RIO's Point of View
Nagpaalam muna ko kina Elio para lumabas at makapag-isa. Sa paglalakad ko nadaanan kong muli ang kwarto na puro monitor at nakita ko sila Coach Akie kasama ang mga walang malay na Camper. Kailangan kong isawalang-bahala muna ang emosyon ko dahil mas kailangan ako ng mga kaibigan ko. Kung kayang gawin nila Coach Akie at nila Dr. Lorenzo sa mga Camper, kaya rin nila gawin ito sa amin nang hindi namin nalalaman. Sa ngayon, ang sarili ko lang at ang mga kaibigan ko ang mapagkakatiwalaan ko. Oo, niligtas kami ni Coach Akie pero hindi ibig sabihin noon na para sa amin ang ginawa nya. Maaaring ginawa nya iyon para sa Camp, para sa plano nila.
Bumalik ako sa kwarto para ilahad kina Magi ang nakita ko at ang balak kong pigilan sila Coach. Sumama sa akin sina Magi at Elio habang naiwan naman sina Jasmin at Xander na binabantayan si Riah dahil nilalagnat. Sa pagdating sa testing area, naabutan namin si Coach na inaayos na ang paglipat ng mga Camper na walang malay.
"Coach, anong nangyayari? Nakita ko sa monitor na tinurukan ang mga Camper tapos nawalan ng malay. Anong pinaplano nyo?" tanong ko.
"Rio, di ba sinabi ko na sa'yo na ipagpapatuloy natin ang program. Apat na araw pa lang kayo sa Camp. Papatulugin ang mga Campers bago isailalim sa pagbubura ng alaala. Pinapatawag na si Dr. Carol sa Walled City, magpapadala na rin ng back up sina Sec. Alfred."
Nabigla ako sa sinabi ni Coach dahil hindi naman nya nasabi na buburahin ang alaala ng mga Camper.
"Parang mali naman atang burahin ang alaala nila. Pinagkakait natin sa kanila ang katotohanan," sagot ko.
"Ito ang mas makakabuti. Ang katotohanan ang magpapahamak sa kanila," katwiran ni Coach.
"Magpapahamak sa kanila? O sa inyo? Sorry sa pagsabat pero kung nagagawa nyo nga sa kanila yan paano pa kaya sa amin? Hindi malabong gawin nyo rin sa amin 'yan tapos kokontrolin nyo na naman kami," pahayag ni Magi.
"Naisip na namin na hindi kayo isama sa aalisan ng alaala lalo na't nais namin kayong maging kaisa sa ikatatagumpay ng programang ito," sagot ni Coach.
"But Magi is right. We are being unfair to them. Why don't we just explain what happened and let them participate in the decision making," wika ni Elio.
"Hindi nyo naiintindihan, mas mahirap kapag marami ang nakakaalam dahil hindi madaling makontrol ang isip nila. Sabihin na nating maaaring mawalan sila ng tiwala sa programang ito at sa mga namumuno at ito'y magtutulak lamang sa kanila sa kapahamakan. Mas ligtas kayo dito sa Camp," paliwanag ni Coach.
"Paano kung bigla na namang sumugod ang mga Virgin Hunter? Paano kung maghiganti sila? Siguro dapat lang na ipaalam sa mga Camper na may balak sumira sa kapayapaan dito sa Camp. Na may mga banta ng panganib mula sa labas nang sa gayon mas maging ligtas tayo," sagot ko.
"Kaya nga di ba isasailalim namin kayo sa mga pagsasanay nang sa gayon makayanan nyong ipagtanggol ang inyong sarili," katwiran naman ni Coach na nananatili pa ring kalmado.
"Nasaan ba si Dr. Lorenzo? At ano ba talaga ang paliwanaga lahat ng nangyayari? Hangga't hindi malinaw, hindi ako matatahimik," tanong ko.
"Sino si Dr. Lorenzo?" tanong ni Magi.
"Si Dr. Gio Lorenzo Guevarra," sagot ni Coach na magsasalita pa sana kaso nahinto sya dahil may bigla ring nagsalita.
"Walang ideya si Coach sa nangyari sa Sunflower Maze, miski ako hindi ko rin alam na may plano palang manggulo ang mga Virgin Hunter at dakpin kayo. Ang labanan sa Sunflower Maze sana ang magdidikta kung sino ang unang isasailalim sa trial ni Dr. Hidalgo kung saan kukuhanan nang genital cells ang bawat Camper at isasailalim sa pag-aaral. Gaya ng in vitro fertlization. Titingnan kung may mabubuo sa pagitan ng infected na itlog at non-infected na itlog. Nais naming malaman kung mayroon ding bang epekto ang itlog mula sa may karanasan na sa pakikipagtalik at itlog na wala pa. Kaso nag-iba ang purpose nang mag-demand ang mga virgin hunter na makuha ang mga maha-harvest na itlog mula sa inyo. Dahil hindi pumayag ang camp, sumugid sila at dinakip kayo," paliwanag ni Dr. Lorenzo.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.