Magi's Point of View
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, bumungad sa amin sila Rio at Doc Gio kasama si Claire at isang babae. Hindi na kami lumabas at sila na lang ang pumasok. Pinindot ni Doc Gio ang 3rd floor.
"Sis, buti naandito ka na. Ayos ka lang ba? Nakapagpahinga ka na ba? Tara, maraming kama sa taas!" wika ko.
"Sorry Magi, kailangan ko munang dumaan sa laboratory para magpakuha ng dugo," sagot ni Rio.
"May binalikan lang kaming gamit sa Camp at dumiretso agad dito. May kailangan agad kaming gawin. Ihahatid ko lang si Rio at pagkatapos kakausapin ko kayo," wika ni Doc Gio.
"Gising na pala ang mga camper," wika ni Harvey.
"Kaya kumuha na rin kami ng pampatulog sa camp, pero for emergency lang ito," sagot ni Doc.
"Nabanggit ni Dr. Kelly kailangan daw ni Mario ang dugo ni Rio. Doc, ano bang meron sa dugo ni Rio?" tanong ni Xander.
"Papaliwanag ko mamaya, sa ngayon maghanda kayo para sa paglipat. Lilisanin din natin tong research facility," sagot ni Doc.
"Sabihin nyo sa mga camper, sinugod ang camp ng mga virgin hunter kaya lumilikas tayo at kaya sila pinatulog para mabilis silang mabantayan," bilin pa ni Doc.
Bumaba na sila pagkarating ng 3rd floor, pinadiretso naman kami ni Doc sa 6th floor para makausap ang mga Camper. Hindi pa namin alam kung paano ba ipapaliwanag sa kanila ang mga nangyari at kung kaya ba naming sagutin ang mga itatanong nila. Naku, mukhang mas nakakatakot pa ito sa thesis defense.
Hindi pa tapos kumain ang mga mga camper nang dumating kami at nasa paligid naman ang mga martial.
"Kumusta kayo?" tanong ni Harvey pero walang sumagot kahit isa. Nakatingin lamang sila sa amin in short seenzone.
"Sige kumain lang muna kayo, mukhang gutom na gutom kayo," wika ni Xander.
"Bakit hindi namin kayo kasama nang magising kami? Matagal na ba kaming tulog?" tanong ng isa. Nagbulong-bulungan naman ang iba. Ito na mga ba ang sinasabi ko. Nagsisimula na silang magtanong.
"Oo nga, gaano katagal nyo kaming pinatulog? Anong ginawa nyo sa amin?" tanong din ng isa.
Bakas sa mukha ng mga camper ang pagkalito at panghihinala.
"Kalma, walang ginawang masama sa inyo. Sa katunayan niligtas pa nga kayo sa mga virgin hunter na sumugod sa camp kaya andito tayo ngayon," paliwanag ni Xander.
"Tama, aaminin namin na hindi kami kasama sa pinatulog ito'y dahil aksidenteng kami ang humarap sa mga virgin hunter na sumugod. Sana nga pinatulog na lang din kami para di kami nahirapan," pahayag naman ni Harvey.
"You are safe because the camp did everything to keep us safe. In fact, some even risk their lives," sambit ni Elio.
"Anong plano? Ano nang mangyayari?" muling nagtanong ang isa.
"Sabi ni Doc Gio, lilipat din tayo ng lugar. Pupunta tayo sa walled city para mamuhay kasama ang ibang non infected," sagot ko.
Muling nagbulong-bulungan ang mga camper.
"Kung inaalala nyo ang inyong kaligtasan, wag kayong mag-alala ligtas tayo dito. At magiging ligtas tayo kung magiging maingat at masunurin tayo," wika ni Xander.
"Ngayon, maghanda kayo para sa paglipat. Bibigyan kayo ng damit ng mga martial para makapagpalit at linis ng katawan. Hihintayin natin ang signal mula kina Doc Gio," pahayag ni Harvey.
Lumabas na kami ng kwarto at naghintay kay Doc Gio. Ilang sandali pa ay dumating na sya.
"Doc nasaan ang sis kong si Rio?" tanong ko.
"Nasa baba pa sya. Kinukuhanan pa ng dugo at inoobserbahan," sagot nya.
