Chapter 36

158 9 1
                                    

Mario's Point Of View

"Buti gising ka na!"

Ang mga salitang narinig ko pagkadilat. Nasa kama ako sa loob ng isang kwarto at may mga tubong nakakabit sa aking braso.

"Anong nangyari? Bakit ako naandito?" tanong ko.

"Halos dalawang araw kang tulog. Bumagsak lahat ng vital signs, ilang beses kang nag-seizure. Kaya ako dapat ang nagtatanong sa iyo. Ano bang nangyari nong gabing nagkasiyahan?" wika ni kuya Gio.

Pilit kong inalala ang mga nangyari. Pumasok sa isip ko ang mga sandaling magkasama kami ni Rio at ang ginawa namin sa tent.

"Ah-----, nong gabing yun inatake ako ng epekto ng syrup tapos... may nangyari sa amin ni Rio," sagot ko.

"Did you protect her from the virus?" tanong ni Kuya.

Binalikan ko uli ang sandali. Naalala ko na nilabas ko ang condom pero sigurado akong hindi ko nagamit.

"Hindi," sagot ko.

"Yari na," sambit ni Kuya.

"Nasaan ba si Rio? Kumusta sya?" tanong ko.

"Wala pa sila, pero nasa labas si Josh at mga tao nya. Dala nila ang bus na may sakay na mga camper. Hinihintay nilang papasukin sila pero malamang aatake yan kapag nainip," paliwanag nya.

"Hindi nyo alam kung nasaan sila Rio? Paano kung may nangyari na palang masama sa kanila? Hindi nyo man lang pinasundan o pinahanap?" sunod-sunod kong tanong.

"Sabi ng mga sundalo, puro nakahiga lang ang nasa loob ng bus. May dalawang nilabas na babae na nakompirma nilang patay na," sagot nya.

"Sino iyong mga babae?" tanong ko.

"Ang isa si Coach Akie," sagot ni Kuya.

Hindi agad ako makapaniwala sa narinig ko. Unting-unting nabubuo ang magkahalong galit at lungkot. Pinigilan ko ang sarili at nag-abang sa susunod na pangalan na babanggitin ni Kuya Gio. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung handa ba kong makinig.

"Sino iyong isa?" tanong ko matapos makapag-ipon ng lakas ng loob.

"Si Ri..."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama kaya natigil si Kuya Gio.

"I'm happy to see you, my son. Buti gising ka na. Tinakot mo kami," wika ni Mama pero hindi ko nagawang pansinin dahil binalikan ko si Kuya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko para akong sasabog na bulkan.

"Kuya, sino ang isa?" sigaw ko.

"Si Riah, yung kaibigan niyo ni Rio," sagot ni kuya. Napabuntong-hininga ako. Para akong nabunutan ng tinik pero gayunpaman hindi ko mapigilang maluha sa sinapit ni Coach at ni Riah. Mas lalo akong nangamba sa kalagayan ngayon nila Rio.

"Bakit? Paano?" tanong ko.

"Masama ang lagay mo kaya nauna kaming pumunta dito dala ang isang bus na sakay ang mga campers. Nalaman na lang namin na sila Josh na ang nagdala ng isang bus dito. Muntik pa nga silang makapasok buti na lang agad kong nakita," paliwanag ni Kuya Gio.

"Kailangan kong hanapin sila Rio, baka napaano na sila," wika ko at pilit na tinatanggal ang mga nakakonektang tubo pero pinigilan ako ni mama.

"Kalma Mario, may sasabihin akong napakahalaga," wika ni Mama.

"Lumabas na ba ang resulta ng test? Kumusta?" tanong ni Kuya Gio.

"Ang pagtaas ng temperature ni Mario, ang mga seizure ay dahil sa epekto ng nakita naming pagbabago sa dugo nya," paliwanag ni Mama.

"Anong meron sa dugo ni Mario?" wika ni Kuya.

"Bumaba nang bumaba ang viral load sa dugo pero hindi pa sapat para maging undetectable," paliwanag ni Mama.

