Chapter 16
Rio's Point of View
Pagkapalit ko ng damit bumaba na ako agad para hintayin sila Riah at Jean. Dumating naman agad si Riah, sinabi ko sa kanya na hihintayin namin si Jean at isasabay papunta sa Sunflower Maze dahil hindi maganda ang pakiramdam nito. Naintindihan naman ni Riah at di na sya nagtanong pa. Minabuti kong hindi muna sabihin sa kanya ang nalaman ko.
"Sis, let's go to her room. The game will start in a few minutes, I don't wanna miss any moment," suhestyon ni Riah nang medyo matagal na kaming naghihintay.
"Sige Sis, ako na lang ang aakyat para di ka na mapagod," sagot ko sa kanya pero sumama pa rin sya.
Pagkarating sa kwarto ni Jean, nakalagay sa pinto na walang tao. May detector kasi ang bawat kwarto namin at lumalabas sa pinto kung may tao nga o wala.
"Sis, I don't think she's there, Jasmin told us that Jean already moved to another room," ani ni Riah.
"Oo nga. Pero dito ko sya hinatid kanina," sagot ko.
"Maybe, she forgot that she didn't have an access in this room anymore. Did you see her entering the room?" tanong ni Riah.
"Hindi. Sabi nya kasi kanina káya na raw nya," sagot ko uli.
"That's it. Maybe she's already at the Sunflower Maze, let's go na Sis," anyaya ni Riah at nagtungo na nga kami sa Maze.
Naabutan namin ang mga Campers na nakatayo sa labas at nakapila. Ngayon pa lang ata nagpapapasok sa lugar na papanooran namin. Nagulat naman ako sa aking nakita, si Jean muling nakapang-sexy na damit at may makapal na make up sa mukha. Mukhang ayos na ata sya at may mga kasama pang mga lalaki.
"Sis, that's Jean. I thought she's sick. Why she's like that? Flirting with boys. Oh I see, she's really sick," wika ni Riah.
"Hindi sya ganyan kanina, umiyak pa nga sya sa'kin," depensa ko.
"Why did she cry?" tanong ni Riah.
"Sikreto lang natin ito, sinabi nya sa'kin na na-rape daw sya dito. Tapos sabi nya may tinurok daw na injection sa kanya kaya sya nagiging ganyan. Ang nakakatakot pa baka isa sa mga doctor sa camp ang may gawa," bulong ko kay Riah.
"Really?" gulat ni Riah.
"Wag ka maingay, ayaw ko nga munang ipaalam. Gusto ko munang kompirmahin kaso hindi ko alam kung paano," wika ko.
"Sis, what if they're just using us and worst they're one of those hunters?" tanong nya.
"Yan ang ating aalamin. Sa ngayon, mag-obserba muna tayo habang sinusuportahan ang mga kaibigan natin."
Pinapasok kami sa isang silid kung saan puro monitor sa pader, sa gitna naman ay may maliit na version ng Sunflower maze na nasa ibabaw ng lamesa.
"Dito tayo manonood, makikita natin mismo dyan ang lahat ng kanilang ikikilos. Sa monitor naman makikita ang mas malinaw na nangyayari," paliwanag ni Coach Akie.
Nagsimula nang ipakita sa amin ang mga Campers na nakapasok sa second round. Mayroong apat na pasukan kung saan ang dalawa ay para sa mga Pure at ang dalawa naman ay sa mga Clean. Magkakasama sina Elio, Jasmin, at Xander samantalang magkasama naman sina Magi, Harvey, at Mario. Sa kabilang grupo, kasama naman nila Josh at Des si Gabriel na isang band vocalist at dalawa pang lalaki. Kasama naman ni Ryken, sina Luis at Vin, at isang babae at dalawang lalake na sa mukha ko lang din kilala.
Kailangan nilang kunin ang Sunflower Maze Trophy sa gitna at dalhin palabas ng Maze. Mukhang simple pero komplikado dahil maliban sa nakakalito ang Maze, hindi mo rin alam kung kailan susulpot ang kalaban mo.
Nagsimula nang umabante ang mga Campers at ang maze nagsimula na ring gumalaw. Sabi ko na nga ba, gumagalaw ang bawat pader ng maze na pinaghihiwalay ang mga magkakakampi at pinagtatagpo ang magkakalaban.
Mukhang inaantok naman si Riah sa panonood samantala napansin kong may lumapit at kumausap kay Coach Akie. Pagkatapos makipag-usap ay tinawag nito ang Camp Martial at may ibinulong. Nahalata ni Coach na kanina ko pa sya pinagmamasdan kaya tinawag nya rin ako.
"Rio, ang mga Camp Martial muna ang bahala sa inyo, pero inaatasan kitang maging bantay din sa mga kapwa mo Campers. May kailangan lang akong ayusin!" bilin ni Coach Akie.
"Sige Coach, mukhang wala namang manggugulo dito," sagot ko.
Umalis na si Coach habang ang iba'y naghihintay sa mga kaganapan sa Maze. Nakakaantok naman talaga dahil wala pang nangyayaring aksyon. Hindi ko alam kung maganda ba yun dahil wala pang nasasaktan o hindi dahil ibig sabihin lamang nito na nagiging matalino ang diskarte ng bawat grupo.
Nakita ko si Jean na nakaupo sa sulok habang nakatingin sa monitor, may katabi syang dalawang lalaki na sobrang nakadikit sa kanya. Naglalaro ng bato-bato-pik ang dalawa at napansin ko na kung sino ang nananalo ay may ginagawang kababuyan kay Jean. Nakita kong ipinasok ang kamay sa loob ng damit ni Jean at hinawakan ang suso, ang isa naman ay dinilaan ang tainga hanggang leeg. Wala man lang ginagawa si Jean para patigilin ang dalawa. Naalala ko ang kanyang pag-iyak sa akin at ang mga pahayag nyang hindi sya yan at hindi nya gusto ang nangyayari sa kanya. Biglang tumayo si Jean, akala ko lalayo na sya pero nagulat ako sa aking nakita. Itinaas nya ang kanyang palda at ibinaba ang panloob at humarap sa lalaking nakayuko sa harapan nya. Hindi ko nakikita ang ginagawa ng lalaki dahil nakatalikod si Jean pero halata namang dinidilaan nito ang ari ni Jean. Maya-maya ay nagpalit sila ng pwesto ng isang lalaki na pinaglalaruan ang ari ni Jean gamit ang mga daliri. Tiningnan ko ang paligid, walang mga Camp Martial maliban sa isang nasa pinto pero nakatalikod. Nanginginig ako at naiiyak sa nakikita ko. Hindi ko na káya, kayá lumapit na ko at hinila si Jean at inayos ang damit nito. Sinubukan akong pigilan ng dalawa pero pinagsasampal ko sila. Sinubukan nilang tumayo pero inunahan ko ng sapak sa pareho nilang ilong gamit ang dalawa kong kamao. Nakakuha ako ng ideya kay Elio pero naramdaman ko ang sakit. Ganoon pa man, nawalan naman ng malay ang dalawang lalaki. Nagtinginan ang ibang mga Campers pero hindi rin nakialam.
Tiningnan ko si Jean, walang emosyon ang kanyang mga mukha. Parang wala sya sa katinuan. Sinubukan ko syang tanungin pero hindi sya sumasagot. Hinanap ko naman si Riah at naabutan ko syang natutulog sa isang gilid. Minabuti kong itabi sa kanya si Jean pagkatapos ay bumalik sa lamesa para manood.
Sa unang pagkakataon nakita kong nakikipagsuntukan si Mario sa tatlong lalaki habang si Magi naman ay nakalumpasay sa sahig. Lumabas na sa monitor ang nangyayaring suntukan, si Mario at Ryken kasama ang dalawa pa. Di naman nalalayo si Harvey na ilang liko ang pagitan, mayroon din syang mga kalaban.
Rinig na rinig na ang ingay at cheer ng mga Campers habang nanonood. Nagising na rin si Riah habang natutulog na si Jean. Tutok na tutok ang lahat nang biglang namatay ang mga ilaw, ganoon din ang monitor. Wala na ring gumagalaw sa Sunflower Maze sa lamesa. Nagsigawan ang lahat.
"Tahimik, wag kayong mag-panic baka may napindot lang kaya nawalan ng kuryente," sigaw ko. Naalala ko ang bracelet kaya in-activate ko ang flashlight nito. Gumaya ang iba, sinubukan namin hanapin ang exit pero sarado ang mga pinto.
"Sis, what's happening? Are we gonna die?" tanong ni Riah.
"Baka may emergency lang. Hintayin na lang natin si Coach Akie," sagot ko.
Samantala nagsimula nang mag-panic ang iba at kinalampag ang mga dingding.
"We are trapped. They're just going to use us. This camp is a scam," sigaw ni Jean.
Natahimik naman ang lahat nang marinig ang pahayag ni Jean. "I already told you, Rio, but you did nothing. Well, I'm not surprised because you are the main offering," dagdag ni Jean.
Hindi agad ako nakakibo, nalilito ako sa mga sinabi nya na pilit kong pinoproseso sa aking isip.
"What are you saying, bitch? Is there anything you want to tell us?" tanong ni Riah.
"Ano bang plano nyo nila Josh? Parte ba to ng pandaraya nyo?" sigaw ng isang lalaki.
"This is not about the maze. Rio, why don't you tell them what I've told you," ani ni Jean.
"Ano bang alam mo, Jean sa nangyayari?" tanong ko.
"Hindi tayo ligtas dito sa Camp," wika ni Jean.
Biglang may usok na pumuno sa loob ng kwarto at lahat kami ay nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.