Chapter 33

175 7 0
                                    

CHAPTER 33:
RIO's Point Of View

Nakamasid lamang ako sa bintana, para kasi akong nanonood ng porn sa tuwing napapatingin ako kina Des at Josh. Kung ano-ano ang ginagawa nila, at kung ano-ano rin ang naririnig ko. May sandali pa nga na habang nagda-drive si Josh, may inihulog si Des sa paanan ni Josh at pilit nya itong dinampot hanggang sa napansin ko na lang na tumataas-baba na ang ulo nya.

Kung ano-ano rin ang pumapasok sa isip ko, gaya ng kung ayos lang ba si Mario? Ano kaya ang ginawa nila kay Coach Akie? Galit kaya sa akin sila Elio at Magi? Ano kayang mangyayari sa amin, ngayong bihag kami nila Josh?

"Josh, saan nyo ba kami dadalhin?" tanong ko.

"Saan pa ba? Eh di sa langit. Excited ka na ba?" sagot ni Des.

Tumahimik na lang uli ako dahil mukhang wala akong makukuhang matinong impormasyon sa dalawa.

Tuloy-tuloy lamang sa pagda-drive si Josh nang makarinig kami ng ingay, malakas na busina na sinundan ng pangbangga. Tumingin ako sa likod at nakita kong bumangga ang coaster na sinasakyan nila Magi. Itinabi ni Josh ang sasakyan at huminto sa pagmamaneho. Dali-dali kaming bumaba at tinungo ang kinaroroonan ng coaster.

Paglapit namin, lumabas si Xander na hawak si Jean at may tutok na baril. Ganoon din si Harvey, tinututukan ang dumudugo nang ulo ni Ryken. Nagbabaan na rin sila Magi at Elio kasama sila Jasmin at Riah. Walang sumunod sa kanila na virgin hunter siguro napatumba na nila sa loob.

Sinenyasan ako ni Magi na lumapit sa kanila kaya agad akong tumakbo, hahatakin sana ni Des ang buhok ko pero nagpaputok ng baril si Riah. Nang makalapit ako sa kanila, inabutan ako ng baril ni Riah. Nagbabaan naman ang mga virgin hunter sa isang bus at pinalibutan kami.

"Hindi nyo kami kaya, mas marami pa rin kami," wika ni Josh.

"Subukan nyo, para makita nyo mismong sumabog ang ulo ng mga kaibigan nyo," wika ni Xander.

Naglakad sila Xander papalapit sa bus, at sila'y sinundan namin. Umiiwas ang mga virgin hunter, sa takot na totohanin nila Xander ang pagbaril sa ulo nila Jean at Ryken.

Umabante sila Josh at Des kaya biglang nagsalita uli si Xander, "Humakbang uli kayo, sisiguraduhin kong sasabog ang mga bungo nito."

"Josh, hindi sila nagbibiro," sigaw ni Ryken.

"Gago ka kasi. Ang dami-dami nyo nagawa pa kayong lamangan ng mga yan!" sigaw ni Josh.

"Sorry na. Gusto ko pang mabuhay pare," sagot ni Ryken.

Nakasakay na kami sa bus nila Magi at Elio kasama sila Jasmin at Riah. Nakita namin si Coach Akie na nakasuot lang ng pangloob na damit. Nakatali ang kamay nito at paa. Nilapitan siya agad ni Jasmin. Pumwesto na si Elio para magmaneho. Hinihintay namin sila Xander at Harvey nang makarinig kami ng putukan.

"Elio, paandarin mo na!" utos ni Magi.

"Let's wait for Xander and Harvey," sagot ni Elio.

"Kakayanin nila, basta paandarin mo na. Banggain mo ang mga virgin hunter," pangungulit ni Magi.

"Wait. That's actually my plan," sagot ni Elio.

"Eh ano pang hinihintay mo?" tanong ni Magi.

"Pls. Shut up. You're not helping," sigaw ni Elio.

Nakawala na sila Jean at Ryken at nadedehado na sila Harvey at Xander. Biglang bumaba si Riah, at nag-aabang naman sa pinto si Magi. Di nagtagal ay sumali na rin sila sa pakikipagbarilan. Nag-start na ang makina ng bus at umandar na ito. Isa-isang binangga ang mga virgin hunter. Nag-atras-abante ang bus. Nang lumayo ang mga nakapalibot na virgin hunter ay sinigawan nina Magi at Riah sila Xander at Harvey na sumakay na. Tumatakbo sila Xander at Harvey habang binaback-upan sila ni Riah. Kanino kaya sila natutong humawak ng baril lalo na si Riah na asintado. Nang makasakay na sila Magi, Xander at Harvey, tsaka sumunod si Riah. Bago ito tumalikod, may nagpaputok ng baril. Hindi ko alam kung saan ito tumama. Nakapasok na si Riah sa bus at sumara ang pinto.

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon