Magi's Point Of View
Hinayaan muna namin na makapagpahinga ang aming sarili ganoon din ang mga camper. Pagkagising, agad naman kaming nagtungo sa kanila. Bet na bet ko ang damit na pinasuot sa akin ni Doc Gio kahit pa medyo mahaba sa akin para kasi kaming mga superhero. Samantala, gabi pa lang ay humiwalay na kami ni Elio kina Xander, Harvey, at Jasmin. Nagtungo na sila nila Doc Kelly para sagipin ang ibang camper. Pagkaakyat namin ni Elio sa kwarto ng mga camper, agad nila kaming tiningnan.
"Alam ko namang maganda ako, kaya naiintindihan ko kung bakit ganyan kayo makatingin," sagot ko habang natawa naman si Elio.
"Anong meron? Cosplaying event ba?" tanong ng isa at nagtawanan naman ang lahat.
"Ay bastos 'to. Pigilan mo ko, Elio," wika ko.
"I can't blame them. You really look like a cosplayer. Wig na lang ang kulang," pang-aasar ni Elio.
"Kinampihan mo pa sila. Ayos lang sanay naman akong sinasaktan mo ko," wika ko.
"Stop this nonsense. Let's focus on the reasons why we're here," wika ni Elio.
"Mukhang nakaayos na naman sila," wika ko.
"Guys, shall we go now?" tanong ni Elio sa kanila.
"Tara na, sumunod kayo sa amin," utos ko.
"Form a line. We couldn't use the elevator at the same time. So let's do this batch by batch," ani ni Elio.
Pinasunod na namin ang iba. Sumama ako sa pagbaba at naiwan naman si Elio sa itaas. Pinahintay ko sa ground floor ang mga camper bago kami dumiretso sa bus. Bumalik ako sa itaas para muling sunduin ang iba. Nasa trenta kaming lahat kaya nakatatlong balik kami. Nang makababa na ang lahat biglang tumunog ang alarm. Ilang minuto rin bago ito huminto.
"Doc Gio, Doc Gio. Anong nangyayari?" tanong ko habang hawak ang satellite phone.
"Ibig sabihin malapit na sila Josh. Ituloy nyo lang ang paglikas sa mga camper. Isakay nyo sa bus at wag na kayong lalabas. Hintayin nyo kami nila Rio at sabay-sabay tayong aalis," sagot ni Doc Gio.
Kinabahan ako bigla. Sa dami nang pinagdaanan namin akala ko hindi na ko kakabahan. Pero iba ang feels na binibigay ng mga nangyayari. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Elio sa kamay ko. Tiningnan ko sya at nginitian nya ko.
"We can do this," wika nya at sinuklian ko sya ng ngiti.
"Magmadali ang lahat, bilisan pero maging maingat sa pagsakay sa bus," utos ko.
Isa-isa nang nagsipasok sa bus ang mga camper. Nang lahat ay nakapasok na, napagpasyahan namin ni Elio na maghintay muna sa labas.
"Xander, ayos lang kayo?" tanong ko.
"Oo, hinihintay lang namin si Dr. Kelly," sagot nya.
"Nakasakay na ang mga camper sa bus. Hinihintay na lang namin sila Doc Gio."
"Mabuti kung ganoon. Ingat kayo!"
"Ingat din kayo."
"Take care, guys," sabat ni Elio.
"Galingan natin," sambit ni Harvey.
"Aja!" ani ni Jasmin.
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Dalangin kong magkita-kita kami at magsama-sama sa dulo. Alam kong kakayanin namin.
Pinagmasdan ko naman ang bus. Maganda ito at mukhang matibay, mukhang bulletproof uli. Nakasandal lamang kaming dalawa ni Elio sa bus.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong ko kay Elio.
"I don't fear for myself. Mas natatakot ako sa maaaring mangyari sa inyo," sagot ni Elio.
Hindi pa ko nakakasagot ay muli syang nagsalita pero pabulong, "Mas natatakot ako na baka mapahamak ka."
"Anong sinabi mo?" tanong ko pero hindi sya umimik.
"Kung ayaw mo. Eh di wag," sambit ko.
Umiba ako ng tingin pero narinig kong tinawag nya ko. Naramdaman ko ang kamay nya sa balikat ko. At nang lumingon ako, bigla nya kong hinalikan. Si Elio, hinahalikan ako. Nanatiling nakadilat ang aking mata sa gulat hanggang sa tinanggal nya ang pagkakalapat ng kanyang labi sa aking labi.
"Bakit? Bakit mo ko hinalikan?" tanong ko pero gaya kanina hindi na naman sya sumagot.
"Akala mo ba na porke may gusto ako sa 'yo madadaan mo ko sa paghalik mo? Masyado mong inaabuso ang pagtingin ko sa 'yo!" wika ko.
"Naiinis ako sayo!" wika ni Elio. Kanina pa sya nagtatagalog. Siguro masyado talaga syang apektado. Ako kasi napapa-english kapag intense ang emotion.
"Ikaw pa ang nainis?" tanong ko.
"Naiinis ako kasi mahal na ata kita!" sigaw nya. Natahimik ako kaya hindi nakasagot.
"Mahal na kita Magi! Natatakot ako na magaya ka kay Riah," wika nya.
"Totoo ba yan? Baka pinagtitripan mo lang ako. Hindi ba bakla ka?" tanong ko.
"Hindi man ako pasok sa kung anong itinakda ng lipunan sa kung ano ang dapat na ikilos ng isang lalaki, naniniwala akong hindi nagiging lalaki ang lalaki dahil lang sa nagmahal sya ng babae. Hindi pag-ibig ang nagtatakda ng kasarian ng isang tao. Hindi tinitimbang ng pag-ibig kung gaano ka kalalaki o kababae. I love you regardless of your gender but mostly because of your heart and your soul," sagot nya.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata. Pinunasan nya ito gamit ang kanyang mga daliri.
"Why are you crying? Did I say something wrong?" tanong nya.
"Wala. Wala kang ginawang mali. Naiiyak lang ako kasi hindi ko inakala na mamahalin ako ng taong nagugustuhan ko. Hindi lahat nagbabalik ng pagmamahal," wika ko. Niyakap naman ako ni Elio.
"I promise, no one will hurt you as long as I'm here," pangako nya.
Bumitaw na si Elio sa pagkakayakap nang muling tumunog ang alarm. Nakarinig na rin kami ng mga pagsabog.
"Doc Gio, Doc Gio. What's happening?" tanong ni Elio ngunit walang sumagot.
"Let's go inside!" anyaya ni Elio. Nakatingin lamang kami sa labas at naghihintay ng mangyayari. Mahigpit na ang hawak namin sa mga baril na kanina'y nakasabit lang sa aming baywang.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Ficção CientíficaMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.