Chapter 38

170 11 0
                                    

RIO's Point Of View

Marami nang buhay ang nawala. Lumalaban kami para mailigtas ang marami pero sa bawat paglaban namin buhay naman ang kapalit. Kailangan ba talagang may dumanak na dugo bago makamit ang kapayapaan? Kailangan ba laging may magsakripisyo? Gugustuhin ko pa bang mabuhay kung ang mga mahal ko naman ang unti-unting namamatay? Hindi namin namalayang nasa isang digmaan na pala kami. At ang nakakalungkot, hindi natatapos ang digmaan nang walang natatalo, nang walang nasasawi.

"Rio, sino ba iyong humabol sa inyo? Sino iyong babae?" tanong ni Doc Gio.

"Mga nakilala namin nang makatakas kami kina Josh. Si Reagan, na sa tingin ko ama ni Josh, ang pinuno at nagbigay sa amin ng masasakyan papunta dito," sagot ko.

"Mukhang kanila lang nagkita ang mag-ama," wika ni Xander.

"I feel sorry for them. They didn't get the chance to know each other," ani ni Elio.

"Kawawa din si Isabela. Tama nga ang sinabi nya, sa kamatayan lang sya makakalaya," wika ni Magi.

"Mukhang ang dami nyong pinagdaan. Hayaan nyo makakapagpahinga rin kayo pagdating natin sa loob" wika ni Doc Gio.

"Kumusta pala si Mario, Doc?" tanong ni Harvey.

"Patuloy pa rin ang monitoring pero may mahalaga kaming nadiskubre. Sa totoo nyan, kaya ako sakay nitong helicopter para hanapin kayo lalo ka na Rio," wika ni Doc.

"Bakit? Ano iyon?" tanong ko.

"Malalaman nyo rin mamaya. Pababa na tayo. Maghanda kayo," sagot ni Doc Gio.

Lumapag na ang helicopter at isa-isa nang nakababa sila Magi. Naiwan ako at si Doc Gio. Sinenyasan na ko ni Doc Gio na mauna pero naalala ko si Claire.

"Doc, pwede bang sunduin natin iyong naiwang anak ni Reagan? Si Claire. Kaedad namin, hindi rin sya infected, tapos may mga kasamahan sila na hindi rin naaapektuhan ng virus," pahayag ko.

Bago sumagot si Doc may nagsalita sa satellite phone nya, "Umalis na ang mga virgin hunter sa harap. Wala nang threat." Nagpaulit-ulit ito.

"Doc, mas lalo nating kailangang balikan si Claire baka pumunta doon ang grupo nila Josh. Hindi ko hahayaan na magaya sa mga kasamahan nya ang batang iyon," wika ko.

"Sige. Pero bibilisan lang natin," sagot ni Doc Gio. Nilapitan ni Doc ang isang mic sa loob at nagsalita. "Mauna na kayo sa loob. Magpahinga na kayo. May kailangan lang kaming balikan ni Rio. Ligtas na kayo!"

Kumaway ako ng pamamaalam kina Magi at tuluyan nang lumipad paitaas ang helicopter. Wala na nga sa harap ng research facility ang grupo nila Josh pero natatanaw ko ang sasakyan ng grupo nila. Kailangan naming maunahan si Josh papunta kina Claire at hindi nya kami dapat maabutan.

"Rio, kumain ka muna. Gusto mo bang uminom? Wag ka masyadong mag-isip. Matatapos din ang lahat ng ito," wika ni Doc.

"Doc, ano iyong nadiskubre nyo kay Mario?" tanong ko.

"Teka. Gusto mo na bang malaman? Pero sa tingin ko karapatan mo naman. Sige, natatandaan mo nong gabing bago lagnatin si Mario?"

Parang bigla akong nahiya, ibig sabihin alam na nila na may nangyari sa amin ni Mario. May kinalaman kaya iyon kung bakit nagkaganoon sya?

"Nag-iisip ka na naman. Wala kang dapat ipangamba. Nakwento ni Mario na may nangyari sa inyo noong gabing iyon. Nahalata ko rin naman, sino ba naman kasi ang matutulog nang nakahubad eh malamig na nga. Naging di maganda ang lagay ni Mario dahil sa pagbabago sa sistema nya. At ikaw ang dahilan ng pagbabagong iyon," pahayag ni Doc Gio.

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon