Chapter 37

152 10 0
                                    

RIO's Point Of View

Tahimik lamang na nakatingin sa bintana si Isabela, tila nakikiramdam ganoon din ang iba kong kasama.

"Ms. Isabela, kumusta kayo?" tanong ko at agad naman syang lumingon.

"Rio, di ba?" tanong nya at tumango ako. "Eto kinakabahan, baka kasi sundan tayo ni Reagan kapag nalaman nya," wika nya.

"Tingin nyo ba hahabulin pa kayo ni Reagan dito?" tanong ko.

"Si Reagan ang klase ng tao na kapag kanya, kanya. Pagmamay-ari ka nya hanggat sya na mismo ang magtaboy o pumatay sa'yo," pahayag ni Isabela.

"Ganoon talaga sya ka-possessive?" singit ni Magi.

"Nangyari na ba 'to dati?" tanong ko ulit.

"Oo, minsan sinubukan ko nang tumakas pero nahuli nya ko. Sinabi nyang kamatayan lamang daw ang magpapalaya sa amin sa kanya," salaysay ni Isabela.

"I can't imagine that he has the capacity to act like that. I thought he is kind, that he's just strict and protective," wika ni Elio.

"Baka nasa loob ang kulo," wika ni Magi.

"Siguro papaliwanagan naman sya ni Claire at kapag nakarating na tayo sa research facility hindi rin naman tayo magtatagal at pupunta na rin sa ibang lugar," wika ko.

"Where?" tanong ni Jasmin.

"Sa walled city. Nabanggit iyon ni Doc Gio, mas makakapamuhay tayo doon nang normal," sagot ko.

"Sana nga. Mukhang imposible na kasing maging normal pa ang buhay lalo na ang paligid mo ang gulo," ani ni Magi.

“Sana nga maayos pa ang mundo. Mula nang kumalat ang virus hindi lang nanormalisa ang panggagahasa, tila naging normal na rin na ituring ang tao na parang pamatid uhaw. Wala nang pinagkaiba ang tao sa hayop,” pahayag ni Isabela.

“Tiwala lang,” sambit ko na nalungkot sa sinabi ni Isabela.

"Remember we have the power to change our present situation and to decide what we want in our future," ani naman ni Elio.

"I agree," sambit ni Jasmin.

"Tama. Kaya nga tayo naandito kasi may kakaiba tayong galing. Tayo ang mag-aayos ng mundo, tayo ang magpapatuloy sa lahi ng mga tao," pahayag ko.

"Nakakatuwa naman kayong kasama. Punong-puno ng pag-asa. Napakapalad namin na nandyan ang mga tulad nyong mga kabataan!" wika ni Isabela.

Tuloy-tuloy lamang ang kwentuhan at tumigil na ang jeep. Pagsilip namin ay nakita namin ang gusali sa di kalayuan. Sa harap nito ay nakaabang ang mga virgin hunter, ang grupo nila Josh. Nakaparada din ang bus. Hinintay muna namin na tuluyang magdilim at saka nagdesisyong bumaba. Umiba kami ng daan. Nasa taas ng burol ang research facility na napapalibutan nang nagtataasang pader, sa dalisdis ng burol namin napiling dumaan at maghahanap na lamang ng lagusan sa likod.

Maingat naming binabagtas ang makipot na daan dahil baka tuluyan kaming dumausdos paibaba at lumikha pa ng ingay. Habang nasa gilid ng dalisdis hindi kami makikita ng mga virgin hunter. Pero sa oras na makita kami ng mga ito tiyak wala kaming matatakbuhan.

Napatigil kami sa narinig naming helicopter, sinundan ito ng putok ng mga baril. Sino kaya ang nakasakay doon? Sigurado akong grupo nila Josh ang namaril. Nagpaikot-ikot ang helicopter buti na lang hindi mababa ang lipad nito kaya hindi ganoon kahangin at tiyak na hindi rin ito naabot ng mga bala.

Nakatawid na sila Harvey at Xander sa likuran ng research facility, isa-isa nila kaming inabot at inalalayan. Nagpahinga muna ang ilan sa amin pero sila Xander ay naghanap ng pinto o bintana pero bumalik dahil bigo silang makahanap ng papasukan.

Habang nag-iisip ng gagawin, narinig namin na bumabalik ang helicopter. Biglang tumayo si Xander at kumuha ng bato. Nagsulat ito sa lupa: malaking G I O. Nagsitayuan na rin ang lahat at kinakawayan ang helicopter, nagbabakasakaling mapansin.

"Isabela!"

Sigaw ng isang lalaki, paglingon namin ay si Reagan. Hinarap ko si Reagan at nagpaliwanag pero hindi pa ko nagsasalita ay sinampal na ko nito.

"Wala kang utang na loob. Nagawa mo pa kong lokohin sa kabila ng tulong na aking ipinagkaloob," wika ni Reagan.

"Walang kasalanan ang mga bata. Sarili kong desisyon ito. Nadamay lamang sila," wika ni Isabela.

"Kinonsinte ka nila. Pwede ka nilang ibalik pero nagpatuloy pa rin sila," katwiran ni Reagan.

