Rio's Point of View
Hinanap ko ang pinanggalingan ng putok ng baril, nakita ko ang mga parating na sundalo. Paglingon ko, nakita ko naman si Claire na duguan at hawak na ni Josh.
"Tigil! Tumigil kayo!" sigaw ko habang papalapit sa kinaroroonan ni Claire nang maramdaman ko na lamang na may humila sa kamay ko. Si Mario, pilit akong sinasabihan na umalis na kami.
"Hindi ako aalis nang hindi kasama si Claire!" wika ko.
"Ang mga sundalo na ang bahala kina Claire. Kailangan na nating umalis baka maipit pa tayo sa putukan. Ayaw kong pati ikaw mapahamak," sagot ni Mario.
Inilibot ko ang aking mata at nakita ko sila Dr. Hidalgo na pasakay na ng sasakyan. Samantala dumating na rin sila Des para sunduin si Josh na pinipilit din nilang umalis na. Ngayon ko lang nakitang umiiyak si Josh. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ang bata pa ni Claire, hindi dapat sya humantong sa ganito. Kung una pa lamang sana sumuko na ko at nagparaya, hindi na sana sya mababaril. Ilang pa bang buhay ang ituturing na collateral damage an tuluyan nang hindi makikita ang bukas.
Napapalibutan na kami ng mga sundalong papalapit kina Josh. Bigla ko naman naramdaman ang mahigpit na yakap ni Mario. Hinawakan nya ang mukha ko at nagsalita,
"Hindi lahat kailangan at hindi lahat kakayaning mong iligtas. Hindi mo hawak ang buhay ng bawat isa sa amin. Hindi mo kasalanan kung may mangyari mang hindi inaasahan. Pero alam mo kung saan ako sigurado?"
Tumigil sya at pinunasan ang luha sa aking mga mata tapos muling nagsalita, "Napakalaki ng puso mo at ang pagmamahal na nagmumula dyan sa puso mo ang syang kailangan ng mundo. Pero hindi porke kailangan ka ng mundo ay ikaw na ang mag-isang kikilos. Masakit ang makitang wala kang magawa pero hindi dahil wala kang magawa ay wala ka nang kwenta. Hindi dahil wala kang magawa ngayon, eh kakalimutan mo na ang mga nagawa mong maganda noon. Minsan may mga sandaling mahina tayo pero hindi ibig sabihin nito na habambuhay na tayong mahina. Siguro kailangan lang natin maalala na tao tayo at may mas higit na makapangyarihan kaysa sa atin."
Pagkatapos magsalita ni Mario, niyakap nya muli ako at saka niyaya akong maglakad pasakay sa sasakyan. Lumingon ako kung saan naroon sila Claire pero natatakpan na ng mga sundalo kaya hindi ko na matanaw. Dumiretso na kami sa sasakyan at tuluyan nang umalis.
Nakatulog ako sa byahe at ginising na lamang ako ni Mario nang huminto ang sasakyan at may bus ding nakahinto. Binuksan ni Mario ang pinto ng sasakyan at lumabas. Maya-maya nakarinig ako ng pamilyar na boses, si Magi.
"Sis, sis!" tawag ni Magi.
Bumaba ako ng sasakyan at sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Magi.
"Sis, akala ko hindi na tayo magkikita. Sis, grabe ang takot ko kanina. Sorry kung iniwan namin kayo!" wika ni Magi.
"Tama lang ang ginawa nyo. Mabuti ang ginawa nyo para hindi na kayo mapahamak," wika ko.
"Kayo naman ang napahamak, sorry talaga sis!" pagpapaumanhin muli ni Magi.
"Magi, mas gugustuhin kong mabuhay kayo. Tandaan nyo iyan!" sagot ko.
"Pramis sis, sa susunod hindi na kaming mang-iiwan!" wika ni Magi.
Sa sasakyan na sinasakyan namin pinasama sila Magi at Elio, at iba na ang nagmamaneho ng bus na sakay ang mga Camper.
Masaya akong makitang ligtas sila Magi at Elio, bigla ko namang naalala sila Xander, Harvey, at Jasmin. Kumusta kaya ang lagay nila.
"Mario, saan galing ang mga sundalong tumulong kanina?" tanong ko.
"Sabi ni Kuya Gio, pinadala daw ng OWS dahil nalaman ni Sec. Alfred ang sitwasyon natin," sagot nya.
Kung ganoon, posibleng may tumulong din kina Xander.
"Sila Xander, may balita na sa kanila?" tanong ko uli.
"Nang nakausap ko kanina si Kuya, wala pa naman syang nabanggit. Ang alam ko lang papunta na rin sa walled city ang mga camper na na-rescue sa kuta nila Chief Theo," paliwanag nya.
Napanatag naman ako nang malaman na papunta na rin sa walled city ang ibang camper, ibig sabihin ligtas din sila Xander. Gusto ko na uli silang makasama. Kung may natutuhan man ako sa mga nangyari ay ang lalong mahalin ang mga kaibigan na handang magsakripisyo para sa kaligtasan ng bawat isa. Gusto ko silang pasayahin at iparamdam ang pagmamahal. Gusto kong maranasan naman namin ang isang gabi na walang iniisip na problema. Deserve namin ang pahinga.
"Ano na naman ang iniisip mo?" tanong ni Mario.
"Wala, nasasabik lang ako sa muling pagsasama nating magkakaibigan!" sagot ko.
"Hindi magtatagal. Mangyayari din iyan. Sa ngayon magpahinga na lang muna uli!"
Inihiga ni Mario ang aking ulo sa kanyang hita at ipinikit ko naman ang aking mga mata. Narinig ko na lamang na kumakanta na si Mario.
"Fill my heart with song
Let me sing for ever more
You are all I long for
All I worship and adore
In other words: please, be true
In other words, in other words: I love you"
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Ciencia FicciónMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.