RIO's Point Of View
"Wahhhhhhh"
Malakas kong sigaw nang makita ang sarili na nakahubad sa ilalim ng comforter katabi si Mario. Maya-maya, narinig ko sila Magi na tinatawag ang pangalan ko. Nagísing ko ata sila. Mas lalo akong kinabahan dahil baka makita nila kami ni Mario na magkasama at nakahubad pa. Hinanap ko ang aking damit at agad sinuot ang mga ito. Napatingin ako kay Mario na mahimbing na natutulog, ni hindi man lang nagising sa aking pagsigaw. Iniayos ko ang comforter dahil mukha syang giniginaw. Ipinasok ko ang kanyang kamay sa loob ng comforter. Naramdaman kong mainit ito. Hinawakan ko ang kanyang noo, at leeg. Nilalagnat si Mario, hindi lang ordinaryong lagnat dahil sobrang init nya. Lumabas ako ng tent at nakita ako ni Magi.
"Sis, ikaw ba yung sumigaw? Anong nangyari?" tanong nya.
"Ah... si Mario ang taas ng lagnat!"
"Ha? Nasaan? Teka tatawagin ko sila Doc Gio!"
Bumalik ako sa tent para tingnan si Mario. "Rio, Rio. Wag mo kong iwan," bulong ni Mario na parang nananaginip. "Andito lang ako, Mario," sagot ko kahit di sigurado kung narinig ba nya.
Dumating na sila Doc Gio kasama sila Coach.
"Bakit kasi dito kayo natulog, kami nga nagtyaga sa coaster kasi sobrang lamig dito sa labas," wika ni Doc Gio habang kinakarga si Mario na nakabalot sa kumot.
Sinundan lamang namin si Doc Gio habang dinadala si Mario na nakabalot ng comforter. Ibinaba nito ang kamang nakasabit sa itaas sa loob ng coaster at dito pinahiga si Mario.
"Lumabas muna kayo, titingnan ko muna ang lagay ni Mario," utos ni Doc Gio.
Lumabas kami at inayos ang mga tent at iba pang gamit na sinakay sa compartment ng coaster.
"Sis, ikaw umamin ka nga. Anong ginawa mo kay Mario?" tanong ni Magi.
"Ha? Gumising na lang ako na nilalagnat na sya," sagot ko.
"So tabi kayong natulog. Tapos nakahubad sya. Di mo naman kailangan maglihim, Sis," wika ni Magi.
"Wala akong maalala. Nagulat na lang ako na nakahubad na ko at magkatabi kaming dalawa," sagot ko.
Naglakad na lamang kami at naghanap ng pwedeng mapitas na prutas o halaman na pwedeng ilaga at ipainom kay Mario. Naalala ko ang mga tanim ni mama na nilalaga nya rin at pinapainom sa akin tuwing may sakit ako. Habang naglalakad iniisip ko kung ano ang nangyari kagabi. Sinundan ko si Mario nang iwan nya ko, at pagtingin namin sa coaster lahat sila mahimbing nang natutulog sa ilang kama na ibinababa mula sa kisame ng coaster. Hindi na rin makuha ni Mario si Rosette. Hindi na namin sila inistorbo sa pagtulog at dahil inaantok na rin ako dumiretso na ko sa tinayong tent. Niyaya ko na rin si Mario na matulog. Napansin kong pinagpapawisan na sya kaya pinahubad ko ang damit nya at pinunasan ang likod. Inabot ko ang damit sa kanya para ipunas nya sa dibdib nya pero napatitig ako sa kanyang katawan. Iniwas ko ang aking tingin pero hinawakan nya ang aking mukha at hinalikan. Hindi ko pinigilan si Mario sa paghalik sa akin. Hanggang sa hinayaan ko na ring tanggalin nya ang suot ko. At nangyari na nga ang nangyari. Pinagkatiwala ko kay Mario ang aking sarili.
"Sis, bakit kaya nilagnat si Mario?" tanong ko.
"Baka pinagod mo masyado tapos gininaw pa. Maghubad ba naman kayo eh ang lamig-lamig na nga," biro ni Magi.
"Masyado ata akong nakainom. Hindi ko na napigilan ang nangyari," kwento ko.
"Masarap ba?" tanong ni Magi at muling nagsalita. "Biro lang! Masaya ko para sa inyo, Sis. Naalala ko nong una kong nakita si Mario bet ko talaga sya. Pero nong nakita ko kayong magkasama naging fan nyo na ko bigla."
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.