Samantala, tila napansin na ng helicopter sila Xander kaya tumigil na ito. May inilaglag na hagdan at nakita naming bumababa si Doc Gio.

"Rio, anong nangyayari dito?" tanong ni Doc Gio.

"May kailangan lang kaming ayusin, paunahin mo na sila sa pagsakay susunod na lang ako," wika ko.

Nilapitan ni Doc Gio ang iba kong kasama at isa-isang pinaakyat sa lubid na hagdan para makasakay sa helicopter. Binalikan ko naman sila Isabela at Reagan.

"Reagan, ayaw na ni Isabela sa lugar nyo. Wag mo ipagkait sa kanya ang kalayaan!" wika ko.

"Pare-pareho kayong walang utang na loob. Mga makasarili. Sa ayaw nya o sa hindi, dadalhin ko sya pabalik sa Barangay namin," wika ni Reagan.

Tumalikod si Isabela at lumapit sa hagdan at nakipag-unahang umakyat. Bigla akong hinatak ni Reagan at tinutukan ng baril.

"Kung hindi ka sasama pabalik, sya ang ipapalit ko sa iyo," banta ni Reagan.

Napatigil si Isabela, "Wag mong idamay ang bata."

"Lahat sila madadamay kung magmamatigas ka!" sigaw ni Reagan.

"Baka pwedeng madaan pa natin ito sa usapan," wika ni Doc Gio.

"Wag kayong mangialam. Kung gusto nyong pakawalan ko si Rio, ibigay nyo sa akin ang babaeng yan!" wika ni Reagan.

Bumaba si Isabela at lumapit sa amin ni Reagan.

"Pakawalan mo na sya, andito na ko!" wika ni Isabela. Pinakawalan na ko ni Reagan at tumakbo ako papunta kina Doc Gio nang biglang may nagsalita.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo dito ha! Pwede bang sumali?"

Nilingon namin ang pinanggalingan ng boses, si Josh.

"Ikaw na naman? Kailan ka ba titigil?" pahayag ni Xander. Si Xander na lamang at ako ang hindi pa nakakaakyat. Kasama rin namin sa baba si Doc Gio.

Nakarinig kami ng dalawang putok ng baril. Tinamaan sa balikat si Isabela samantala sa dibdib naman si Reagan. Lumapit pa si Josh.

"Oops sorry. Ako lang dapat dito ang magpapaputok. Kaya ihagis mo ang baril mo," wika ni Josh kay Isabela.

"Isabela, wag mo nang ituloy ang iniisip mong gawin!" sigaw ko.

"Hindi ko hihintayin na ako pa ang mapatay nya," sagot ni Isabela na napahawak rin sa kanyang balikat na nadaplisan ng bala mula sa baril ni Josh.

Samantala, si Reagan naman ay nakahawak sa kanyang dibdib na timaan ng pagbaril ni Isabela. Tumingin sya kay Josh at tinawag ito.

"Bata, anong pangalan mo? Sino ang nanay mo?" tanong ni Reagan.

"Ano namang pakialam mo?" sagot ni Josh. Tinitigan ko si Josh at si Reagan. Naalala ko ang apelyido nilang dalawa, dela fuente. Pareho silang dela fuente. Hindi kaya, mag-ama sila?

"May kilala ka bang Jeneva?" tanong ni Reagan.

Nagulat naman si Josh sa kanyang narinig.

"Bakit kilala mo ang nanay ko? Naging lalaki ka ba nya? May last wish ka ba? Sabihin mo lang at ipaparating ko sa kanya," pahayag ni Josh.

"Anak. Hawig na hawig mo nga si Jeneva. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon sa ganitong sitwasyon pa kita makikilala," wika ni Reagan.

"Anong anak? Sino ka ba? Bakit mo kilala ang nanay ko?" tanong ni Josh.

"Ako to, ang ama mo. Patawad kung iniwan ko kayo ng nanay mo. Gusto ko lang kasi ng tahimik na buhay kaya ako na ang lumayo kasama ang kapatid mo," wika ni Reagan sabay umubo ng dugo.

"Anak, hindi na ko magtatagal. Alagaan mo ang kapatid mo," wika ni Reagan.

Samantala, pinaakyat na kami ni Doc Gio habang hindi nakatingin sila Josh. Naluluha ako sa nasasaksihan ko. Kung kailan mamamatay na si Reagan tsaka pa nya nakilala si Josh, ang anak nya. Nasasaktan din ako para kay Josh, di man lang sila binigyan ng pagkakataon na makabawi sa isa't isa. Habang papaakyat, naririnig ko ang galit na galit na pagsigaw ni Josh. Nakita ko si Isabela na humahabol sa pag-akyat pero bago pa ako makasampa sa helicopter, sunod-sunod ang pagputok ng baril. Mula sa itaas, tanaw na tanaw ko ang duguang katawan ni Isabela. Umandar na ang helicopter at naiwan si Josh na umiiyak. Nilagpasan na ng helicopter ang mataas na pader at tuluyan na kaming nakapasok sa research facility.

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon