Chapter 8

398 24 13
                                    

(This chapter is dedicated to GiaMontefalcon)

Rio's Point of View


"Huwag"


Sigaw ko. Panaginip lang pala. Napansin ko na lang nasa kama na ako. May mga monitor sa di kalayuan at may mga nakakabit naman sa kamay at ulo ko. Nakasuot ako ng pang ospital na damit. Inisip ko kung ano ang nangyari sa akin. Naalala kong pinagtulungan pala ako ni Josh at ni Des. Kumirot ang tagiliran ko kaya balak ko sanang tingnan kaso kakailanganin ko pang iangat ang damit ko mula sa binti hanggang tyan. Nabugbog siguro talaga kaya makirot. Humanda sa akin ang magsyotang yun, pag ako gumaling dito makakatikim sila.


Maya-maya naramdaman kong may papasok kaya agad akong pumikit at nagtulug-tulugan. Bumukas ang pinto at narinig ko ang mga yabag. Papalapit nang papalapit at huminto.


"Alam kong gising ka. Nakita ko sa monitor," wika ng taong pumasok. Medyo pahiya ako kaya dinilat ko na ang mata ko. Nakatalikod ang lalaking nakasuot ng labgown na pang-doctor at may inaayos.


"Kumusta? Masakit pa ba ang tagiliran mo?" tanong nya. Kilala ko ang boses. Hindi ako nagkakamali kay Doctor in Black ang boses na 'yon. Maya-maya nagsalita uli sya, "Bakit hindi ka sumasagot?"


"Ah, Doctor in Black, ikaw ba iyan?" tanong ko. Naghintay ako ng sagot pero wala. Hinihintay ko syang lumingon at lumingon nga. Ang manly ng mukha nya, hindi sya katulad ni Mario na mukhang kpop. Mukha syang Amerikano. Makinis ang mukha at walang facial hair, ang tangos pa ng ilong at ang mata nya brown na brown.


"Natulala ka ata. Tinatanong kita kung masakit ba ang tagiliran mo," wika nya na lumapit sa akin at naamoy ko muli ang pabango nya. Hinakawan nya ang tagiliran ko. "Aray," sigaw ko.


"Siguro hindi pa nawawala ang pasa. Ito inumin mo," utos nya at nilapag ang isang capsule at basong may tubig sa tray na nakakabit sa kama. Nakatitig lang ako sa kanya.


"Hindi mo ba magalaw ang mga kamay mo?" tanong nya.


"Ahh hindi. Ayos naman," sagot ko sabay kuha ng gamot at uminom.


"Hihintayin muna magkabisa ang gamot bago ka makalabas dito. Ilang minuto lang mawawala na ang pasa sa tagiliran mo. Ganoon din ang kirot," paliwanag nya.


"Doctor in Black, dalawang beses mo na kong nililigtas. Kung wala ka, siguro wala na rin ako ngayon," wika ko.


"Takaw disgrasya ka kasi. Hindi ako laging nandyan para sagipin ka," sagot nya na parang nag-aalalang boyfriend o feeling ko lang talaga 'yon.


"Pero lagi kang dumarating kapag kailangan na kailangan kita," sagot ko sa kanya.


"Nagkakataon lang 'yon," katwiran nya.


Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon