Chapter 21
Elio's Point of View
Nang makalayo kami kina Mario at Josh agad naming hinanap ang mga kasama naming Pure. Una naming nakita si Jasmin, sunod si Xander. Balak sana namin balikan si Harvey pero baka makita kami nila Mario at Josh. Sabi rin ni Josh na susunduin sya ng mga kasamahan nya kaya baka maabutan kami at lalong hindi makatakas.
"Can anyone explain to us what's happening?" pakiusap ni Jasmin habang tumatakbo kami kung saan napansin kong paika-ika sya. Tumigil muna ko at pinatigil rin si Jasmin. Lumuhod ako at pinaupo ko sya sa lapag at pinapatong ang paa nya sa akin. Agad ko itong hinilot at nilagyan ng benda.
"Subukan mo ngang maglakad!" utos ko.
"I coudn't feel the pain anymore, it's gone. Thanks, Elio," bigla naman akong hinalikan ni Jasmin sa pisngi.
"Oh tama na yan, kailangan na nating magmadali baka maabutan pa tayo. Kailangan din nating hanapin sila Rio," sabat ni Magi na halatang nagselos. Huminto muna kami sa pagtakbo pero binilisan pa rin ang lakad.
"So ano nga ang nangyari mga tol?" tanong ni Xander.
"Mahabang istorya, ang Camp nakipagsabwatan pala sa mga VH at si Josh isa sa kanila. Tapos si Mario mukhang di rin natin sya mapagkakatiwalaan," kwento ni Magi.
"Why? Is he one of them?" tanong ni Jasmin.
"We're not sure but he's not Pure. And it seems that he's the one responsible with what happened to Des and Jean," salaysay ko at kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nila Jasmin at Xander.
"F*ck, I should've punch him or kick his ball," sagot ni Jasmin.
"Taena nabudol tayo. Ano nang plano?" tanong ni Xander.
"Hanapin sila Rio at Riah, tapos lalabas tayo sa Camp," sagot ni Magi.
"Then, do you have any idea where we gonna stay?" tanong ni Jasmin.
"We're still not sure. Maybe we could find a house and stay there," sagot ko.
"Kapag nakita na natin sila Rio tsaka na tayo magplano. Sa ngayon, gusto kong magkasama-sama muna tayo," wika ni Magi.
"Parang wala namang mga tao," ani ni Xander.
"Shet, baka nakuha na sila ng mga VH," sambit ni Magi.
"So what's the plan? Should we follow them?" tanong ni Jasmin na ngayon ko lang nakitang natataranta.
"I have no idea on what should we do. I don't even know how can we trace them," sagot ko na pinanghihinaan na ng loob.
"Guys, tingin ko kailangan na nating magtago," ani ni Magi.
"What's wrong?" tanong ni Jasmin.
"Tingin ko alam ko na kung bakit. Pero kaya naman natin, mag-isa lang sya," wika ni Xander.
Tumingin ako sa direksyong tinatanaw nila Magi at nakita kong may paparating na lalaki na nakapang-doctor na damit. Walang tumakbo at nagtago sa amin, hinintay namin ang lalaki na makalapit at magsalita.
"Kailangan nyong magtago kun'di baka makuha rin kayo ng mga Virgin Hunter," ani ng lalaking doctor.
"Sino ka ba? Baka may balak ka ring masama sa amin?" tanong ni Magi.
"Kung di man kami makuha ng mga VH baka pag-eksperimentuhan nyo naman kami," sambit ni Xander.
"Kilala ko si Rio at kasama sya sa mga dinakip ng mga Virgin Hunter. Alam kong kaibigan nyo sya. Hindi nyo sya maliligtas kung pati kayo makukuha nila kaya sumama na kayo sa akin," paliwanag ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Fiksi IlmiahMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.