Mario's Point Of View
(Warning: May maseselan na eksena.)
Tuloy-tuloy lamang ang pagmamaneho namin ng motor ni Harvey. Wala pa naman kaming nadaanang mga virgin hunter. Nagdesisyon muna kaming tumigil para kumain. Tiningnan ko ang oras kailangan ko nang muling uminom ng syrup. Hindi naman naiwasang pansinin ito ni Harvey.
"Bro? Ano yang iniinom mo?" tanong nya.
"Gamot ko. Para ma-regulate ang effect ng virus. Kung di ko kasi to iinumin, maya-maya maghahanap ako ng makaka-sex hanggang sa mabaliw ako," sagot ko.
"May gamot na pala eh," ani ni Harvey.
"Iba 'to. Sinusubukan lang nitong i-alter at i-regulate ang effect ng virus. Ang virus kasi pinapataas ang sexual desire nang walang definite time, pero dahil dito nagawang maglagay ng oras. Once na uminom ka ng syrup regulated ang pagtaas ng libido tapos hihinto kapag naabot na ang maximum level. Alam mo rin kung kailan tataas at dapat nang magparaos at pagkatapos nagiging normal na ang level ng libido ng infected sa loob ng walong oras. Isipin mo na lang na bago umiyak ang bata dahil nagugutom uunahan mo na tong pakainin," paliwanag ko.
"Ah gets. Kung okay lang sa iyo, tanong ko paano ka nagpaparaos? Kamay?" tanong ni Harvey na tila natatawa.
"May sex toy ako sa kwarto, may artificial intelligence kaya naka-program sya na mag-react sa specific stimuli which is sexual intercourse," sagot ko.
"Ang astig, baka pwede naman akong makahingi nyan," biro ni Harvey.
"Pagkarating natin sa Quezon, request natin kay Dr. Hidalgo," wika ko.
"Paano yan, dala mo ba ngayon?" tanong ni Harvey.
"Hindi nga eh. Masyado kasing malaki," sagot ko.
"Paano ka nyan?" tanong nya.
"Bahala na mamaya. Matulog na lang muna tayo," wika ko.
Tinali ko na sa dalawang puno ang duyan na magiging higaan ko, ganoon din si Harvey. Pinili naming hindi lumikha ng siga para hindi makakuha ng atensyon sa mga virgin hunter. Nagsimula na kaming natulog para maya-maya ay makapagbyahe na muli pero dahil sa syrup nanatili akong gising. Naisipan kong maglakad-lakad hanggang sa nakaramdam na naman ako ng init. Naupo ako sa likod ng puno, sinubukan kong magparaos mag-isa. Hinubad ko ang lahat ng aking suot at sinimulan ang pagsasalsal pero lumipas ang ilang minuto tila walang epekto. Hanggang sa tuluyan na kong sumigaw dahil sa frustration.
Biglang lumitaw si Harvey na nakahubo't hubad din. Kitang-kita ko ang kanyang katawan kung saan tanging liwanag ng buwan ang syang nagsisilbing ilaw. Hindi naman pala sobrang taba ni Harvey, puro fats nga lang na pwedeng i-work out. Chubby pero hindi malaki ang tyan, kung mag-gym sya magiging muscle at tiyak gaganda ang katawan nya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Tutulungan ka," seryosong sagot ni Harvey.
"Bro, tang-ina di ako bakla," sambit ko.
"Wala naman akong sinabi. Hindi rin naman ako bakla pero sabihin na nating open ako sa lalaki man o babae," paliwanag ni Harvey.
"Wala pa kong experience sa kapwa ko lalaki," wika ko.
"Eh di ngayon mararanasan mo na. Wag kang mag-alala hindi naman porke nakipagkantutan ka sa kapwa mo lalaki ay bakla ka na. Tatanggapin mo ba ang tulong ko o hindi?" pahayag ni Harvey.
"Tang-ina bro, matagal mo na ba kong pinagpapantasyahan?" tanong ko.
"Hindi naman. Pero nang makita kita kaninang nagjajakol nalibugan ako," wika nya.
