Chapter 46

139 5 1
                                    

Rio's Point of View

Nagmamadali na kaming bumaba pero may nais pang balikan si Dr. Hidalgo sa laboratory nya.

"Ma, ano pa bang kailangan mong kunin? Parating na ang mga VH!" tanong ni Doc Gio.

"Paunahin mo na lang sila, may mahalagang di pwedeng maiwan," sagot ni Dr. Hidalgo.

"Akala ko ba naisama na sa bus ang mga gamit mo?" tanong muli ni Doc Gio.

"Hindi pa lahat. Mabuti pa, mauna na kayo!" sagot muli ni Dr. Hidalgo.

"Ano bang naiwan?" tanong ni Rio.

"Basta. Mauna na kayo!" pagpupumilit ni Dr. Hidalgo.

Hindi na naging makulit si Doc Gio sa pagtatanong kay Dr. Hidalgo, binaling nya sa amin ang tingin para kausapin.

"Magkita-kita na lang tayo sa baba, sasamahan ko lang si Dr. Hidalgo. At ikaw Mario, ikaw na muna bahala sa kanila!" utos ni Doc Gio.

"Hindi kuya, sabay-sabay na tayo. Sasama na rin kami," sagot ni Mario.

Sabagay, mas mahirap nga naman kapag naghiwa-hiwalay pa kami dahil kapag may sumugod mabilis kaming matatalo. Samantala, hindi namin namalayan na wala na si Dr. Hidalgo.

"Nasaan na si Mama?" tanong ni Mario.

Iginala namin ang mga mata para hanapin si Dr. Hidalgo pero di namin nakita.

"Nakita ko sya pumasok doon," turo ni Claire.

Pinuntahan namin ang kwarto na tinuro ni Claire, at naabutan namin si Dr. Hidalgo na may isinisilid sa isang suit case.

"Ano ang laman ng mga vial na iyan?" tanong ni Doc Gio.

"Mga ginawa kong gamot," sagot ni Dr. Hidalgo.

"Gamot saan?" tanong muli ni Doc Gio.

"Syempre sa Virus," sagot ni Dr. Hidalgo. "Tapos na ko, tara na," dagdag nya.

"May gamot na?" tanong ni Mario. Nagulat din ako sa narinig ko.

"Trials pa lang, hindi pa talaga sya totally nako-confirm. Malapit na syang ma-perfect. Sa ngayon, nakapokus pa rin ako sa pagpapahina ng virus at malaki ang maitutulong ng dugo ni Rio. Ang meron pa lang tayo, paunang pangontra for new acquired infection. Ito ang tinatawag naming Passive Immunity. Ipapaliwanag ko habang bumababa tayo," wika ni Dr. Hidalgo.

"Gusto ko muling malaman kung paano uli ako nagkaroon ng antibodies," sambit ko.

Bago sumagot si Dr. Hidalgo, binitbit nya muna ang suitcase at naunang maglakad. Nakasunod naman kami nila Mario at Claire, samantalang pasan-pasan pa rin ni Doc Gio si Lisa. Pagkapasok sa elavator, nagsimulang magsalita si Dr. Hidalgo.

"Rio, base sa kinuwento sa akin ni Doc Gio posibleng nagsimulang mag-develop ang antibody sa sistema mo nong muntikan ka nang magahasa ng virgin hunter. Posibleng may fluid nang na-release ang VH na syang dumaan sa ari mo. Ang fluid na iyon maaaring may maliit na porsyento ng virus. Posibleng dahil malakas ang immunity mo, ang maliit na porsyentong virus na ito ay nagawang labanan ng iyong sistema kaya agad nakapag-develop ng antibody. Ito ang tinatawag naming Active immunity dahil ang sistema mo mismo ang nag-develop. Unlike sa passive immunity, napapasa lang ang antibody mula sa dugo o body fluids ng immune patungo sa taong hindi immune. Sa Passive immunity, walang forever kasi mawawala rin agad ang antibody after ilang weeks pero siguradong gagaling ang infected."

Kung ganoon, pangit man ang naging karanasan ko na iyon, may naidulot naman palang magandang epekto. Siguro ito na ang sagot para mawala na ang pangit na alaala at tuluyan nang maibaon ito sa limot.

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon