Rio's Point of View
Pagdilat ko, nakahiga pa rin si Elio sa kabilang kama at may ilang campers ding dumagdag na wala ring malay. Samantala, wala na ang benda sa braso ko at nang subukan ko itong galawin parang walang nangyari. Walang kirot at walang sugat. Ilang oras kaya akong nakatulog? Anong oras na kaya?
Naisip ko na baka naandito si Doctor in Black pero naalala ko yung sinabi nya na magpapakita lamang sya kapag kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko.
Maya-maya may mga Camp Martial na pumasok. Bilib din ako sa mga Camp Martial, security na, nurse pa. Inalalayan nila akong makatayo at hinatid na sa pinto. Umaga na pala, at nasa tabi lang pala kami ng building kung saan ginanap ang unang body exam. Sinabihan na ko ng Camp Martial na bumalik sa kwarto at maghanda para sa Morning Exercise.
Habang naglalakad papunta sa kwarto, iniisip ko kung ano ang nagyari sa mga sumunod na laban. Nakapasok kaya sa sa ikalawang bahagi sila Magi, Riah, at Mario? Hindi ko sila nakita sa clinic, siguro nasa maayos silang kalagayan. Wala pang mga Campers sa labas at naalala ko ang bracelet ko. Wala pa palang alas sais pero maliwanag na ang kalangitan. Maya-maya, magigising at maglalabasan na ang mga Campers. Nagmadali na kong tumakbo. Pagpasok sa kwarto, tulog na tulog si Magi. Nahiga na lang ako sa kama at hinintay syang magising.
Tumunog ang alarm at nag-unat ng kanyang mga kamay si Magi. Hindi pa nya dinidilat ang kanyang mata. Bumangon sya at nagpunta sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos. Pagkalabas nya ng banyo nakita nya kong nakahiga at nakatingin sa kanya.
"Sis, kanina ka pa ba dyan?" Hindi ka na ba nakakapagsalita?" tanong ni Magi sabay lumapit sa akin.
"Naaaliw lang akong pinapanood ka. May talent ka pala. Nakakapaglakad ka nang nakapikit!" biro ko.
"Matagal ko nang talent yan, Sis. Naku marami akong chika sayo!" ani ni Magi.
"Oo nga, ano bang nangyari?" tanong ko.
"Kumusta muna si Baby Elio?" tanong nya.
"Yun nakahiga pa rin. Hindi pa nagigising pero maayos na yung mukha," sagot ko.
"Bwiset kasi 'yong Josh na yun, kinawawa 'yong Baby Elio ko. Buti na lang pagkatapos mo, sumunod agad si Mario. 'Yon, nakahanap sya ng katapat. Hindi sya nakalapit at nakaatake man lang kay Mario," kwento ni Magi.
"Buti naman. Dapat lang 'yon kay Josh. Pero hindi ko sya nakita sa Clinic," pagtataka ko.
"Baka nasa ibang kwarto. Nawalan din kasi sya ng malay," ani ni Magi.
"Kumusta naman kayo ni Riah? Pasok ba kayo? Si Mario ba?" sunod-sunod kong tanong.
"Ay Sis, magiging proud ka sa akin!" pagyayabang ni Magi.
"Bakit? Kwento mo na. Pabitin pa eh," pagpupumilit ko.
"Sis, nagtulug-tulugan lang ako. Noong una ayaw pa kong sapakin kasi babae ako, ginawa ko sinampal ko sya tapos binulungan. Sabi ko sapakin nya lang ako ng isa magtutulug-tulugan na ko. Ayun, sinapak ako, ang sakit nga eh. Masyado syang natuwa di nya alam style ko lang yun. Noong nakahiga ako, tinadyakan ko na yung alaga nya. Tapos napahiga sya. Umupo ako sa harapan nya habang nakahiga sya at pinagsasapak sya habang kunwari nangangabayo ako. Ang gwapo pa naman nya pero syempre laban tayo, Sis. Di ko tuloy alam kung nasasaktan ba sya o nasasarapan kasi nakatulog sya eh. Bilang gift sa pagiging uto-uto nya, kiniss ko sa lips," kwento ni Magi.
