Chapter 22

263 16 6
                                    

CHAPTER 22

Rio's Point of View

Nagising ako sa pagkakauntog, di ko alam kung sinadya ba ni Coach Akie para magising ako pero nang sumilip ako sa bintana nakita kong mabato at hindi sementado ang daan.

"Bakit dito tayo dumaan, Coach?" tanong ko kay Coach Akie.

"Umikot ako. Nagdesisyon akong dumaan sa mahabang ruta para hindi tayo makita ng ibang Virgin Hunter na kasama nila Josh, naisip ko kasing naiwan sila sa Camp kaya kung aalis ang mga iyon baka makasalubong pa natin," paliwanag ni Coach.

Tama naman si Coach Akie. Hindi na ko nagsalita pa. Inisip ko kung ano kaya ang mga susunod na mangyayari at kung tama ba ang desisyon namin na muling bumalik sa Camp. Kumusta kaya sila Magi, at Elio. Alam kaya nila ang totoo? Sana nasa maayos silang kalagayan. Sa tingin ko mapagkakatiwalaan ko naman si Coach pero paano kung hindi pala? Binibisita na naman ako ng nga multo sa aking isipan. Kung ano-ano na namang mga imahe ang pinapakita na alam ko namang walang katotohanan.

Pasikat na ang araw nang makapasok kami sa gate ng Camp, kung saan inalalayan kami ng mga Camp Martial.

"Buti naman active na ulit ang mga Camp Martial," ani ni Coach.

"Oo nga Coach, nasaan sila nong nagkagulo?" tanong ko.

"Malamang may nag-deactivate sa system nila. Mga humanoid kasi ang mga Camp Martial, pinapagana ng artificial intelligence," paliwanag ni Coach.

"Astig, hindi halatang mga robot ang mga iyan," wika ko na talaga namang namangha sa aking nalaman.

"Pero may ilan naman na tao talaga mas marami nga lang ang hindi," dagdag pa ni Coach.

Maya-maya ay bumaba na kami at ang mga Camper na nasa likod ng truck. Sinundo ko na rin si Riah na tahimik lamang. Pinapasok sa testing area ang mga Camper samantala pinahatid naman kami ni Coach Akie sa basement.

"Coach, sigurado ka ba na nasa baba sila Magi?" paniniguro ko.

"Oo, ihahatid kayo ni Riah ng Camp Martial, susunod ako mamaya. May kailangan lang akong ayusin dito," paliwanag ni Coach.

Nagpaalam na ko kay Coach at sumama sa Camp Martial kung saan may bilog na platform patungo sa basement. Siguro dito ako dinala ni Doctor in Black noong na-injure ako sa Sunflower Maze. Si Doctor in Black na malakas ang kutob ko na si Dr. Lorenzo. Bakit nga pala wala sya sa testing area, nasaan kaya iyon? Ang dami kong gustong itanong at linawin.

Sinundan lang namin ni Riah ang Camp Martial sa paglalakad, dumaan kami sa isang kwarto na puro monitor. Nakita ko ang mga Camper na tinuturukan at nawawalan ng malay.

"Riah, nakita mo iyon?"

"What? What did you see?" sagot ni Riah na tila matamlay.

"Iyong mga Camper, tinuturukan. Ano kaya ang pinaplano nila Coach?"

Hindi na nakasagot si Riah dahil tumigil na kami sa isang pinto na agad ding bumukas pagkatapos pindutin ng Camp Martial ang button sa gilid ng pinto. Bumungad sa amin si Magi.

"Mga sis, buhay kayo!"

Unang hinagkan ni Magi si Riah pagkatapos ako kung saan napatagal at masyadong napahigpit ang kanyang pagyakap. Nagulat na lang ako at umiiyak na sya.

"Sis, hindi talaga kami makatulog. Buti naandito ka na. Mababaliw na ko. Hindi na kinakaya ng braincells ko ang mga ganap. Sis, akala ko hindi ko na kayo makikita ni Riah," sunod-sunod na wika ni Magi habang nakayakap pa rin sa akin. Nang bumitaw sya, tiningnan nya ko sa aking mga mata, "Sis, si Mario. I hate him na. Marami kang dapat malaman."

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon