Chapter 19

254 15 1
                                    

Chapter 19

Magi's Point of View

Walang malay si Baby Elio at pasan-pasan sya sa balikat ni Josh. Willing akong ipagpalit ang trophy para lang makuha si Baby Elio. Hindi ko alam kung may plano ba si Mario at Harvey lalo na't mag-isa na lang naman si Josh, kung tutuusin kayang-kaya namin sya. Nagtaka ako kasi parang mag-iiba ng daan si Mario pero naunahan akong magsalita ni Josh.

"Ano, Mario? Papalabasin mo na ba ang totoong kulay mo? Hindi mo na ba matiis ang pagpapanggap?" sigaw ni Josh. Napaisip ako kung ano ba ang tinutukoy ni Josh, at ano ang totoong kulay ni Mario? At bakit sya nagpapanggap? Imposible namang bakla sya.

"Josh, hindi bakla si Mario at hindi kabaklaan ang pagiging duwag. Dahil kung may duwag man, ikaw iyon dahil nagtatago ka sa isang walang malay na tao," sambit ko.

"Tumahimik ka kung ayaw mong mamaga ang labi mo. Nagkamali kayo ng pinagkatiwalaan!" sigaw muli ni Josh.

"Ano bang sinasabi ni Josh? May kailangan ba kaming malaman, Mario?" tanong ni Harvey.

"Wala, bawal pumatay sa Camp kaya walang mangyayaring masama kay Elio. Kailangan nating tapusin ang laro. Kailangan nating manalo!" paliwanag ni Mario.

"Hindi ako aalis nang hindi kasama si Baby Elio," wika ko.

"Wala ring silbi ang pagkapanalo kung iiwan ko ang mga kasamahan kong lumaban at nagsakripisyo!" sambit ni Harvey.

"Anong balak nyong gawin? Sige labanan natin si Josh, tapos ano? Hahanapin at bubuhatin natin papalabas ang mga kasamahan natin?" wika ni Mario.

"Kung iyon ang kailangang gawin, gagawin ko," sagot ni Harvey na sumugod na kay Josh pero nahinto nang gawing panangga si Elio.

"Josh, ibigay mo na sa amin si Elio at ibibigay ko sa iyo ang trophy," sigaw ko at napatingin naman sa akin si Mario na parang ayaw sumang-ayon. "Mario, kaya natin bawiin sa kanya ang trophy, ang mahalaga ngayon ay makuha natin si Elio sa kanya dahil walang awa 'yan si Josh," paliwanag ko kay Mario.

"Sige, ako bahala kay Josh. Kunin nyo si Elio," utos ni Mario.

"Ano? Nakapagdesisyon ka na ba, Mario? O tutuluyan ko na 'to?" sigaw ni Josh.

"Eto na. Kunin mo na ang trophy. Pagkaabot ko sa 'yo ay bibitawan mo si Elio at ibibigay kay Harvey!" sigaw ni Mario.

Lumapit na si Mario at inabot na ang trophy kay Josh pero hindi ito tumupad sa kasunduan dahil hinampas nito ang trophy sa ulo ni Harvey na mabilis nawalan ng malay.

"Ano pa bang gusto mo? Hayop ka, Josh!" sigaw ko.

"Mas hayop ang kasama mo! Hindi ba, Mario?" sigaw ni Josh na lalong nagpagulo sa isip ko.

"Nasayo na ang trophy, ano pang gusto mong mangyari?" sigaw ni Mario.

"Gusto ko lang naman ipamukha sa lahat na hindi ka Santo. Ayaw mo bang malaman nila ang sikreto mo?" pahayag ni Josh na nagpainis kay Mario kaya agad na umatake. Ano kaya ang alam ni Josh, bakit ganoon na lamang sya kasigurado. Sunod-sunod ang pag-atake ni Mario pero sinasangga lamang ito ni Josh gamit ang trophy. Nang mapagod si Mario ay umatras ito at nanatiling nakatayo.

"Josh, ano bang dapat naming malaman?" sigaw ko at biglang napatingin sa akin si Mario.

"Bakit di mo tanungin ang kaibigan mo?" sagot ni Josh.

"Mario, ano ba ang sinasabi nya?" tanong ko kay Mario.

Tahimik lamang si Mario at di umiimik. Muli namang nagsalita si Josh, "Gusto mo bang si Des pa ang magkwento? O si Jean kaya? Teka sino pa ba ang nabiktima mo? Kung di mo ginalaw si Des sana hindi ako nangialam sa plano mo!"

Naguguluhan na ko sa mga sinasabi ni Josh, anong meron kay Des? Kay Jean? Naalala ko ang kwentuhan namin na si Des at Jean ay parehong conservative noon pero biglang naging bitch. May kinalaman nga kaya si Mario kung bakit nagkaganoon sila?

"Bakit hindi ka makasagot? Gusto mo pa rin ba ang trophy na 'to? Kung tutuusin wala na tong halaga dahil tinapos na namin ang alyansa sa inyo. Masyado kasi kayong swapang, gusto nyo kayo lang ang makikinabang sa mga Virgin. Oo, alam naming kailangan nyo sila para makagawa ng lunas sa virus pero bakit sinosolo nyo? Dahil ba na may posisyon kayo at kapangyarihan at kami ay mga simpleng mamamayan lang?" sunod-sunod na rebelasyon ni Josh.

Ano ang alyansang sinasabi ni Josh? At kaalyansa nya si Mario? Pa'no nangyari? Naloloka na ko. Hindi na kinakaya ng brain cells ko. Ano bang nangyayari sa camp? Akala ko ba simpleng laro lang bakit may agawan na? At ang pinag-aagawan nila, kaming mga virgin? Oh my g! Virgin Hunter ba si Josh? Pati ba si Mario? Bakit di na-detect ng Camp? Shet baka all this time kasabwat ang Camp. At ang Camp ay nasa ilalim mismo ng kontrol ng mga Virgin Hunter?

"Naintindihan mo na ba ngayon, Magi? O kailangan ko pa ulit-ulitin?" sigaw ni Josh na nahalata atang nag-iisip ako pero bigla syang sinapak ni Mario. "Tumigil ka na!" sigaw ni Mario.

"Wala ka nang magagawa, Mario. Kung ako sa iyo itago mo na yan si Magi dahil yan na lang ang matitirang pag-aari mo. Mamaya susunduin na ko dito at kasama naming ilalayo ang mga nakuha naming Virgin," salaysay ni Josh.

Kailan pa ko naging pagmamay-ari ni Mario? Ibig sabihin bang matagal na nila itong plinano, at sino ang mga dinakip nila? Naku, baka tinangay na nila sila Rio. Hindi maaari 'to. Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko, paglingon ko'y si Elio na nagising na.

"Shh, wag ka maingay. Kanina pa ko nakikinig. Sabi ko na tama ang hinala ko. Hindi ko lang sinasabi sa inyo dahil ayaw kong mag-away kami ni Rio," bulong ni Elio.

"May alam ka rin? Hindi ko na alam sino pagkakatiwalaan ko," sagot ko.

"Pagkatiwalaan natin ang isa't isa. Matagal ko nang napansin na may kahina-hinala kay Mario. At kanina nga nakumpirma ko na siya ang nakipag-sex kay Des sa lagoon, at malamang sya rin ang may kagagawan nang nagyari kay Jean," paliwanag ni Elio.

"Nasa panganib sila Rio, kailangan natin sila iligtas," wika ko.

"Kailangan muna nating makatakas sa dalawa," sagot ni Elio.

Tiningnan ko ang mapa, nakita kong gumagalaw ang asul na bilog, ibig sabihin gising na rin ang ibang kasama naming Pure. Kailangan namin silang masabihan.

"Umarte ka na naguguluhan, magsisigaw ka para lalo atakihin ni Mario si Josh," utos ni Elio na aking sinunod.

Maya-maya, sunod-sunod na ang tanong ko.

"Mario, magpaliwanag ka na. Josh, ano ba ang totoo? Nababaliw na ko dito!" paulit-ulit akong sumigaw hanggang sa sunod-sunod na ring umatake si Mario kay Josh at hindi na nila ko pinansin. Ito ang pagkakataon na umalis na kami ni Elio para puntahan ang iba.

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon