Rio's Point of View
Pagkawala ng kumpulan, nakita ko si Mario na naglalakad papunta sa pwesto namin ni Magi. Bumalik ang ngiti nyang nakakahawa, samantala na sa likod naman nyang naglalakad si Elio.
"Wag mo nang uulitin yun," bungad sa akin ni Mario.
"Hindi ko mapapangako. Tutal nandyan ka naman para sagipin ako," katwiran ko na sinusubukan kung anong isasagot ni Mario.
"Paano kung wala ako?" sagot nya kaya napaisip ako kung wala si Mario nandyan naman si Doctor in Black kaso pa'no kung wala sila pareho?
"Eh di wag kang mawawala," sagot ko na parang sa kanya ko na inasa ang sarili ko.
"Hindi ko rin mapapangako," sagot nya sabay ngiti hindi ko alam kung malulungkot ba ko o ngingiti kasi alam ko iba ang sinasabi ng mga ngiting iyon.
"Tama na iyan, ang dami nang langgam oh! Baka nakakalimutan nyong andito pa kami," sabat ni Magi na katabi si Elio.
"Elio, kumusta? Ayos ka lang?" tanong ko.
"Ayos lang, maraming salamat sa inyo," mahinang tugon ni Elio.
"Elio, si Rio ang tumulong sa iyo at ang bf nyang si Mario. At ako naman si Magi. Nice to meet you!" sabat uli ni Magi na parang nagpapapansin kay Elio.
"Tara na. Pumila na tayo," yaya ni Mario kaya nahinto rin ang usapan namin nila Elio. Nauna kaming maglakad ni Mario habang nasa likod namin ang dalawa.
Rinig na rinig ko ang boses ni Magi na sunod-sunod ang tanong kay Elio. Naisip ko tuloy na desperado na talagang magkasyota si Magi dahil pati si Elio na halata namang iba ang tipo pinag-iinteresan nya. Pero baka palakaibigan lang talaga si Magi at hindi kayang matahimik ang bibig.
Nagulat naman ako nang hawakan ni Mario ang pisngi ko. "Galing mo kanina! Pero masakit ba?" tanong nya habang mahinang pinipisil ang aking pisngi.
"Naturuan kasi ako ni Papa. Di naman masakit, di naman gano'n kalakas ang tama," pagsisiguro ko sa kanya. Naalala ko rin ang ginawa nya kaya tinanong ko sya, "Ikaw, black belter ka ba?"
"Oo, pinilitdin ng magulang na matuto. Kanina ko na nga lang uli nagamit," pa-humble na sagot nya na napakamot sa ulo.
"Wow! Pwedeng turuan mo ko?" biro ko pero nginitian lang na naman nya ko. Kaya nagsalita ko uli pero may halo nang pananakot, "Bahala ka! di ko maipagtatanggol ang sarili ko sa mga tulad ni Josh."
"Eh di ako ang magtatanggol sa iyo," sagot nya na di ko maiwasang kiligin dahil parang iyon ang kanina ko pang gustong marinig.
"Sinabi mo iyan ha. Pero turuan mo pa rin ako, pls," pamimilit ko kay Mario.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Ficção CientíficaMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.