"Sumunod kayo, doon tayo sa conference room," utos ni Doc.
Bumaba kami ng isang floor at pumasok sa isang kwarto.
"Tungkol sa dugo ni Rio, may nakita kaming pinagpalagay namin ay antibody. Para sa di nakakaalam, ang antibody ang kumakalaban sa virus. Pwedeng makakuha ng bakuna o cure sa virus dahil dito," paliwanag ni Doc Gio.
"So you are saying that you just discovered the cure and it's in Rio's blood?" tanong ni Elio.
"Ganoon na nga. Kung pa'no at saan nanggaling hindi pa namin alam. Kaya mas kailangan natin pumunta sa walled city. Doon walang gagambala sa amin sa pag-aaral ng dugo ni Rio. Doon mas mapapanatag ang loob natin dahil andoon ang lahat ng security ng gobyerno," pahayag ni Doc.
"Ipapaalam ba natin ito sa lahat? Maging sa mga nasa gobyerno?" tanong ni Xander.
"Napagdesisyunan namin ni Dr. Hidalgo na mananatili itong sikreto hanggat hindi pa namin nade-develop ang gamot. Ayaw rin naming mapahamak si Rio dahil baka dumagsa ang mga eksperto mula sa iba't ibang panig ng mundo at pag-aralan sya," sagot ni Doc.
"Naiisip ko pa lang na magkakaroon na ng cure, sumasayaw na ang puso ko sa tuwa. Magiging maayos na rin ang lahat," wika ni Xander.
"Kumusta si Mario?" tanong ni Harvey.
"Maayos na. Compatible ang dugo nila ni Rio kaya nang masalinan sya ng dugo biglang naging normal ang mga lab test. At mukhang gaya ni Rio, magkakaroon na rin sya ng antibody," salaysay ni Doc.
"Can we visit him?" tanong ni Jasmin.
"Hindi muna. Samahan nyo muna ang mga camper pasakay sa bus. Kailangan natin makaalis bago pa makabalik sila Josh," wika ni Doc.
"Paano ang mga camper sa isang bus na nakuha nila Josh?" tanong ko.
"Iniisip ko pa kung paano sila kukunin. Malamang iiwan na iyon ni Josh sa kuta nila. Kaya kailangan may kumuha sa kanila doon," sagot ni Doc Gio.
"Hatiin natin ang grupo. Ang iba sasama sa mga camper na naandito. Ang iba, babyahe na papunta don sa kuta nila Josh," suhestyon ni Xander.
"Sasama ko sa pagkuha sa mga camper sa kuta nila Josh, nanggaling na ko doon no'ng kasama ko si Mario," sagot ni Harvey.
"Mabuti pa ako, si Harvey, at si Jasmin ang pupunta don, samantala sina Elio at Magi ang bahala sa mga camper na naandito," sambit ni Xander kung saan wala namang tumutol.
"Buti na lang talaga andito kayo! Wala na kasi ang iba, nauna nang nagsilikas papunta sa walled city. Kaya ako naman bahala kina Rio at Mario," wika ni Doc.
"Kailan ba natin ito gagawin?" tanong ko.
"Mamaya pagkalubog ng araw, aabisuhan ko kayo. Dalhin nyo ang mga 'to para makausap natin ang isa't isa."
Isa-isa kaming binigyan ni Doc ng satellite phone at nang may nagsalita sa kanyang satellite phone agad syang nagpaalam at umalis.
"Malapit na. Malapit nang maging normal ang mga buhay natin!" wika ni Xander.
"Sana nga maging maayos ang lahat!" wika ko.
"Sa dami nang pinagdaanan natin ngayon pa ba tayo matatakot? Basta kita-kita na lang tayo sa walled city," sambit ni Harvey.
"Teka pa'no kayo pupunta don? Sino kasama nyo?" tanong ko.
"Si Dr. Kelly, sya ang sasama sa inyo!" sabat ni Doc Gio na nasa likod pa pala namin.
"Nakalimutan kong sabihin na kunin nyo ang mga susuotin nyo sa katapat na kwarto nito," wika ni Doc at sabay-sabay na kaming lumabas.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.