"Tang-ina," di na ko natapos sa sasabihin ko nang bigla nya kong halikan. Tang-ina, init na init talaga ko kaya kahit gusto kong awatin si Harvey hindi na ko nagpapigil pa. Hindi ako nakipagsabayan ng halikan, hinayaan ko lang sya habang hawak-hawak nya ang ari ko. Maya-maya pinatuwad ko sya, sinuot na ang condom at pinasok ang aking ari sa kanyang puwit. Unang beses ko tong gagawin. Binuka nya ang hita nya at ako naman ay dahan-dahang tinapat ang ari sa masikip nyang lagusan. Tang-ina ang sikip, pero dahil libog na libog ako binigla ko na ang pagpasok. Narinig ko ang pagmumura at pagsigaw nya. Binilisan ko na lang ang paggalaw para naman mapalitan ng sarap ang sakit na naramdaman nya. Inisip ko na lang na babae ang kasama ko. Iba talaga kapag masikip ang pinapasukan. Dito na ko nilabasan at pagkatapos ay naupo ako. Humarap naman sa akin si Harvey.
"Salamat, Bro," sambit ko.
"Walang anuman. Patulong naman," wika ni Harvey at tinapat ang kanyang ari sa akin.
"Tang-ina hindi ko isusubo yan," sagot ko.
"Di mo naman kailangang isubo, jakulin mo lang bro. Wala na kong lakas eh." wika nya.
Malaki ang pasasalamat ko kay Harvey pero hindi ko ginawa ang nais nya. Maya-maya ay nilabasan na rin sya. Nagbihis na kami, bumalik sa aming higaan at natulog.
Tumunog ang alarm na agad ko ring pinatigil dahil baka may ibang makarinig. Sariwa pa ang alaala nang nangyari sa amin ni Harvey kagabi. Ginising ko na sya para makaalis na rin kami.
"Bro, gising na. Himbing ata ng tulog mo, halatang nasarapan ka kagabi," biro ko.
"Di ko itatanggi iyon, bro," sagot nya.
Casual lang kaming nag-uusap ni Harvey. Wala naman akong feelings sa kanya pero ramdam kong nag-iba bigla ang pakikitungo nya sa akin. Mas nahing madikit sya. Wala naman sa akin iyon, si Rio lang naman ang mahal ko. Inayos na namin ang mga gamit at tumungo sa pinag-parkingan ng motor pero hindi namin ito natagpuan.
"Loko na, may nagnakaw ng motor natin," ani ni Harvey.
"Shhh baka nasa paligid lang sila," bulong ko.
Biglang may sumugod sa amin. Nakaiwas ako sa suntok pero naabutan si Harvey. Naglabasan na rin ang ibang virgin hunter. Patuloy lang kami ni Harvey sa pakikipaglaban. Napansin ko naman ang tattoo sa isang virgin hunter.
"Anak ako ni Chief Theo. Anak. Ako. Ni. Chief Theo," sigaw ko at natigil ang mga virgin hunter sa pagsugod. "Sinong pinuno ng grupo nyo?" tanong ko.
"Ako," sigaw ng lalaking nakasuot ng cowboy hat at naka-long sleeve na red, jeans at leather na sapatos.
"Kilala mo ba kung sino ako?" tanong ko.
"Sabi mo anak ka ni Chief. Paano? Bakit mo sya kilala?" tanong ng lalaki.
"Kilala ko sya kasi ako ang anak nya, anak nya ko kay Dr. Hidalgo," sagot ko.
"Talian yan. Dadalhin natin sa kuta para makasiguro tayo," utos ng lalaki sa mga kasama nitong Virgin Hunter.
"Sige. At sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sa inyo," wika ko. Naramdaman kong kinabahan ang mga virgin hunter pero sinigawan sila ng lalaking pinuno nila kaya nagpatuloy sa pagtali sa amin. Nilagyan din ng piring ang aming mata. Kung totoo ngang dadalhin kami nito sa ruta nila, ngayon ko na lang muli makikita ang aking ama. Bigla namang pumasok sa aking isip ang kanyang pangalawang kinakasama. Ang nanay ni Josh na gumahasa sa akin. Muli akong nakaramdam ng takot at galit.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.