RIO's Point Of View
Malapit nang sumikat ang araw, buong gabi kaming naglalakad. Nakaidlip para magpahinga pero hindi pa talaga nagkakaroon ng maayos na tulog. Akala namin malapit na ang research facility pero malayo pa pala. Parang lalo pa nga kaming napalayo. Dapat pala bumalik kami sa daan at iyon na lang ang aming sinundan. Nagugutom at nauuhaw na kami. Puro puno ni wala man lang bungang maaari naming makain.
"Guys, I can hear a flowing water," wika ni Elio.
"Oo nga. Baka may ilog malapit dito. Gusto ko ring maligo!" ani ni Magi.
"Tara, mukhang dito banda. Sana may mga isda," wika ni Xander.
"I'm starving," wika ni Jasmin.
May candy ako sa bulsa, inalok ko kay Jasmin. Nong una tumanggi pa sya pero hindi ko tinigilan kaya kinuha na rin nya. Peace offering na rin iyon, ayaw ko kasing may nakakaalitan o nakakasamaan ng loob.
Naglakad pa kami at natunton nga namin ang ilog na nagmumula sa talon. Sabik na sabik kaming lahat kaya wala nang hubad-hubad at nagtalunan na. Hindi malamig ang tubig, sa katunayan mainit-init ito. Dahil madilim pa, hinubad na namin ang aming mga suot at kinusot-kusot ito tsaka iniwan sa batuhan para matuyo. Tanging panloob lang ang suot namin. Magpapatuyo na lamang din kami mamaya habang suot ito.
"May nararamdaman ba kayong mga isdang lumalangoy?" tanong ni Harvey.
"Mukhang wala. Ganito ba ang tubig na gusto ng mga isda? Masyadong mainit," sagot ni Xander.
Walang gustong umahon dahil mas nararamdaman ang lamig sa tuwing umaalis sa tubig maliban kina Xander na naghanap daw ng dahon. Lumangoy naman kaming mga naiwan patungo sa talon. Lumalalim ang tubig kaya di na kami tumuloy kasi hindi kami ganoon kabihasang lumangoy. Pagbalik namin ay may bitbit nang malalaking dahon ng saging sila Xander.
"Nice. Did you get some fruits?" tanong ni Elio.
"Wala puro dahon lang. Nakapagtataka nga eh, ang daming punong saging doon pero wala na ang mga bunga," sagot ni Xander.
"Baka naman kinain nyo na?" biro ni Magi.
"Wala ah. Hindi naman kami selfish," sagot ni Harvey.
"Hindi kaya..." wika ni Magi. Nagtinginan sila nila Harvey at Xander at nagsabay-sabay magsalita, "may mga taong pumitas?"
"Is that good news or not?" tanong ni Jasmin.
"Paano kung mga virgin hunter?" tanong ni Magi.
Hindi ako nakikisali sa kanila. Tuliro pa rin kasi ang utak ko. Pero nang mapatingin ako sa nilapagan ng mga damit namin may nakita akong tao.
"May tao, may tao," wika ko.
"Saan?" tanong ni Xander.
"Doon. Kinuha iyong mga damit natin," sagot ko.
"Ha? Totoo ba yan? Baka namamalikmata ka lang, Sis?" tanong ni Magi.
"Mabuti pa, puntahan natin," sagot ko.
"Wait, what if Rio is right? We left our guns there. So if its true, they already had our guns," ani ni Jasmin.
"Tama. Baka mapahamak pa tayo," wika ni Harvey.
"So what's the plan? I don't want to roam around only with this leaves," wika ni Elio.
"Kaya nga, ano tayo? Eba at Adan?" wika ni Magi sabay tawa.
"Kaya mas kailangan natin pumunta doon, hindi naman nila tayo papatayin," wika ko.
"They're just going to rape us," bulong ni Jasmin.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.