Rio's Point of View
Natapos na ang morning exercise at pumunta na kaming Canteen para kumain ng breakfast. Kasama namin si Jasmin, nabanggit din ni Mario na sasabay sa amin kumain yung dalawang Pure na kasali sa second round. Masaya akong lumalaki na ang squad namin, sana nga lang magkasundo-sundo kaming lahat.
"Jasmin, passion mo talaga ang pagba-ballet?" tanong ni Magi.
"Yes, my mom is a ballerina. I idolize her," mahinhing sagot ni Jasmin.
"Ang ganda mo, pero kahapon ang astig mo. How to be you po?" biro ni Magi.
Ngumiti lamang si Jasmin at mukhang hindi sineryoso ang pagtatanong ni Magi. Samantala si Mario naman ay natapos agad sa pagkain at nahiga sa binti ko. Hindi ko naman sya inistorbo pa, kasi kailangan nya ng energy para mamaya. Patuloy lamang ang pagkukwentuhan namin ng dumaan ang grupo nila Josh na kasama si Jean Sandoval na pinag-uusapan namin kanina. Muli tuloy nabuksan ang topic tungkol sa nangyari sa kanya.
"Jasmin, kilala mo si Jean? Napapansin mo ba sya dati?" tanong ni Magi.
"Yes, she's my room mate before," sagot ni Jasmin.
"Oh small world. So may alam ka ba kung bakit bigla syang nagkaganyan? Chika mo naman, Sis" ani ni Magi na muntik na kong mabilaukan. Lakas kasi nya makachismosa.
"Jasmin, sorry it's up to you if you want to answer her question. We will respect you," pahayag ni Elio.
"Yes, Sis. We're just curious and somehow concern about what happened to her," sabat naman ni Riah.
Ewan ko ba napaparami lagi ang kain ko kapag inglesan sila ng inglesan. Ayos lang naman nakakaintindi naman ako kaso nahihiya lang akong makisabay baka kasi mali ang grammar ko.
"No, it's fine," sagot ni Jasmin. "She's nice and faithful. I always saw her reading her Bible. I was shocked when I saw her earlier. She did not sleep in our room last night. And when she came back, she's different from the girl I used to know," kwento ni Jasmin. Narinig ko namang bumulong si Magi, "elegante nga chismosa rin pala."
"What did you say?" tanong ni Jasmin at siniko ko naman si Magi.
"No, I said, I feel sorry for Jean," palusot ni Magi.
"I'm sure, may ginawa na naman sila Josh," ani ni Riah.
Tahimik lamang si Elio na parang may iniisip at napansin rin ito ni Magi.
"Baby Elio, natahimik ka. Ikaw ba ang kasama ni Jean kagabi?" biro ni Magi.
"How come? I've been sleeping in the clinic the whole night. Kahit tanungin mo pa si Rio," seryosong sagot ni Elio.
"Binibiro lang naman kita masyado kang defensive," katwiran ni Magi.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.