RIO's Point of View
"Sis, gising na."
Nakilala ko agad ang boses ni Magi, pagkadilat ng aking mga mata agad nya kong nilagyan ng piring.
"Sis, anong trip nyo?" tanong ko.
"Don't worry, Rio. You're safe with us," wika ni Elio.
"Tru. Sumusunod lang kami sa utos. Walang mangyayaring masama," wika naman ni Magi.
"Kayo, kasabway na rin ba nila kayo? Nasa research facility na ba tayo?" tanong ko habang tumatayo at kinakapa ang paligid.
"Wala pa, sa iba kasi dumaan. Masyado daw kasing malambot ang lupa malapit sa lawa," sagot ni Magi.
"Rio, just trust us. And follow our instructions," sambit ni Elio.
"Oo, sis, kung ayaw mong gumulong at dumausdos," paalala ni Magi.
Nagsimula na kaming maglakad. Sinusundan ko lang bulong nila Elio at Magi, wala naman akong natapakang mga paa. Hindi rin naman ako natumba, naging kalkulado ang aking paghakbang. Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid.
"Ayan, malapit na. Sis, last hakbang na lang nasa perfect spot ka na," utos ni Magi.
"Okay, you can now remove the blindfold, Rio!" sigaw ni Elio.
Dahan-dahan kong tinanggal ang piring. Pansamantalang nag-adjust ang aking paningin at bumungad sa akin ang banner na may nakasulat, "Happy Birthday, Rio!" Nakatayo ako kung saan tanaw na tanaw ang maladagat na bituin sa kalangitan at ang buwan na iniilawan ang lawa. Nakarinig ako ng mga nag-awitan.
"Moving forward using all my breath
Making love to you was never second best
I saw the world crashing all around your face
Never really knowing it was always mesh and lace"
Tumalikod ako at nakita ko ang mga kaibigan kong kumakanta, maging sila Coach Akie pero hindi nila kasama si Mario. Huminto sila sa pagkanta at nakarinig muli ako ng umaawit sa aking likod. Si Mario na may hawak na bulaklak.
"I'll stop the world and melt with you
You've seen the difference and it's getting better all the time
There's nothing you and I won't do
I'll stop the world and melt with you."
"Happy Birthday! Maaari ba kitang isayaw?" tanong ni Mario pagkatapos nyang kumanta.
Narinig ko naman ang sigawan ng mga kaibigan ko, "Go Rio!" Nagsalita naman si Coach Akie, "Mabuti pa, lahat tayo sumayaw na!"
Ayaw ko namang maging KJ, na-appreciate ko ang sorpresa nila. Tinanggap ko ang alok ni Mario, nagsilapitan naman ang iba at sumayaw na rin. Walang tugtog, walang musika, tanging mga puso namin ang nag-aawitan.
"Tara, kain na muna tayo. May mga inumin din akong dinala. Kaunti lang 'to, hati-hati na lang," ani ni Doc Gio.
Pinagsaluhan namin ang mga pagkain, at inumin kasabay ang kwentuhan.
"Tanong ko lang, kailangan ba talaga nating matakot sa grupo nila Josh?" tanong ni Xander.
"Sa pagkakaalam ko kasi mga armado sila. At ilan na lang ang Camp Martial, ang iba nasira noong una nilang pag-atake. Mas ayos na maging maagap kesa naman mapasubo sa gulo," sagot ni Doc Gio.
"Buti na lang kasama ni Mario si Harvey dahil kung hindi, siguro mag-aalangan kaming sumama dito," wika ni Magi.
"That's because we were not sure if we could still trust Mario," sambit ni Elio.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.