tinabihan ko sya sa paglalakad at kinausap.
"Claire, kanina may nabanggit ka tungkol sa virus. Pwede mo kong pagkatiwalaan," bulong ko.
"Pero ate Rio, baka mahuli ako ni Ama," sagot nya.
"Hindi nya malalaman," paniniguro ko sa kanya.
"Naririnig ko lang sa mga usapan at sa tuwing nag-uusap ang mga matatanda sa tanggapan ni Ama. Palihim akong nakikinig sa kanila," pag-amin nya.
"So narinig mo rin ang usapan namin kanina?" tanong ko.
"Opo," sagot nya.
"Nabanggit ng ama mo na pinag-aralan nya dati mga halaman. May alam ka ba kung saan maaaring kumuha ng injection at mga test tube? Makakakuha kaya tayo ng dugo kahit galing lang sa isa na nasa altar?" tanong ko uli.
"Wala pa ata akong alam nyan. Sa totoo nyan, wala akong nakikitang mga ganyang gamit dito. Pero pwede nyo naman isama ang isa sa kanila," wika ni Claire.
"Paano?" tanong ko.
"May isa sa kanila na gusto nang huminto at tumakas. Si Isabela, ang pinakabata sa kanila," sagot nya.
"Ikaw ba? Gusto mo bang sumama sa amin?" tanong ko.
"Malulungkot si Ama," sagot nya.
"Pero kailangan mong isipin din ang kaligtasan, at kinabukasan mo," katwiran ko.
"Marami pa namang pwedeng mangyari at naniniwala ako na mahahanap nyo rin ang lunas. Kapag nangyari iyon pwede na kong manatili dito kasama si Ama at ang mga kabarangay namin," wika ni Claire.
"Kung ‘yan ang desisyon mo, rerespetuhin ko. Pero si Isabela paano namin sya itatakas?" tanong ko.
"Mamaya bago kayo umalis, pupuntahan ko sya at sasabihan na magpaalam para pumunta sa banyo pero sa inyo talaga sya didiretso. Padadalhin ko ng kumot para magtalukbong sa gitna sa loob ng jeep" sagot ni Claire.
"Sige, nasaan ba ang sasakyan na tinutukoy ng Ama mo? May kalye ba dito?" tanong ko uli.
"Oo sa labasan, nandoon ang mga sasakyan. Tara baka nandoon na rin ang mga magbibigay ng dadalhin nyo," anyaya ni Claire.
Tumungo kami sa labasan, may nakaparadang mga sasakyan. May dalawang jeep, may isang pick-up, at ang isa naman ay puting Toyota na six seater. Sinalubong kami ng mga tagaroon na nagbigay ng mga pabaon na pagkain. May ilan na sinauli rin ang damit na pagmamay-ari namin. Andoon rin si Reagan na lumapit sa akin.
"Pagkakaliwa nyo, diretsuhin nyo lang ang daan. May mga sanga-sangang daan pero piliin nyo ang nasa kaliwa para makaakyat kayo sa bundok at matawid ito papunta sa isa pang kalsada. Ito ang kalsada na pinanggalingan nyo na papunta sa Research Facility," wika ni Reagan.
"Salamat."
Natigil ako sa pagsasalita nang may iabot syang baril.
"Alam kong kakailanganin nyo 'to. Pinabalik ko na rin ang iba. May mga isinilid din kaming mga bala. Mag-iingat kayo!" bilin ni Reagan.
"Maraming Salamat! Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. Sisiguraduhin ko na sa pagtuklas ng lunas, ang Barangay Ambon-ambon ang isa sa mga unang makikinabang," pangako ko kay Reagan.
"Nakikita kong magtatagumpay ka, Rio. Salamat, hanggang sa muling pagkikita," ani ni Reagan.
Sumakay na kami nila Elio, Magi, at Jasmin habang si Xander naman ang magda-drive na katabi sa harap si Harvey. Lumipat sa harapan ng jeep ang mga tao kasama si Reagan na kinakaway ang mga kamay tanda ng pamamaalam. Pumasok si Claire sa loob ng Jeep at niyakap kami isa-isa. Nakasunod sa kanya si Isabela na nakatalukbong. Pagkababa ni Claire ay sinamahan nya ang kanyang Ama. Sinarado na namin ang pinto ng jeep sa likod. Pinaandar na ito Xander at tuluyan na naming nilisan ang Barangay Ambon-ambon.
Nang makalayo ay lumabas na rin si Isabela mula sa pagtatago sa ilalim ng kumot. Kaedaran nya si Coach Akie pero babaeng-babae sya. Mahaba ang buhok at makinis ang kutis.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.