Humiwalay na kami ni Mario kina Rio at Magi at habang papalapit sa entrance pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil masosolo ko si Mario kundi dahil kinakabahan talaga ako. Hindi totoo ang sinasabi ni Magi na excited ako, sadyang pinipilit ko lang ikondisyon ang utak ko na walang dapat ikabahala. Nasa likuran ko si Mario, baka nahalata nyang namumutla ako, kasi naramdaman ko na lamang ang dalawang kamay nya na minamasahe ang balikat ko habang nakangiti syang sumusulyap kay Rio. Ang swerte talaga ni Rio kay Mario, gwapo na, mabait pa, kaya ka pang alagaan at proteksyunan. Kung hindi lang ako pinagtanggol ni Rio, dumiskarte na ko kay Mario.
"Bro, Hindi ka na ba kinakabahan?" tanong ni Mario habang minamasahe ang balikat ko.
"Mukhang nawawala na, salamat! Effective na pampakalma ang pagmamasahe mo," sagot ko sa kanya na kunwari'y hindi kinikilig.
"Good. Binilin ka kasi sa'kin ni Magi. Bantayan daw kita," kwento nya.
"Wow, iba rin talaga si Magi kinuha pa ko ng tagabantay," sagot ko na kunwari din ay nabigla pero nakakainis ginawa nya lang yun dahil inutos ni Magi?
"May gusto sa iyo si Magi. Tingin mo?" tanong ni Mario.
"Trip lang talaga ko nun asarin," sagot ko sa kanya dahil yun naman talaga ang pakiramdan ko. Pinagtitripan lang ako ni Magi kasi I know that she can smell that I'm not straight.
"Hindi. Hindi lang pang-aasar yun, bro. Magaling akong bumasa ng tao."
"Maganda naman si Magi," sagot ko na lang para tumahimik na sya pero totoo maganda naman si Magi sadyang mas attracted lang ako sa mga pinakita ni Mario.
"Kaso maganda ba ang hanap mo?" tanong ni Mario na may ibang ibig sabihin. Kahit ano kasing gawin kong pagpapanggap hindi maitatago ng mga kilos ko ang pagiging malambot ko.
"Bro, I still need time to contemplate about my sexuality but I'm not going to deny the fact that I'm not straight," pag-amin ko sa kanya.
"You've just said that you're not straight, so what are you going to contemplate? I'm confuse, bro," sagot ni Mario na medyo natawa ako kasi ako dapat ang confuse.
"Well, there are lot of things I need to know about myself. Like I got attracted to guys but I don't wanna be fucked. Sometimes, I also got a boner when I'm with girls," paliwanag ko.
"Maybe you're a bi. We're just here to support you, bro," na-touch ako sa sagot na ito ni Mario.
"Thanks, Mario. I'm glad and very lucky that I got to know the three of you."
Nakapasok na kami ni Mario sa building at inabutan kami ng labgown. Tinuro kami sa kwarto na puro cubicle para magpalit. Nakita ko ang mga lalaking nakapila syempre hindi ko maiwasang tingnan ang mga pwet nilang nakalabas at ang bumabakat sa kanilang harapan. Pumasok na ako sa cubicle para magpalit ganoon din si Mario. Sabay kaming naglakad papunta sa pila. Gusto ko sanang bosohan si Mario pero naaalala ko si Rio kaya iba na lang ang pinansin ko. Nasa bandang unahan ang mga kasamahan ni Josh na nakita kong umalis sa pila. Naglakad patungo sa kinatatayuan ko at tumalikod. Sabay-sabay nilang pinakita ang kanilang pwet habang nililingon ako. Nakita ko namang tiningnan sila ng masama ni Mario kaya umalis din sila. Hindi naman ako interesado sa pwet nila dahil mas higit pa dun ang gusto kong makita, sabi ko sa isip ko pero biro lang yun. Kahit kailan di ko magugustuhan ang mga halimaw ang puso.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.