Chapter 3

623 29 9
                                    

Rio's Point of View


Habang nakaupo kami, may mga lumapit na nagbigay ng manual at sa harap may nakasulat na pangalan namin. Sinubukan kong tingnan ang manual ni Mario pero naunahan ako ni Magi.


"Mario Lucio Guevarra," pagbigkas ni Magi sa pangalan ni Mario. "Wow, ang gwapo na, ang gwapo pa ng pangalan," dagdag pa nya.


"Bakit, ano ba ang iyo?" tanong naman ni Mario kay Magi.


"Magi Nicole de Luna, si Rio ba? Ano ang full name?" tanong ni Magi at natahimik si Mario dahil hindi nya alam ang isasagot. Hindi na nakapaghintay si Magi at tiningnan na ang manual ko.


"Rain Iris Oliver..." napaisip si Magi habang nakikinig naman si Mario. "Ah gets kaya Rio, ang galing!" sambit ni Magi na manghang-manghang sa pangalan ko. Halatang nasorpresa din si Mario, nang marinig ang tunay na pangalan ko. Lumapit sya at may ibinulong sa akin na dahilan para sikuin ko sya.


Pinaglaruan nya kasi ang name ko, tinawag ba naman akong RIOG kasi dinugtong nya ang apelyido nyang Guevarra sa pangalan ko. Iba rin talaga tong si Mario. Hindi ko tuloy alam kung totoo kayang may gusto na sya sakin o sinasakyan nya lang ang trip ko? Maya-maya nagsalita na ang babae na nasa stage.


"Magandang umaga, ako si Dr. Carol Hidalgo na mangunguna sa pagmo-monitor ng inyong kalusugan, na magsisilbi ring head ng academy sa camp. Andito ako sa harapan nyo para sagutin ang inyong mga katanungan. Lumapit lamang sa gitna ang mga magtatanong."


May lalaking lumapit sa mikropono na nasa gitna, nakatalikod ito kaya hindi ko makita pero lumabas sa screen ang mukha nito. Pamilyar ang lalaki.


"Hi, I am Josh Dela Fuente, gusto ko lang malaman paano nyo nalaman na virgin pa kami?"


May mga nagtawan at nanaig ang bulung-bulungan sa loob ng gym na tila napaisip ang mga kabataan.


"Salamat sa tanong mo Mr. Dela Fuente, bago kayo isinakay sa bus kinuhaan kayo ng dugo sa inyong daliri at direktang binabasa ng gadget na ito na siyang tumitingin kung infected kayo ng virus. At ayon sa mga Doctor in Black, negative kayong lahat."


Nagtanong muli si Josh dahil hindi nakontento sa sagot ni Dr. Hidalgo, "Kung negative kami sa virus ibig sabihin ba no'n na virgin pa kami?"


Nagsigawan naman ang mga kabataan na bilib na bilib sa pagtatanong ni Josh na may pinupunto.


"Natutuwa ako sa mga tanong mo, Mr. Dela Fuente. Matalino kang bata. Para sa kaalaman ng lahat, ang virus ay nakukuha kapag nakipagtalik sa infected o kapag gumamit ng Avas. Kaya ipinagpalagay ng mga eksperto na ang mga hindi pa nakipagtalik at hindi pa gumamit ng Avas, ang siyang natitirang hindi infected ng virus. Ngunit kung susuriin ang iyong pinupunto, totoong may posibilidad na ang mga hindi infected ay nakipagtalik na rin sa kapwa nilang hindi infected. Dahil dyan pagkalabas nyo dito sa gym dadaan kayo sa isang pagsusuri kung saan aalamin kung nagkaroon na ba ng interaksyon ang inyong ari sa ibang ari."

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon