(This Chapter is dedicated to Crissy133)
Rio's Point of View
Maya-maya tinawag na uli kami ni Coach Akie. Pinagsama nya muli ang may hawak ng white card at gray card at pinabuo kami ng isang bilog. Tinawag nya si Mario at pinapunta sa gitna.
"Campers, si Mr. Guevarra ay nag-training ng Muay Thai, kaya alam na nya ang ilang ituturo ko," ani ni Coach Akie. Sopresa nyang sinuntok ang tagiliran ni Mario pero agad itong nasangga.
"Magaling, Mr. Guevarra!" pagpuri ni Coach Akie kay Mario na nagpatuloy sa pagsasalita. "Campers, pinakaunang mahalagang tatandaan nyo ang maging alerto sa bawat sandali. Kailangan malakas ang inyong mga pakiramdam, ang pandinig, ang mata at iba pa. Dahil hindi natin alam kung kailan aatake ang kalaban." Bigla naman syang sumipa at gaya kanina ay nasalag ito ng dalawang kamay ni Mario. Sinenyasan sya ni Coach Akie na magpatuloy pero nagdalawang-isip si Mario kaya naman muli syang inatake ni Coach Akie gamit ang isang paa. Sa sandaling ito natamaan na ang tagiliran ni Mario at tumalsik.
"Pangalawa, huwag kayong maaawa lalo na kung kaligtasan nyo ang nakasalalay. Huwag magdadalawang-isip dahil gagamitin ito ng kalaban para umatake. Ang kalaban hindi marunong maawa kaya sa labanan dapat kayo rin," pahayag ni Coach Akie.
Pinaupo na ni Coach si Mario at tinawag naman si Elio, "Mr. Mendoza, lumapit ka at suntukin mo ko sa mukha."
Nakatayo lamang si Elio at mukhang hindi kayang sundin ang inuutos. Nagtatawanan lamang ang iba habang nakaabang.
"Suntukin mo ko, o ikaw ang susuntukin ko?" utos muli ni Coach Akie, kapansin-pansin namang lalong lumakas ang tawanan ng mga Campers.
"Bakla naman pala eh," sigaw ng isa.
"Go Baby Elio, isipin mo si Josh iyan!" sigaw ni Magi na nagpatawa sa amin. Nakita rin namin na tumawa si Josh.
Lumapit na si Elio pero hindi naman nakahanda ang kamay nito kaya 'di na nakatiis si Coach Akie at sya na ang sumuntok kay Elio na agad din nakaiwas. Sumuntok muli si Coach Akie pero iwas lamang nang iwas si Elio.
Naisip kong baka nagsanay din ito dati si Elio, magaling kasi syang umiwas siguro hindi lang sya sanay manakit.
"Iiwas ka lang ba? Maghahabulan na lang ba tayo dito?" tanong ni Coach Akie.
Sa likod naman ni Elio, biglang may sumigaw na bakla at hindi pa nakontento at pinisil pa ang pwetan nya. Nagulat na lang kami ng suntukin ito ni Elio. Saktong tumama sa ilong ng lalaki ang kamao ni Elio kaya nagdugo. Parang hindi man lang nasaktan ang kamay ni Elio sa ginawa nya.
"Go Baby Elio!" cheer muli ni Magi.
"Mr. Mendoza ako ang kalaban mo, bakit sya ang sinuntok mo?" tanong ni Coach Akie na natatawa. "Pero ayos na iyan. Sabi ko na, may ibubuga ka rin," dagdag ni Coach Akie at pinaupo na si Elio samantalang binigyan naman ng first aid ang sinuntok nya.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science-FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.