Mario's Point Of View
Mula nong nangyari sa Maze hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong magpaliwanag kina Magi at Elio, inisip ko rin iligtas sila Rio pero natakot ako. Natakot ako na baka may nalaman na silang hindi totoo. Natakot ako na baka hindi ako handa kung sakaling may nalaman nga sila at magpakita ako.
Pinuntahan ko si Mama, si Dr. Hidalgo, naabutan ko silang nagmamadaling inaayos ang mga gamit sa laboratory na kanilang isasama sa pagtakas. Naghihintay ang sasakyan nilang helipcopter sa may helipod malapit sa lake sa likod ng Camp. Sinasama ako ni Mama sa research facilities sa Quezon kung saan ipagpapatuloy nila ang paghahanap ng lunas sa sakit. Nang paalis na sila, niyakap ko si Mama at nagpaalam. Sinabi kong susunod na lamang ako dahil may mga aayusin pa ko. Pinaiwan nya si Dr. Kelly Velasco, isang Doctor in Black para magbantay sa akin lalo na sa pag-inom ng syrup.
Tumungo ako sa kwarto ko sa basement, nadaanan ko naman ang isang monitoring room kung saan nakita ko si Harvey na hirap na naglalakad. Hindi ko sana sya pupuntahan pero nakita kong bumagsak sya sa sahig kaya naman tumungo ako sa lagusan papunta sa kinaroroonan nya at dinala sa kwarto ko para makapagpahinga sya. Tinawagan ko si Dr. Kelly para patingnan si Harvey. Pumunta ako sa monitoring room at nakita ko sila Magi at Elio na papunta rin sa basement kaya bumalik na ko sa kwarto.
Sabi ni Dr. Kelly ayos naman daw ang vital signs ni Harvey baka napagod lang at nagkaroon ng trauma sa bandang ulo kaya mabuting patulugin muna para makabawi ng lakas. Nilagyan na rin ng dextrose si Harvey. Nagpaalam na rin si Dr. Kelly pero bago umalis ay binilin nya ang syrup na kailangan ko nang inumin.
Dumiretso ako sa aking kwarto para makapagpahinga. Uminom muna ako ng syrup dahil baka makalimutan ko pa. Maya-maya nagsimula nang mag-init ang aking katawan. Bumangon ako sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo para mag-shower. Hindi nakatulong ang malamig na tubig para labanan ang aking pag-iinit. Kinuha ko ang aking tuwalya at pinunasan ang basa kong katawan. Hindi na ko nagbihis. Nagtungo na ko sa nakatagong silid sa aking kwarto. Dito ay naghihintay sa akin si Rosette, ang takbuhan ko sa tuwing inaatake ako ng epekto ng syrup. Sinimulan ko nang himasin ang aking ari habang tinitingnan ang hubad nyang katawan sa ibabaw ng kama. Hindi na ko nakapagpigil at agad na kong pumatong sa kanya. Hinalik-halikan ang kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib. Pinasok ko na rin ang aking ari sa kanyang ari at narinig ko ang mahina nyang pag-ungol. Sa bawat pagdiin ng aking ari ay kitang-kita ko ang pagtirik ng kanyang mga mata. Mas lalo akong ginaganahan at mas lalong napapalakas ang paggalaw ng aking baywang. Ang kanyang ungol ay mistulang musika sa aking tainga. Hinugot ko ang aking ari at lumuhod patungo sa kanyang ulo. Naglabas-masok ang aking buhay na buhay na ari sa kanyang bibig hanggang sa ako'y labasan. Bumalik na ko sa aking kama at natulog.
Gumising ako na magaan ang pakiramdam. Malaki ang pasasalamat ko kay Rosette. Tatlong beses sa isang araw sa loob ng dalawang taon ko yun ginagawa sa kanya. Isa syang sex toy na may artificial intelligence. Binigay sa akin nila mama bahagi ng intervention para hindi na ko maghanap pa ng makakatalik sa labas. Maliban na lang noong may nangyari sa amin ni Des at ni Jean.
Hindi ko naman kagustuhang gawin ang nagawa ko kina Des at Jean. Sila ang nagyaya sa akin at sumabay pa ang epekto ng syrup. Ganoon na sila bago ko pa sila maka-sex. Bakit ako ang sinisisi kung bakit nagkaganoon sila Des at Jean? Hindi ako rapist. Ang mali ko lang hindi ko nakontrol ang sarili ko at pinatulan ko sila. Naniniwala ako may ibang gumawa sa kanila noon.
Tulog pa rin si Harvey, iniwan ko muna sya at nagtungo ako sa monitoring room at nakita ko sila Rio kausap si kuya at si Coach Akie. Pinanood ko lamang hanggang sa umalis si Rio at nagtungo na sa basement. Maya-maya nagdesisyon akong puntahan ang kwarto nila.
Sa pagkatok ko, si Magi ang nagbukas ng pinto at nakita ko si Rio na nakaupo sa sofa.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo na kami mauuto!" pahayag ni Magi.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Bilim KurguMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.