(This chapter is dedicated to Blue_Arurin)
Rio's Point of View
Pagkarating sa Sunflower Maze nakita namin ang grupo nila Josh na naunang pumasok.
"Lipat na lang tayo guys?" tanong ni Elio.
"Akala ko ba gusto mo dito, bakit ngayon ayaw mo na?" sagot ni Magi.
"Baka natakot lang si Elio kina Josh," sabat ko naman.
"Wala pa naman silang ginagawa at siguro naman magtitino sila dahil alam na ng mga head ang mga gulong sinimulan nila," sagot naman ni Mario.
"And besides, I'm not afraid. They don't own this place so bakit tayo aalis?" katwiran ni Riah.
"Naku Sis, support kita dyan! At kasama naman natin si Super Mario at Wonder Rio," pahayag ni Magi na nagpatawa sa amin lahat.
"Tara na! Wala nang atrasan 'to," sabi ko.
"G!" sagot ni Elio.
"Hayaan mo Baby Elio, di ako aalis sa tabi mo!" ani ni Magi na biglang kumapit sa braso ni Elio.
Pagkapasok sa loob nalula kami sa nagtataasang mga halaman na ginawang pader na may mga Sunflower. Nauna kami ni Mario sa paglalakad at nasa likod namin si Elio, Magi, at Riah.
"What they have done to you, Elio?" tanong ni Riah.
"Sila Josh ba? Ah napagtripan lang din ako, maybe they noticed that I'm not like them," sagot ni Elio.
"Pa'nong iba?" tanong uli ni Riah.
Sumagot naman si Magi, "Inaasar nilang bakla si Elio, ang hinhin kasi."
"Oh I see. I remember you na, ikaw iyong nagtanong about lgbtq kay Dr. Hidalgo. Am I right?" ani ni Riah.
"Ako nga," sagot ni Elio.
"Wala naman akong nakikitang mali sa pagiging bakla, they're human just like us. Gender should not be an issue," wika ni Magi.
"Well, it is an issue when it comes to reproduction," sagot naman ni Elio.
"Hindi Elio, kasi maraming homosexual parents na nag-adopt o kaya naman they used their own genital cells," katwiran ni Magi.
"Sorry to ask this, Elio, are you gay?" tanong ni Riah.
"Riah, I can say that I'm not straight so technically I'm gay. In the right time, when it comes to sex I guess I can fuck anyone regardless of their gender," sagot ni Elio.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.