(This Chapter is dedicated to Rainbow_Light03 again hehe)
Rio's Point of View
Dumiretso na kami sa gym para sa Self Defense Class samantala hindi naman na pinasama sa klase ang mga lalaban mamaya sa Round 2 ng pagsasanay. Naiwan kami ni Riah at humiwalay na ang mga kaibigan namin.
"Campers, gusto kong mag-reflect kayo sa ginanap na pagsasanay kahapon at mamaya isa-isa nyong sabihin kung ano sa tingin nyo ang dahilan bakit natalo kayo," utos ni Coach Akie.
Binigyan kami ng kalahating oras ni Coach para mag-isa at mag-isip-isip. Bawal mag-usap kaya hindi rin kami nakapagkwentuhan ni Riah.
Nagbaliktanaw ako sa mga nangyari. Naluha ako nang maalala ko ang ginawang kababuyan sa akin ni Josh. Bakit kailangang paulit-ulit na pinapaalala sa akin ang bangungot nong gabing ginusto ko na lang mamatay? Bakit lagi na lang akong napupunta sa sitwasyon na pilit kong iniiwasan? Bakit kailangan kong magdusa? Bakit lagi na lang ako? Pero naisip ko na maging si Magi ay binalak pagsamantalahan, maging si Riah pinagnasahan. Siguro marami pang iba na pinili na lang manahimik dahil hindi makalaban. Naiinis ako sa katotohanang nakatira kami sa mundong walang respeto sa mga kababaihan. Nasa lipunan na ang tingin sa aming mga kababaihan ay tagapagbigay ng aliw, parausan, at isang gamit na madaling pagsawaan. Kaya siguro napaparusahan ang mga tao at tinanggalan ng halaga ang mga ari nito. Siguro paraan ito ng mundo para ipaalala na ang pakikipagtalik ay hindi isang bisyo, hindi isang pampalipas oras, lalo na't hindi katuwaan.
Naalala ko rin ang bilin ni mama, sabi nya regalo ang pagkababae. Hindi basta-bastang regalo. Ito yung regalong walang presyo, at ibibigay mo lang sa taong pinakamamahal mo. Mahalaga ang pag-ibig. Hindi dapat mawala ang pag-ibig sa pagbibigay ng regalong ito. Dahil ang pag-ibig ang magsisilbing kabayaran. Ito ang magbibigay ng halaga. Isa si Mama at Papa sa mga hindi naapektuhan ng virus. Ang kwento ni mama, hindi sila gumamit ng Avas na condom, at unang beses nilang nagtalik nong kinasal sila. Ako ang naging bunga nito. Masusundan sana nila ako, kaso nalaman ng OWS na buntis si Mama. Gusto nilang kunin si Mama at ilagay sa ilalim ng kanilang pangangalaga hanggang manganak. Hindi pumayag si mama at si papa dahil baka pag-eksperimentuhan lamang. Mula noon, gabi-gabi na kaming ginugulo ng kung sino-sino. Nagpalipat-lipat rin kami ng bahay. Hanggang sa dumami na nga ang mga Virgin Hunter kaya lalo kaming nanganib. Isang gabi, nagsabay ang mga humahabol sa amin at mga virgin hunter. Pinatago ako ni Papa pero natakot akong mag-isa. Narinig ko ang mga ingay at putok ng baril. Hanggang sa narinig kong sinigaw ni Papa ang pangalan ni Mama na papalapit sa akin. Nagkaroon pa ng ilang putukan bago ako sunduin ni Papa at umalis nang hindi nakasama si mama. Sabi ni Papa, patay na daw si mama at ang kapatid kong hindi pa isinisilang. Hindi ko ito pinaniwalaan hanggang sa bumalik kami sa dati naming tirahan at nakita ang puntod na may nakasulat na pangalan ni Mama.
Mula noon, sinanay na rin ako ni Papa makipaglaban. Noong una, pumayag ako dahil sa nangyari kay mama pero paulit-ulit na tinuro ni Papa na hindi poot ang dapat mangibabaw kundi pag-ibig. Ito ang nakalimutan ko kahapon. Masyado akong nagpalamon sa kagustuhang maghiganti; maipaghiganti si Elio, si Magi, maging si Papa at ang sarili ko lalo pa't kay Josh kong naisip na ibuntong ang lahat. Pero dahil dito hindi ako nakagawa ng tama. Pinahina ako ng poot at hangaring makapaghiganti.
Naisip ko rin si Doctor in Black, siguro kaya hindi pa rin sya nagpapakilala kasi ako mismo hindi ko pa makilala ang sarili ko. Sino nga ba si Rio?
Ako si Rain Iris Oliver. Ako ang ulan na naglilinis at nagpapagaan ng bigat na nararamdam. Ako ang ulan na bumubuhay sa lupang nakatiwang-wang, nagpapaawit sa mga palaka sa kabukiran, pumupuno sa dam, at nagpapatuloy ng agos sa mga ilog papunta sa karagatan. Ako ang ulan na nagdadala ng kapahingahan, inaalis ang mga bumabara sa pusong nasisikipan at nabibigatan. Ako ang ulan na regalo ng kalangitan. Ako rin si Iris, pinangalan sa Dyosa ng Bahaghari dahil minsan ang ulan ay may dala ring kapighatian pero ang bahaghari ang magpapaalala ng pag-asa. Minsan hindi maiiwasan ang madilim na panahon, ngunit pagkatapos naman nito may bahagharing maghahatid ng kulay. Ako si Rain Iris mula sa angkan ng mga Oliver, na ang apelyido'y nagmula sa punong Olibo na syang sumisimbolo ng Kapayapaan.
"Magtiwala ka sa sarili mo, Rio!" bulong ko sa sarili ko. Narinig kong pumapalakpak na si Coach Akie ibig sabihin tapos na ang oras na ibinigay. Dumilat akong nakayakap sa aking sarili. Pinunasan ko ang luha sa aking mata at tumayo ng taas noo. Kakaiba ang enerhiyang nararamdaman ko, umaaapaw. Nakita ko si Riah kaya nilapitan ko siya at niyakap. Niyakap nya rin ako pabalik. Ang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya kaya parang naipit na sya.
"Sis, I can't breathe," ani nya.
"Sorry Sis, ang saya ko lang. Ang dami kong realization!" sagot ko.
"I feel you, Sis, I feel renewed!" wika ni Riah.
Isa-isa kaming pinakwento ni Coach Akie at karamihan sa amin ay parang muling nabuhay at nawala ang lungkot sa mga mata. Pinalakpakan namin ang isa't isa at pagkatapos ay nagsalita na si Coach Akie, "Mahusay Campers, sana baunin ninyo at patuloy na alalahanin ang inyong mga sinabi para lalong magkaroon ng lakas na magpatuloy sa Camp. Mamaya sa magaganap na laban ng mga nakapasok sa Round 2, lahat kayo ay makakanood. Mag-obserba at matuto. Pagkatapos ng lunch, magsisimula ang laban."
"Kumain na rin kaya sila Magi?" tanong ni Riah.
"Pwedeng pinauna na sila para makapaghanda mamaya," sagot ko.
Pumunta na kami ni Riah sa Canteen at kumain. Maaga kaming natapos kaya bumalik muna kami sa kanya-kanya naming kwarto para magpalit ng damit.
Habang papunta sa building, sa isang bench sa ilalim ng puno may babaeng umiiyak. Paglapit ko si Jean Sandoval.
"Jean, kailangan mo ba ng makakausap?" tanong ko pero niyakap lamang nya ko at nagpatuloy sa pag-iyak. Hinahaplos ko naman ang kanyang likod at hinayaan lamang sya sa pag-iyak. Siguro apektado pa rin sya kanina.
"I was raped," pag-amin ni Jean na aking kinabigla. Hindi ko alam kung mali ba ang narinig ko pero muli nyang inulit, "I was raped, Rio. I was raped."
Nanigas ang aking katawan dahil alam ko ang sakit, ang bangungot na pinagdadaanan ni Jean.
"Sino? Kailan? Dito ba sa Camp?" sunod-sunod kong tanong.
"I didn't see his face. May itim na mask. At may pilit syang tinurok sa akin. Dalawang injection. Iyon siguro ang dahilan kaya naging ganito ang pananamit ko. Siguro sex drugs. Sa lagoon kagabi bago matulog naglibot muna ako at nagpahangin, biglang may humatak sa akin. Lumaban ako pero nang mainjectionan nya ko bigla akong nag-iba. Naging uhaw ako sa sex, hindi na ko nakapalag," salaysay ni Jean.
"Gusto mo bang magsumbong? Sasamahan kita. Puntahan natin si Coach Akie!" anyaya ko.
"Huwag. Maaaring kasamahan nya yun. Kasi dapat nakita iyon sa cctv. At may injection sya, pwedeng Doctor," pahayag ni Jean na natatakot.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa iyo, pero nandito lang ako. Mapagkakatiwalaan mo ko. Gusto mo bang sumama muna sa kwarto at magpahinga?" alok ko sa kanya.
"Hindi, didiretso na lang muna ko sa kwarto namin para magpalit. Hindi naman ako ganito. Hindi ako 'to," sagot nya na naiiyak pa rin.
"Mabuti pa ihatid muna kita sa kwarto mo, tapos mamaya magkita tayo sa baba para sumabay ka sa amin papunta sa Sunflower Maze," wika ko.
Hinatid ko na nga si Jean sa kwarto nya at pagkatapos at dumiretso ako sa kwarto ko. Iniisip ko kung sino kaya ang nang-rape sa kanya? Posible kayang ganoon din nangyari kay Des? Naalala ko bigla ang sinabi ni Jean na nakamaskara at may injection. Hindi kaya isa sa mga Doctor in Black? Kailangan kong makita si Doctor in Black para tanungin siya, kaso paano? Saan ko sya matatagpuan? Nagsimula akong matakot dahil kung ganoon hindi pala kami ligtas sa Camp, mas kailangan kong tibayan ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.