Chapter 20
Rio's Point of View
"Rio, Rio, gumising ka. Rio!"
Dinilat ko ang aking mata at nakita si Coach Akie. Iginala ko ang aking paningin at napansin kong para kaming nasa loob ng isang truck. Ramdam ko rin ang pag-alog dahil sa pag-andar nito.
"Coach, anong nangyayari?" tanong ko dahil ang huling pagkaalala ko'y nanonood kami ng laban sa Maze nang biglang nawalan ng kuryente at mapuno ng usok ang kwarto namin.
"We're in danger. Siguro ayos lang naman na malaman mong may kasunduan ang camp sa pinuno ng mga virgin hunter. Ang unang plano, susuplyan lang ang mga virgin hunter ng isang syrup na inembento nila Dr. Hidalgo kapalit ng hindi paghahabol sa mga virgin. Hanggang sa naghangad na sila ng parte sa mga itlog na makukuha sa inyong mga campers. At ang labanan sa Sunflower Maze ang magtatakda kung sino ang magdedesisyon pagdating sa mga makukuhang itlog. Wala ito sa unang plano. Tinutulan namin ito ni Doc Gio pero parang hawak ng kampo ng mga vitgin hunter ang leeg ni Dr. Carol at napapayag nila. At ito na nga ang nangyari, sinasabi ko na nga ba. Tatraydurin tayo ng mga virhin hunter," paliwanag ni Coach Akie.
"Ibig sabihin niloko nyo lang kami? Gagamitin nyo lang din kami? Akala ko ba kami ang magiging lunas? Alam ba ito ng OWS? Ni Sec. Alfred?" sunod-sunod kong tanong dahil wala akong alam talaga sa mga nangyayari.
"Pati ako niloko at ginamit nila. All this time akala ko mabuti ang kanilang hangarin. Ngayon pala hindi rin nila matanggap na hindi na sila magkakaanak kaya 'yon pala ang gusto nilang solusyunan. Puro pansariling interes at interes ng kanilang mga anak," sagot ni Coach Akie na parang naiiyak pero ramdam ang galit.
"May mga anak sila sa Camp? Si Dr. Carol Hidalgo may kinalaman ba sya dito? Iyong mga Doctor in Black, di ba sila nagligtas sa amin sa mga Virgin Hunter tapos ngayon wala pala silang pinagkaiba sa mga 'yon?" nagsisimula nang tumaas ang boses ko pero naisip kong hindi dapat marinig ng iba dahil baka mag-panic lamang sila.
"Anak ni Dr. Carol si Mario, at si Mario lang ang iniisip niya. Nais nyang mahanap ang lunas para gumaling si Mario, at alam nyang makakatulomg din ito sa kanyang ambisyon," pahayag ni Coach na aking ikinabigla.
"Si Mario? Si Mario Guevarra anak ni Dr. Hidalgo? Paano nangyari 'yon? At tama ba ang rinig ko? Infected sya?" para na kong mababaliw sa mga nalalaman ko, at parang tumigil ang mundo ko nang madawit ang pangalan ni Mario.
"Oo tama ang narinig mo. Anak ni Dr. Hidalgo si Mario sa isang maimpluwensya at isa sa mga namumuno sa mga Virgin Hunter. Infected sya pero di ko alam kung paano. Nalaman ko lang din ang mga ito kay Dr. Lorenzo, tandaan mo ang pangalan iyan dahil maliban sa akin sya ang magiging kakampi nyo," salaysay ni Coach.
"Hayop na Mario na yan, ginamit lang pala kami. Pangiti-ngiti pa manloloko naman pala. Kasalanan ko rin na nagpauto ako sa gagong 'yon. Teka, sino naman si Dr. Lorenzo?" tanong ko na parang may hinala na ko kung sino sya.
"Mabait na bata iyan si Mario siguro naapektuhan na ng virus ang kanyang utak kaya minsan hindi ko na alam kung sya ba ang Mario na naging estudyante ko. Minsan na kasi nila kong naging trainor ng kuya nya na si Dr. Lorenzo. Limang taon lang ang tanda nya kay Mario. Si Dr. Lorenzo ay isa sa mga Doctor in Black na nagliligtas sa mga inaatake ng Virgin Hunter," paliwanag ni Coach Akie.
"Sabi ko na. Malamang sya yung Doctor in Black na nagligtas sa akin. Magkapatid sila ni Mario? Baka naman infected din sya? At di ba nga tatay nila ang isa sa namumuno sa VH, ibig sabihin kinakalaban nya ang tatay nya? Tapos ngayon kalaban na rin nya ang nanay nya?" di maubos ang mga tanong ko dahil sa dami ng impormasyon na aking nakukuha.
"Ganoon na nga. Pero wala pa kong masyadong alam. Pero nakasisiguro ako na kakampi natin si Dr. Lorenzo. Ang interes nya ay sa kabutihan ng lahat," paliwanag muli ni Coach.
"Ano nang plano nyo Coach?" sa dami ng nalaman ko mas kailangan kong maging handa at malakas.
"Ngayon dadalhin tayo ng truck na ito sa kuta ng mga Virgin Hunter, hindi kasi nagustuhan ng mga VH ang pagpabor ni Dr. Hidalgo sa anak nya. Si Josh ang mata ng mga VH sa Camp. At di nagustuhan ng mga VH ang mga nangyayari kaya nagdesisyon ang mga ito na putulin ang alyansa. Kung di tayo ligtas sa Camp mas hindi tayo ligtas sa kuta ng mga VH, kailangan nating makatakas," salaysay ni Coach.
Nabigla ako na dawit din pala si Josh. Parang sasabog na ang utak ko sa mga nalalaman ko.
"Plano kong pwersahan nating buksan ang harang sa likod, marami naman tayo kaya maraming lakas ang magagamit natin," dagdag ni Coach Akie.
Tinipon ko ang mga Campers na kasama ko, napansin kong wala pala si Riah malamang may iba pang truck at nandoon sya. Sinabi ko sa mga Campers ang plano at isa-isa kaming dumagan sa pinto sa likod. May ilan pang binuhat ang isang lalaki at ito ang ginawang pangtulak. Paulit-ulit namin itong ginawa pero walang nangyayari. Di man lang naiiba ang anyo ng pinto. Napagod na ang mga Camper at tila nawalan na ng pag-asa.
Naalala ko ang bracelet at nakita kong suot ko pa rin ito. Tinipon ko ang lahat ng Campers at inutusan silang idikit ang bracelet sa pinto sa likod. May pagka-magnet kasi ito kaya hindi malalaglag. Nang malagay na namin ang mga bracelet, nagsabay-sabay kami sa pagsigaw, "self-destruct."
Nabasa ko kasi sa Manual na sa oras na lumabas kami ng Camp mawawalan na ng silbi ang bracelet at kailangan nang utusang mag-self-destruct para walang bakas na makita na maaaring magtunton sa Camp. Nag-vibrate ang pinto sa likod at nang sabay-sabay sumabog ang mga bracelet ay nabuksan at nabutas ito. Naramdaman din naming huminto ang sasakyan. Agad kaming nagtalunan palabas at pinuntahan ang isa pang truck na huminto rin at may dala sa iba pang Campers. Inatake ng mga lalaki ang driver habang binuksan naman ng ilan ang pinto. Nakalabas na rin ang mga sakay nito. Inutusan kami ni Coach na bumalik sa isang truck at sumakay. Lahat ay bumalik sa loob ng truck at si Coach naman ang nag-drive. Nang makasigurong nakasakay na ang lahat, sinara na namin ang pinto. Pinaandar na ni Coach ang truck at binangga ang isa na tumama sa mga Virgin Hunter. Humarang ito sa daan kaya tiyak mahihirapan silang makahabol. Tuluyan na kaming nakalayo sa kanila.
"Coach, saan tayo nito?" tanong ko.
"Babalik sa Camp," sagot ni Coach na kinagulat ko.
"Sigurado ka Coach? Paano kung nandoon ang mga VH at mga CM? Wala tayong kakampi dun," wika ko.
"Meron, malamang nakabalik na si Dr. Lorenzo mula sa walled city. Ito rin ang binilin nya sa akin. Magtiwala ka," paniniguro ni Coach.
Naupo lamang ako, natahimik at pilit na binabalikan ang mga nangyari. Sana nanaginip lang ako pero hindi, ayaw kong lokohin ang sarili ko. Kailangan kong harapin to. Kailangan ko ring harapin si Mario. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Naiinis ako kay Mario, naiinis ako sa mundo. Tsaka pa lamang ako binibisita ng pakiramdam na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.