Chapter 1: ALICE'S POV

3K 31 2
                                    

Kring!!!!!!!!,tunog ng alarm clock na nasa tabi ko.

Tuwing alas sais kasi ng umaga kailangan kong gumising para mag tinda ng isda sa palengke.

Pero bago ako magtinda ng isda mag papakilala muna ako.

Ako si Alice Wacharapon kalahating isda at kalahating tao...haha charrot lang..
Isa akong half Thailand at Filipino. Bata palang ako namatay na ang papa ko sa Iraq dahil sa labanan. Isa kasi siyang sundalo. Pero bago kami umuwi dito sa Pilipinas tumira muna kami ni mama sa Thailand. Nang maka uwi kami dito sa manila nakilala ni mama ang bago niyang asawa. Nagkaroon ng dalawang lalaking anak si mama. Sina Jobert at Albert na purong tagalog, kaya sa aming magkakapatid ako ang unique. Lahat ng ipon ni mama noon nagastos na namin dahil si mama nag karoon ng malubhang sakit, ginamit namin yun na pampagamot kaya heto kami nakatira nalang sa isang skwater area.

Oh yan!kilala niyo na ako.

"Alice!!!nasan kana?tanghali na!!!", sigaw ni mama sa akin.

"Heto na po!!lalabas na!"

"Bilisan mo!"

"Oo na!!eto na nga oh..lalabas na ako Ma."

"20  Years old kana, pero pag kumilos ka para kang pagong, kailan kaba mag babago huh!!",  sabay kurot ni mama sa tagiliran ko.

"Aray!!!, Ma naman eh..masakit po!"

Ganyan si mama, araw araw akong nakakatikim ng kurot mula sa kanya. Pero sanay na ako, talagang ganyan siya, dahil wala siyang pera.

"Ate isda kayo jan!!", paulit ulit kong panghihikayat sa mga dumadaan.

"Magkano toh?", tanong ng isang mamang nakasuot ng magarang damit.

"100 nalang kuya, kunin mo na kuya last na toh..."

" Cge kunin ko na yan lahat."

"Salamat po!"

Sa wakas na ubos narin ang tinda ko. Makakauwi na ako sa bahay.

(Habang naglalakad huminto sa tapat ng isang malaki at kilalang Mall sa buong bansa. Ang MALL OF ASIA.)

" Napakalaki naman ng Mall na to, siguro sobyang yaman ng may ari neto".

(Pinagmamasdan ang buong mall habang nakatayo sa isang lugar na kung saan tanaw ang laki ng Mall)

Brrt!!Brrt!!

"Nasan kana?kala ko ba pauwi kana? Kanina pa kami nag hihintay sayo dito!" Sigaw ni mama sa Cp.

"Opo, pauwi na, saglit lang po".

Humakbang ako patalikod upang umalis sa kinatatayuan ko ng biglang.........

Blogggg!!!!

Wala na akong ibang ginawa kundi ang pumikit nalang habang ramdam ko ang sakit.

"Alice!!!anak!!!"

"Dok, kamusta po ang anak ko?"

"Sa ngayon po maayos na po ang lagay niya, magpasalamat po tayo dahil bumagsak lang siya."

"Salamat po Dok"

(Pumasok si Lisa, ang ina ni Alice)

"Ma?",

"Anak, kamusta pakiramdam mo?", tanong sa akin ni mama.

"Ok lang naman ako Ma?", sagot ko naman kay mama habang bumabangon ako

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon