Gio's Point Of View
Papunta ako sa kwarto ni Mario matapos makausap ang grupo nila Magi. Tumawag kasi si Dr. Kelly at sinabi ang naging resulta ng mga pagsusuri. Undetectable na ang virus sa dugo ni Mario, ibig sabihin hindi na talaga sya makakahawa at tuluyan nang mawawala ang epekto ng virus sa kanya. Pinaalam din sa akin na lumabas na ang resulta ng pagsusuri kay Lisa, iyong babae sa altar sa Barangay Ambon-Ambon. Kung maganda ang magiging resulta, mas magiging madali ang pag-develop ng malakas na vaccine.
"Nasaan si Mario?" tanong ko kay Doc Kelly pagkapasok sa kwarto.
"Lumabas, pupuntahan daw si Rio," sagot nya.
"Ha? Bakit mo pinayagan? Baka hindi pa nya kaya," pag-aalala ko.
"Kung di pa nya kaya sana nakahiga pa sya dito," pilosopong sagot ni Doc Kelly.
"Ibig kong sabihin hindi pa bumabalik ang buo nyang lakas, alam mo yan Doc Kelly," seryoso kong sagot.
"Mukhang ayos na ayos naman na sya. Mapilit din. Miss na miss nila ang isa't isa. Hayaan mo na ang mga bata," katwiran nya.
"Yong mga sample ng dugo nila, natabi na ba?" tanong ko.
"Oo, sapat na ang nakuhang dugo sa kanila," sagot ni Doc Kelly.
"Anong sabi ni Dr. Hidalgo?" muli kong tanong.
"Sa walled city na ipoproseso at sisimulan ang pag-develop sa vaccine. Unahin daw muna ang pag-aayos para sa paglipat," paliwanag nya.
"Iyong Lisa, ano ang resulta ng pagsusuri sa dugo nya?" Buti hindi naiinis si Doc Kelly sa sunod-sunod kong pagtatanong.
"Positive sa virus pero sabi nya hindi naman daw sya nagkakaroon ng side effect. Sinailalim namin sya sa iba pang mga test, napansin ko ang kakaibang structure sa utak nya. Sobrang liit ng amydala at hypothalamus," salaysay ni Doc Kelly.
"Kaya pala. Pero ibig sabihin nito na mapanganib pa rin sila. Nakakahawa pa rin," sagot ko.
"Totoo, pero malaki ang natulong nila para di mambiktima ang mga virgin hunter sa kanila."
"Maiba tayo. Kailangan mong sumama sa ibang Campers para kunin ang mga camper na binihag nila Josh. Pupunta kayo sa kuta nila ngayong gabi," wika ko.
"Paano? Ikaw na nagsabi na bihag sila ng mga virgin hunter? Sapat kaya ang tao natin?" tanong nya.
"Oo, susugod dito sila Josh kaya sasalisi kayo at gagamitin nyo ang pagkakataon para kunin ang mga camper," paliwanag ko.
"Kung ganoon magkita-kita na lang tayo sa walled city," wika ni Doc Kelly.
"Ganoon na nga. Mauuna na ko. Kailangan ko pang hanapin sila Mario at Rio. Ikaw na bahala kina Xander, Harvey, at Jasmin. Mag-iingat kayo, lalo na ang sarili mo."
"Nakalimutan mo na bang ako ang pangalawa sa iyo sa pinakamagaling na Doctor in Black. Wala kang dapat ikabahala."
Hinagkan namin ang isa't isa at lumabas na ko ng kwarto. Tiwala naman ako sa kakayahan ni Doc Kelly, kinakatakot ko lang na baka makaharap nya sila Chief Theo at Jeneva.
Kailangan kong magpokus, kailangan ko na ring masabihan sila Mario at Rio. Kailangan na naming magmadali bago pa kami abutan nila Josh dito. Alam ko ang kakayahan ng grupo nila lalo pa't binubuo sila ng mga dating sundalo ng sandatahang lakas. Mas mainam na umiwas kami kaysa dumepensa at makipaggyera. Hindi pa handa ang mga camper lalo pa't kagigising lang nila. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nagawa ni mama makipagkasundo sa grupo nila Chief Theo pero hindi naman maaaring ganoon na lang palagi. Mabuti nang humiwalay kami sa kanila kaysa naman magamit at maabuso.
Patuloy ako sa paglalakad, iniisip ko kung saan naman kaya nagpunta ang dalawa. Naalala kong may garden sa rooftop sa kabilang building, malamang naghanap ang mga iyon ng ganoong lugar. Ngunit sabi nga ni Doc Kelly, hayaan ko muna ang dalawa na makapag-usap at masolo ang isa't isa. Dumiretso na lang muna ako sa kwarto ko at nagpahinga. Kaso hindi ko maiwasang isipin kung paano kaya nabuo ang antibody sa dugo ni Rio. Hindi pa sya nakikipagtalik, ni hindi rin na-expose sa virus. Bigla kong naalala noong gabing niligtas ko sya. Nasa ibabaw nya ang virgin hunter at muntik na syang gahasain, hindi kaya doon nya nakuha? Tama, maaari. Nang sandaling iyon malapit nang makapasok ang ari nya sa ari ni Rio. Hindi kaya may lumabas nang fluid sa ari nya at napunta kay Rio? Iyong Precum. Kahit pa patak lang yun maaaring may virus na iyon at kung napunta nga sa sistema ni Rio maaaring iyon ang dahilan. Kung iisipin masyado pa ring malakas ang immune system ni Rio para magawang talunin ang virus at makabuo ng antibody laban dito. Bago pa siguro makapag-replicate ang virus ay nagawa na itong atakihin ng sistema ni Rio at makagawa ng depensa. Nag-react ang katawan ni Rio dito at nabuo ang antibody. Bakit hindi ko naisip ito dati. Sabagay, hindi ko rin naman malalaman kung hindi nangyari ang nangyari sa kanila ni Mario. Kung bakit hindi ito na-detect nong examination, kasi sobrang kaunti lang ng virus na nakapasok sa sistema nya at ang aparato ay para lang ma-detect ang virus hindi ang antibody para dito.
Umaga na nang nagising ako. Kailangan ko nang puntahan sila Mario at Rio para makapaghanda na. Tumungo ako sa building kung nasaan ang rooftop garden. Pagkabukas ng elevator, dali-dali kong pinindot ang 11th floor. Nakatingin ako sa numero sa screen; 7, 8, 9 nang biglang tumunog ang alarm. Pansamantalang, tumigil ang elevator. Nang matapos ang alarm, nagpatuloy ito sa pag-andar. Tumawag naman si Magi gamit ang satellite phone, nagtatanong kung para saan ang alarm. Sinabi kong wag mataranta at ipagpatuloy lamang ang plano. Pagkarating ng 11th floor kinailangan ko pang maghagdan papunta sa roof deck. Nakasalubong ko naman na ang dalawa. Tama nga ko, andito sila.
"Doc Gio, narinig mo ba ang alarm? Anong nangyayari?" tanong ni Rio.
"Hindi ko alam. Sumama muna kayo!" utos ko.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.