"Loka-loka ka talaga. Baka mamaya nainlab na sayo yan. Baka kaya hindi na lumaban kasi nasarapan na nga sa ginawa mo. Kumusta naman ang iba mong laban?"
"Swerte ko Sis, babae na nakalaban ko. Syempre tapang-tapangan ako at mukhang natakot naman sila at 'yon, nakaatake ako. Iyong isa, gustong makipagsampalan pero suntukan ang gusto ko. Iyong isa namang nakalaban ko iyong babaeng pinagkukwentuhan natin, si Jean Sandoval. Masyadong mahinhin at di pumapalag kaya lumakas tuloy loob ko. Nakatatlo akong panalo. Tapos, iyong pang-apat na, nakalaban ko si Riah," kwento pa ni Magi.
"Hala! eh anong ginawa nyo?" tanong ko na nabigla.
"Nag-usap na kami, Sis, na kapag kami ang naglaban papatalo na ang isa. Nagpatalo na ko para magkapuntos rin sya. Inubos namin ang oras sa sabunutan. Pagalingang umarte, Sis, tapos sinuntok nya ko sa tyan at isang sapak sa pisngi noong malapit na mag-time. Doon na ko uli nagtulug-tulugan," paliwanag ni Magi. Habang kinukwento nya ay natatawa ako dahil inaaksyon pa nya.
"Nakapasok ba si Riah?" tanong ko uli.
"Eto na nga, Sis, iyong kasunod na nakalaban nya si Des. So parang round 2 na 'to. Remember iyong nangyari sa canteen. Lumaban naman si Riah, di sya pumayag na mukha nya lang ang masira pero iba ang lakas ni Des. Nanglalamon! Ending bagsak si Riah," kwento ni Magi na kinalungkot ko.
"Kung ganon pala, dalawa kami ni Riah na hindi makakapasok sa next round. Ano kayang gagawin namin? So kailan ang next round?"
"Mamaya daw, Sis. Kinakabahan nga ko kasi doon kami sa Sunflower Maze maglalaban-laban. 17 kaming nakapasok, 11 ang gray card holder tapos 6 ang white card holder. Malamang pagtutulungan kami ng mga gray," paliwanag ni Magi.
"Hala, bakit ang unti ng mga Pure? Sino pa ang tatlo maliban sa inyo? Tapos, may iba bang dapat katakutan sa mga Clean maliban kina Josh, Des, at Ryken?"
"Sis, sa Pure may nakapasok na Skater Boy si Xander Ortega, isang gamer na si Harvey Ramirez, at si Jasmin Ong na Ballet dancer. Nabasa ko lahat iyan sa Screen," sagot ni Magi.
"Sa Clean naman nakakatakot ung vocalist na si Gabriel San Miguel, para kasing walang Diyos muntik na nga nya baliin ung ulo ng isa pinigilan lang sya ng mga CM," dagdag pa ni Magi.
"CM?" wika ko na walang ideya.
"Camp Martial, Sis!" sagot ni Magi.
"Dapat pala mag-strategize na kayo," mungkahi ko.
"Wait may naalala ako na Clean na mukhang good boy pero brutal din. Si Luis Ocson na half indian, iyong isa naman si Vin Solomon na toy collector. Parang si Elio, don't judge a book by it's cover sabi nga nila," kwento pa ni Magi.
Napahaba na ang usapan namin kaya pinamadali ko na si Magi na maligo dahil magsisimula na ang Morning Exercise. Nang makaayos na kaming dalawa bumaba na kami at pumunta sa oval. Nagulat kami sa naabutan namin, si Jean Sandoval na halos balot na balot sa katawan ay nagpakita na ng balat. Naka-make up na rin ang mukha nito at magkasundong-magkasundo sila ni Des. Naalala ko ang kinuwento ni Riah tungkol kay Des na Maria Clara type of girl na naging Bitch din.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science-FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.