RIO's Point Of View
Tadyak, sipa, at gamit ang baseball bat, pinaghahampas ko sa ulo ang bawat virgin hunter na nakakasalubong ko. Hanggang sa nakaharap ko na si Mario.
"Lumabas din ang kulay mo. All this time akala namin si Josh ang traydor. Ikaw pala. Ano? Kukunin mo kami para isa-isa mong pagsamantalahan" wika ko.
"Hindi mo naiintindihan, Rio," sagot ni Mario.
"Anong hindi? Hindi pa ba malinaw 'tong pagsugod nyo?" katwiran ko.
"Bakit kasi nagpapalamon ka sa galit" tanong ni Mario.
"Ikaw? Bakit ka nagpalamon sa sakit mo?" sagot ko na sinundan ko ng pag-atake. Sa bawat paghampas ko ng baseball bat agad nya itong nasasalag. Ramdam kong nasasaktan naman sya. Pinuntarya ko ang kanyang tyan at bandang hita hanggang sa hindi nya ito nailagan. Nawalan ng balanse si Mario at natumba pero agad ding nakatayo. Puro lang sya depensa, hindi pa sya umaatake. Ano kayang pinaplano nya?
Muli akong umatake, tuloy pa rin ang pagsangga nya at pag-ilag. Mas lalo kong nilakasan ang paghampas, tinamaan ang kanyang tagiliran. Napaluhod sya at napahawak dito.
"Hanggang iwas ka lang ba? Suko ka na? Kung gusto mong kunin ang mga campers kailangan mo muna kong patayin," wika ko.
Nakatingin lang ako kay Mario, hindi ko naagapan ang kanyang pag-atake. Sinipa ang paa ko. Ako naman ang bumagsak sa sahig. Masama ang pagbagsak ko hindi agad ako nakatayo.
"Itali na yan. Para hindi na maging sagabal baka maabutan pa tayo dito," utos ni Mario sa mga virgin hunter. Nagpupumiglas ako pero hindi na ko nakaatake hanggang sa hindi na ko makakilos sa higpit ng pagkakatali. Nilagyan din ng busal ang aking bibig para hindi ako makapagsalita.
Iginala ko ang aking paningin at nakita ko sila Magi na nakatali na rin. Napansin ko si Harvey na inuutusan ang mga virgin hunter na dalhin sila malapit sa akin. Pinagsama-sama kami sa gitna. Hindi naming magawang makapag-usap nila Magi sadyang tinginan lang sa mata ang kaya naming gawin. Habang nasa gitna at pinapalibutan ng mga virgin hunter, nakita ko ang mga bus na nagsasakay ng mga walang malay na camper. Inaalalayan sila ni Coach Akie na sya pang nagtuturo kung paano ipapasok ang mga higaan ng mga campers.
Maya-maya dumating na si Doc Gio at ginulo ang buhok ni Mario. Nag-uusap sila na parang wala lang nangyari. Lumapit sa amin si Harvey at nagsalita, "Maiintindihan nyo rin. Para sa inyo ang ginagawa namin."
Nang matapos nang ilagay sa mga bus ang mga campers, isinakay na rin kami sa coaster. Kasama namin sila Doc Gio at Mario sa sasakyan. Andoon sila sa harapan. Hindi ko maiwasang makinig sa kanilang usapan.
"Sa susunod na gagawa ka ng mga ganito, ipaalam mo muna sa akin para di naman ako mataranta. Magsasabi ka kung kailan may sumasabog na. Buti na lang naabisuhan ko agad ang mga camp martial," wika ni Doc Gio.
"Wala na kasing oras. Tiwala naman akong papakinggan mo ko, Kuya," sagot ni Mario.
Bakit parang chill lang si Doc Gio? Dinakip ang mga campers kasama kami tapos ganyan lang ang reaksyon nya. Unang-una, sya dapat ang magsisiguro ng kaligtasan namin. Baka naman niloloko lang talaga kami ng Camp, na tama talaga si Josh. Pinilit kong magsalita kahit hindi nila naiintindihan ang lumalabas sa bibig ko. Nagpatuloy ako sa paggawa ng ingay.
"Rio, mapapagod ka lang sa ginagawa mo. Ireserba mo na lang ang lakas mo," utos ni Doc Gio.
Hindi ko sya pinakinggan mas lalo akong nag-ingay at pilit na pinapadyak ang paa sa sahig hanggang sa nahulog na ko sa aking kinauupuan. Lumapit si Mario para itayo ako at ibalik sa pagkakaupo.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.