Chapter 47

129 5 1
                                    

Dr. Kelly's Point of View

Maraming beses na kong naipapadala sa mga misyon pero parang hindi naman ako nasasanay. Lagi pa ring may kaba at pagkabahala.

Mangunguna ako sa pagsugod sa kampo ng mga Virgin Hunter na pinamumunuan ni Chief Theo na dati kong mentor. Kaya naman agad kong tinawagan si Sec. Alfred na pasunurin sa amin ang back up na hinihingi ko. Tulog ang mga kasama ko mula nang umalis kami sa research facility, mabuti para makapag-ipon sila ng lakas. Nagulat ako nang may magsalita.

"Doc Kelly, you really don't talk that much?" tanong ni Jasmin.

"I thought you are sleeping. Well, wala rin naman akong kausap at may iniisip lang din," sagot ko.

"Wag kang kabahan, kasama mo naman kami. Kayang-kaya natin sila!" sambit ni Xander na gising na rin pala.

"Tama. Bahala ang mga taba ko sa kanila," biro ni Harvey habang nag-uunat ng kamay.

Napangiti naman ako at kahit papaano ay nawala ang pagkabahala. Umiba kami ng daan, para hindi makasalubong ang grupo nila Josh kaya medyo napatagal ang byahe pero ayon sa navigator malapit naman na kami.

Bigla naman napunta sa akin ang topic ng mga tanong.

"Dr. Kelly, single ka pa ba?" tanong ni Xander.

"Mukhang hindi, ang gwapo kaya ni Doc Gio," singit ni Harvey.

"Oh is that true? You and Doc Gio are couple?" tanong ni Jasmin.

"Isyu kayo ha. Nakakahiya kay Doc. Pero dahil hindi naman ako marunong magsinungaling, ang totoo nyan naging kami. Pero ako ang nakipaghiwalay," sagot ko.

"Ohhh," sambit nila Harvey at Xander.

"Why? What happened?" tanong ni Jasmin.

Nakaabang lamang sila sa sagot ko pero ngumiti lamang ako.

"Ang daya naman, Doc. Share mo na iyan," wika ni Harvey.

"Kasing edad nyo lang din kami noon. Mga bata pa, kaya nang tumanda at naging abala sa sarili at sa career nawalan na ng oras sa isa't isa. Mali, ako pala ang nawalan ng oras sa kanya at dahil ayaw kong maging unfair nakipaghiwalay na lang muna ako," kwento ko.

"Ang sad!" ani ni Jasmin.

"Pero mahal nyo pa rin naman ang isa't isa," wika ni Harvey.

"Mahal mo pa ba sya Doc?" tanong ni Xander.

"Sa totoo nyan, hindi naman nawala ang pagmamahal ko. Siguro hindi ko lang napaparamdam nang gaya ng dati," sagot ko.

"Nililigawan ka ba uli ni Doc Gio?" tanong ni Xander.

"I'm sure that there will be a second chance for the both of you. There will be a continuation of your love story," wika ni Jasmin.

"Hindi ko pa naman iniisip yan. Hindi naman sya nagpaparamdam," sagot ko uli.

"Baka naman iniisip nyang di ka pa handa," ani ni Harvey.

"Baka naman kasi wala na talaga. At may nakita na syang bagong gustong proteksyunan, at alagaan," bulong ko.

"Oh sino naman?" tanong ni Harvey.

"Wait. Are you referring to Rio? I remember that it was Doc Gio who saved Rio from the virgin hunter. He always there to save Rio," wika ni Jasmin.

"Eh di ba may Mario na si Rio, tapos magkapatid pa si Mario at Gio," wika ni Harvey.

"Wala naman akong tinutukoy. I love Rio, and I can see through her eyes that she really loves Mario. They love each other. What I'm trying to say is, baka mas gusto ni Gio na magsilbi muna sa kapwa, at ituon ang oras nya sa mga pasyente," paliwanag ko.

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon