RIO's Point Of View
Lumalangoy ako sa isang lawa kasama sila Magi at iba pa naming kaibigan. Naglalaro kami ng agawan ng bola habang nasa tubig nang biglang may humatak sa paa ko at hinila ako sa ilalim. Pinilit kong igalaw at ipadyak ang aking paa para makaangat pero hindi ko kinaya hanggang may naramdaman akong tumama sa aking ulo.
Tuuug.
"Aray!" wika ko habang kinakamot ang noo dahil nahulog ako sa kama habang natutulog.
Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko? Hindi kaya may gustong humila sa akin paibaba? May gustong mawala ako? Napatingin ako sa oras at malapit nang mag-alas dose. Halos anim na oras din akong nakatulog. Hindi man lang ako ginising ni Doc Gio, baka hinahanap na ko nila Magi.
Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Doc pero wala sya. May nakita akong note sa pinto. "Dumiretso ka na sa tinutuluyan nila Magi, doon ka na kumain. Doon ko na rin sasagutin ang mga tanong mo para malaman din nila."
Pagbasa ng note ay nagmadali akong pumunta sa kwarto kung nasaan sila Magi. Buti na lang naalala ko ang daan kagabi, hindi ko pa kasi nalibot itong basement kaya hindi pa familiar sa akin. Pagkarating sa kwarto, pinagbukas ako ng pinto ni Xander at sakto naghahanda na sila para kumain.
"Tamang-tama ang dating mo, Sis. Mukhang masarap ang tulog mo ah. Nag-enjoy ka ba kagabi?" tanong ni Magi na parang may ibang gustong ipakahulugan.
"Sis, did you find her?" tanong ni Riah.
Napaisip ako kung sino tinutukoy ni Riah, hindi ko naman nasabi sa kanya iyong tungkol kay Jean at hindi ko rin naman sya natanong.
"Find who?" tanong ni Magi.
"I'm referring to Jean. I was looking at the monitor the other day when I saw you with Magi and Elio. I saw your face when you passed by the bench where you had the chance to talk to Jean. Then you went back to the clinic and look for someone," paliwanag ni Riah.
"Oo hinanap ko nga si Jean noon. At hindi ko sya nakita. Ayaw ko maglihim sa inyo kaya aaminin kong lumabas ako kagabi para hanapin sya," salaysay ko.
"Actually, nasabi na sa amin ni Doc Gio at nakwento nya rin na doon ka natulog sa bagong kwarto nya," wika ni Magi.
"Oy di kami magkasama sa kwarto natulog. I mean oo sa kwarto nya pero doon ako sa kwarto sa kwarto nya," sagot ko.
"Defensive," ani ni Elio.
"Oo nga. Sa sobrang laki ng kwarto ni Doc may kwarto mismo sa kwarto nya, may kusina, may sala at may laboratory pa," paliwanag ko.
"Too much justification," sabat ni Jasmin.
"Balakayodyan," sagot ko.
"Pero sa susunod Sis magsabi ka para di naman kami mag-alala at sasamahan ka naman namin. Buti na lang nandyan si Doc para bantayan ka," singit naman ni Magi.
"Sorry friends, ayaw ko lang madamay pa kayo," katwiran ko.
"Sa ayaw mo man o hindi, damay-damay na tayo dito matagal na," sagot ni Xander.
"Trulalu! kaya laban ng isa, laban ng lahat," wika ni Magi.
"I second the motion," sagot ni Elio hanggang sa sabay-sabay na silang sumigaw. "Laban ng isa, laban ng lahat!"
"Oh di pa ba kayo nagugutom?" tanong ni Doc Gio.
"Kanina pa nga eh. Si Rio kasi," sagot ni Xander.
"Tara, kainan na!" sigaw ko.
Kanya-kanya kaming upo habang nag-aabutan ng mga pagkain. Ang daming ulam, mukhang ang sasarap pa. Parang may handaan, na-miss ko tuloy sila Mama at Papa, pero masaya akong kasama ang mga bago kong pamilya. Masaya akong nakikita silang masaya na walang iniisip na problema. Maya-maya biglang may kumanta ng Happy Birthday, si Doc Gio at sinabayan sya nila Magi. Teka, sino ba may birthday? Nakisabay na lang din ako sa kanila sa pagkanta pero natahimik ako nang nakita ko ang hawak na cake ni Doc Gio.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.