CHAPTER 30: ALICE'S POV

487 10 0
                                    

Pagkalabas ni Prin sa kwarto lumabas na din ako ngunit ako nagtungo sa bahay nila Anne at iniwan si Prin sa bahay nila.

Nakita kong bukas ang bahay niya kayat mas minabuti kong pumasok nalang. Hindi naman ako nagkamali dahil nandoon siya sa loob.

"Anne.",agad akong naglakad patungo sa kanya at niyakap siya. Tumugon naman siya sa mga yakap ko.

"Alice, anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba si Prin?",bungad nitong tanong sa akin. Nalungkot naman ako nang muli niyang banggitin ang pangalan ni Prin.

"Anne, ikakasal na ako kay Prin sa susunod na linggo. Ayaw kong mag pakasal sa kanya Anne! Tulungan mo ako.",wuka ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa muka nito.

"Paanong ikakasal?? Bakit?? Anong bang nangyari?",sabay sabay niting taning. Siguro ito na ang tamang oras pala malaman ni Anne ang lahat lahat.

"Anne, may dapat kang malaman. May kailangan akong sabihin sayo. Pero sana walang mababago sa ating dalawa pag nalaman mo na ito.",umupo kami sa maliit na sofa niya. Pagkatapos hinawakan ko ang dalawang kamay nito bago ilahad sa kanya ang katotohanan.

"Anne, alam mo kung bakit biglang naglaho si papa?? Naglaho siya at nagtago dahil nakapatay siya. At ang masakit, hindi ko naman alam na mama ni Prin ang napatay niya dalawang buwan na ang nakaraan. At hanggang ngayon na guguilty ako dahil walang alam si Prin na si papa ang nakapatay. At hanggang ngayon alam kong masakit parin ito sa kanya dahil namatay ang mama niya ng wala siyang kaalam alam Anne.", mahaba kong paliwanag sa kanya. Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata nito at pagkagulat.

"Alice, bakit mo sinasabi sa akin to?",wika naman nito pagkatapos tinggal nito ang mga kamay niya sa pagkakahawak ko. Napansin ko din tumulo ang mga luha nito matapos ang mga sinabi ko.

"Kasi Anne kaibigan kita at alam kong matutulungan mo ako.",pagkatapos muli kong kinuha ang mga kamay nito at muling nagsalita.

"At ngayon hindi niya mapatawad ang Daddy niya dahil sa pagtatago sa nangyari sa Mommy niya. Hindi sila nag uusap at palagi silang nag aaway. Anne masakit para sa akin na mag away ang mag ama ng dahil lang sa aksidenteng nagawa ni Papa.",nakatingin lang sa akin si Anne habang patuloy akong nagsasalaysay.

"Aksidante?? Alice kung aksidente hindi niya dapat takbuhan yung ginawa niya kung hindi niya sinadya! Kailangan harapin yun Alice!",sumbat sa akin ni Anne. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay nito.

"Ganyan din sinabi ko sa kanya Anne nung araw na nangyari mismo ang aksidente. Pero hindi nila ako pinaki ggan. Gustong gusto kong sabihin ang lahat sa mga pulis. Gustong kong isumplong si papa. Pero alam mo ba ang sinabi sa akin ni mama nung araw na nagtangka kong sabihin ang lahat?? Itatakwil niya ako at kakalimutan niya bilang anak! At natakog ako doon Anne, dahil si mama nalang ang meron sa akin at ayaw kong mawala ito. Kayat kahit mabigat para sa akin, tiniis ko.!",muling tumulo ang luha ko pagkatapos kong sabihin iyon kay Anne. Parang bumalik ang lahat ng sakit nuon, sa mga pagpapahirap sa akin ni mama. Dahil mula nung bata ako hindi ko ulit naranasan ang pagmamahal na binibigay niya sa akin nung nasa Thailand palang kami. Pinili kong sumama kay mama at iniwan sina lola at lolo doon.

"Anong plano mo ngayon?? Diba sinabi mong magpapakasal kayo sa susunod na linggo?",mulung tanong ni Anne nganit sa pagkakataong ito alam kong hindi na siya galit.

"Pumapayag akong pakasalan siya dahil alam kong isa ito sa mga gusto niya. Ang makuha ang companya at mana niya. Nang sa gayon kahit paano matulungan ko siya para makalimutan ang lahat.",tugon ko sa kanya. Muli akong umupo sa tabi niya.

"Tingin mo ba Alice makakalimutan niya iyon. Alam mong mama's boy kaya malayong makalimutan niya. Hindi mo ba naisip na kapag nalaman niya ang totoo maaring ikaw ang maipit dito. Ikaw ang pagbubuntungan nito pag nagkataong nalaman niya papa mo ang pumatay. Kaya kung ako sayo, umatras kana. Huwag mo na siyang pakasalan.",hindi ko alam kung bakit sinabi ni Anne na umatras ako at huwag siyang pakasalan dahil maiipit ako dito pag nagkataong lumabas ang katotohanan.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon