Doc Kelly's Point of View
Nagising ang aking diwa at narinig ko si Lt. Malon na tila may kausap.
"Sir, nakatakas sila Chief Theo pero nakuha namin ang mga Camper bago pa dumating sila Doc Kelly. Papunta na sila sa walled city. Anong gagawin namin kina Doc?"
Sino kaya ang kausap nya. Naramdaman kong nakatali ang aking kamay at may tali rin sa aking bibig. Akala ko nakapikit pa ko kasi wala akong nakikitang liwanag pero may piring lang pala ang aking mga mata. Iniwasan kong gumalaw at pinagpatuloy ang pakikinig sa usapan.
"Masusunod, Sir. Sisiguraduhin naming walang makakaalam sa gagawin namin sa kanila. Asahan nyong hindi na sila magiging sakit ng ulo nyo," wika ni Lt. Malon.
Kinabahan ako sa aking narinig. Sino kaya ang boss ni Lt. Malon. Akala ko matino may tinatago rin palang kagaguhan. Teka, papunta na raw ang mga camper sa walled city, ibig sabihin taga-walled city ang kausap nya. Sino kaya? Si Sec. Alfred lang naman ang nakakaalam ng operasyon. Sa kanya rin ako humingi ng back up. Naging loyal naman ako sa kanya, nire-report ko sa lahat kahit pa binilin ni Dr. Hidalgo na ilihim ang nadiskubre namin sa dugo ni Rio. Mahirap na talagang magtiwala sa panahon ngayon.
Tahimik lamang ako nang naramdaman kong tinanggal na ang pagkakapiring sa aking mata. Nasilaw ako sa liwanag kaya hindi agad ako nakadilat nang maayos.
"Sabi ko na gising ka na. Siguro naman alam mo na ang kahihinatnan nyo. Ano may mga request ka ba bago ka mamatay?" wika ni Lt. Malon.
Gwapo sana kaso maliban sa masamang ugali may pagkabobo rin. Paano ako makakasagot e may tali ang bibig ko. Pinilit kong tumawa para asarin sya.
"Anong tinatawa-tawa mo? Nasisiraan ka na ba dahil alam mong mamamatay ka na?" tanong nya.
Tumawa lang muli ako pero paputol-putol dahil nga sa pagkakatali ng aking bibig. Maya-maya pa lumapit na sya at inalis ang tali.
"Hays, alam mo ba kung bakit ako natatawa?" tanong ko na nang-aasar.
"Ano?" tanong nya na kinagulat ko. Hindi ko kasi akalain na sasagot sya.
"Isa ka kasing malaking tanga. Kinakausap mo ko pero huli mo nang napagtanto na di ako makakasagot dahil sa tali sa bibig ko," wika ko sabay tawa.
"Tingnan natin sino ang tatawa sa huli," wika nya sabay alis.
Umusog ako papalapit kina Xander. Pabulong kong tinatawag ang kanilang pangalan para magising sila. Kailangan namin gumawa ng paraan para makatakas. Hindi naman ako nabigo. Ganoon pa man, hindi sila makapagsalita dahil sa tali at hindi pa rin naaalis ang piring sa kanilang mata. Kailangan ko munang mag-isip ng paraan. Kailangan kong makalas ang tali sa kamay at paa ko.
Sinubukan kong ilipat ang kamay ko mula sa aking likod patungo sa harap pero sa sobrang higpit nahihirapan akong mag-bend. Ilang minuto ako pagalaw-galaw nang masagi ko ang isang maliit na cabinet na gawa sa kahoy. Luma na ito kaya nakalas at nasira. Naging malakas ang pagbagsak nito kaya hindi nakakapagtakang may pumasok na mga lalaking sundalo.
Nakita nila ako. Agad silang lumapit at nilagyan muli ng piring ang aking mata at tali ang bibig. Napansin ko ring muling namatay ang ilaw. Pagkasarado ng pinto nakarinig ako ng putok ng baril. Ilang sandali pa'y muling bumukas ang pinto. Sinundan ito ng pagbukas ng ilaw. Naramdaman ko ang hakbang nito papalapit. Nawala ang piring sa aking mata at naaninag ko ang lalaki, si Chief Theo.
Natulala ako halatang nabigla sa aking nakita. Ililigtas kaya nya kami? Tanong ko sa isip ko.
"Kalagan sya," utos ni Chief sa mga kasama nya.
"Mabuti na lang may naiwan akong kasamahan sa kuta kaya nasundan namin kayo dito. Ang taong pinagkakatiwalaan nyo ang nagpapapatay sa inyo!" wika nya.
"Anong ibig mong sabihin? Ang alam ko kayo ang kalaban!" sagot ko.
"Simula nang kumalat ang virus lahat tayo naging magkakalaban na. Pero panahon na para tukuyin kung sino ba talaga ang pinakaugat ng problema at kung sino ba ang may malaking banta sa ating mga tao!" pahayag ni Chief Theo.
"Ibig mo bang sabihin na sila Sec. Alfred ang may gustong magpapatay sa amin?" tanong ko.
"Sino pa ba? Siya lang naman nagpadala sa mga sundalo di ba? Siya lang naman ang pinagkakatiwalaan mo," sagot ni Chief Theo.
"Kung ganoon dapat malaman ito nila Doc Gio!" wika ko.
"Hindi pwede. Hanggat hindi natin alam kung sino ang mga tunay na kaaway, hahayaan nating maniwala silang patay na kayo!" katwiran ni Chief Theo.
"Nasa panganib sila Doc Gio pati ang mga bata," depensa ko.
"Nasa panganib din tayo hanggat hindi pa natin lubusang kilala ang magkakasabwat. Ngayon, sumama kayo sa tinutuluyan namin. Doon natin paplanuhin ang mga susunod na gagawin!" pahayag ni Chief.
"Babalik ba tayo sa kuta nyo?" tanong ko.
"Wala na ang kuta. Pinasabog na nila," sagot ni Chief.
"Sabi ko na mga bomba talaga ang nakita ko sa ilalim. Mukhang nagsasabi naman sila ng totoo. Sa ngayon, mas sa kanila ako nagtitiwala," sabat ni Xander.
"Mukhang hindi naman nila tayo ipapahamak. Mabuting tao si Mario, malamang nagmana sya sa tatay nya hindi kay Dr. Hidalgo," wika ni Harvey.
"Noon naman talaga malaki ang tiwala ko kay Chief, sya ang nagsanay sa akin. Sa kanya ko natutuhan ang mga nalalaman ko. Kailangan lang maghiwalay ng landas dahil nga sa OWS ako nagtatrabaho," wika ko.
"And they saved us. So we better trust and join them than stay here," ani ni Jasmin.
"Kung ganoon. Sasama na kami. Pero may mga kailangan akong linawin na dapat nating pag-usapan sa oras na makapunta na tayo sa inyong tinutuluyan," wika ko.
Iniwan na namin ang isang maliit na bahay kung saan kami kinulong. Sa mga nangyayari, napatunayan kong hindi pa rin ako pinapabayaan ni Chief. Sa ngayon, nararamdaman kong sa kanya ako mas dapat magtiwala.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Ciencia FicciónMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.