"Paano?" tanong ko pero muli kong naalala ang nangyari sa amin ni Rio. "Kay Rio, kay Rio ko nakuha ang cure, nasa dugo nya ang cure," wika ko.

"What do you mean? Akala ko resulta na 'to ng experiment namin," sagot ni mama.

"Ma, may nangyari sa kanila ni Rio nang gabi bago siya mawalan ng malay at lagnatin. Hindi sya gumamit ng protection," wika ni Kuya.

"Totoo ba, Mario?" tanong ni Mama.

"Yes Ma!" sagot ko.

"Kung ganoon kailangan natin mahanap si Rio, kailangan natin matingnan ang dugo nya," wika ni Mama.

"Ma, this time gusto kong kasama na ko sa pagtingin ng dugo ni Mario. Lalo na there's a possibility na mag-develop na rin ng antibody ang sistema nya," wika ni Kuya.

"Sorry Gio, mahalagang mahanap si Rio. At ikaw lang ang naiisip ko na makakahanap sa kanya. Siguraduhin mong makakabalik sya sa atin," sagot ni Mama.

"Ma, pwede ba kong sumama kay Kuya?" tanong ko.

"Hindi. Kailangan ka pa naming obserbahan lalo na't hindi natin alam kung talaga bang mawawala na ang virus sa sistema mo. At habang nangyayari iyan, magre-react ang katawan mo. Magpapabalik-balik ang lagnat at ang seizure," paliwanag ni Mama.

"Tama si Mama. At mas ligtas ka dito. Pangako hahanapin ko si Rio at sisiguraduhing hindi sya mapapahamak ganoon din ang mga kaibigan nya," wika ni Kuya.

"Salamat, kuya!" wika ko.

"Lalabas na muna kami. Papadalhan na lang kita ng pagkain. Papapuntahin ko si Dr. Kelly para mabantayan ka," wika ni mama.

Lumabas na sina Mama at si Kuya Gio ng kwarto. Hindi ko mapigilang hindi isipin si Rio. Paano kayang naging ganoon ang epekto ng pagtatalik namin. Ibig sabihin ba na immune sya? Paano? Paano kaya pag nalaman ng buong mundo na may cure na? Baka magulo ang buhay nya at mas lalo syang mapahamak. Pag-aagawan sya ng mga virgin hunter. At ang mahirap baka pag-eskperimentuhan sya ng iba't ibang eksperto. Tiwala naman ako kina Mama at kuya Gio na aalagaan nila si Rio. Pero nasaan ba kasi sya? Nasaan ka ba Rio? Nababaliw na ko. Para akong masisiraan. Sana pala di muna ko nagising. Pero mabuti na rin 'to, nalalaman ko ang mga nangyayari. Ayaw ko namang magising na lang ako na wala na ang mga mahal ko. Gaya nang nangyayari ngayon. Muli akong naluha sa sinapit ni Riah at Coach Akie. Pinunasan ko ang mga luha ko nang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at pumasok si Dr. Kelly. Nilapag nya ang pagkain sa tray sa gilid ng aking kama.

"Kumusta ka na?" tanong nya.

Pero bago pa ko sumagot, may nagsalita sa satellite phone na nasa bulsa nya. "Dr. Kelly, Dr. Kelly, I just want to confirm the report that you've sent. Regarding what happened to Mr. Gue..."

Naputol ito nang kunin ni Dr. Kelly ang satellite phone at tumungo sa banyo. Boses ata iyon ni Sec. Alfred, ang bilis naman mag-report nila Mama. Pero sa pagkakakilala ko kay Mama, hindi agad-agad iyon naglalabas ng impormasyon hanggat hindi sigurado. Ayaw nyang napapahiya sya. Hindi kaya si Dr. Kelly lang ang nag-report? Alam kaya 'to nila mama?

Sinimulan ko na ang pagkain nang bigla na lamang sumakit ang ulo ko at nanginig ang mga kalamnan.

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon