CHAPTER 14: ALICE'S POV

587 6 0
                                    

Nang makalabas ako sa silid ni Prin agad akong lumabas sa bahay. Nagtungo ako sa pool area nila. Habang naglalakad ako...

"Ayyyy!!!"

Nahulog ako sa pool nila. May naapakan akong isang tiles pagkatapos biglang nagbukas at nahulog ako.

"Tulong!! Tulong!!", sigaw ko nang sa gayon may makarinig sa akin. Ang totoo hindi ako marunong lumangoy. Kayat heto ako nanhihingalo. Pero salamat sa diyos at dumating si Mang Ben tinulungan niya akong maiahon sa pool.

"Anong ginagawa mo? Paano ka nahulog dito sa pool?",tanong ni Mang Ben sa akin habang nilalagay niya ang tuwalya.

"Ewan ko po. Bigla nalang nagbukas yung tiles tas nahulog ako.",tugon ko naman kay Mang Ben.

"Dimo ba alam, may hidden slide dun. Kaya nilagyan ng signage. Dimo na nabasa?",tanong ni Mang Ben sa akin. Pagkatapos tumayo ito para sabihin kay Prin ang nanyari. Nanatili naman aking naka upo at hawak hawak ang tuwalya. Malamig ang tubig kayat diko maiwasang lamigin.

Maya maya dumating na si Prin. Hindi pa siya nag sasalita ngunit kita ko na ang galit sa muka niya.

"Mang Ben, maari mo na kaming iwan.",tugon nito kay mang Ben at agad naman itong umalis.

"Diba sabi ko naman sayo wag mong idala dito sa bahay ang pagiging ignorante mo! Tatanga tanga ka naman!",sigaw nito sa akin kanya.

"Malay ko ba na may hidden slide pala ang pool nyo! Kaya ako nahulog.",sagot ko naman sa kanya.

"Next time kasi, magbasa ka naman. Dimo ba nabasa yung nakalagay dun! Ang sabi dun sliding area!",sumbat naman nito sa akin sabay tulak ng hintuturong daliri niya sa noo ko.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong ugali ni Prin, isang ang alam ko, isa siyang taong may maitim na budhi.

Pagkatapos ng ginawa ni Prin sa akin, umalis ako agad. Basang basa ako. Gusto ko man magbihis, pero wala naman akong pagbibihisan. Nagpunta ako sa lugaw kung saan medyo malakas ang tama ng init. Nagpunta ako sa garden, para magpatuyo ng damit ko. Maalinsangan ang nararamdaman ko sa katawan ko. Halos isang oras din akong umupo ang nagtambay sa garden nila. Umupo ako sa upuan na gawa sa mga ugat ng kahoy. Hanggang sa natuyo ang damit ko. Bigla kong naalala si mama.

"Ok na kaya ang lagay ni mama?"

"Gusting husto ko nang bumalik kay mama, miss ba miss kona siya"

"Ganto pala ang pakiramdam kung malalayo ka sa taong mahal mo.", sabay tulo ng mga luha ko. Pilit kong pinapawi ang sakit na nadarama ko. Hanggang sa diko namamalayan ang oras. Alas 6 na pala, kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay nila. Pagpasok ko sa bahay nila.

"Yes? Sino ka? Anong kailangan mo?",tanong ng isang lalaki na medyo may katandaan.

"Ahhmm"

"Siya si Alice Dad, my Girlfriend.",sabat ni Prin.

Tatay niya pala ang kaharap ko. Ibig sabihin siya si Dimark Sy.

"Hellow po. Nice to meet you po.",pautal utal kong pagbati sa papa ni Prin. Lumapit naman sa akin si Prin at umakbay sa likod ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, na iilang ako na naaalibadbaran sa kanya.

"Ohh! Nice to meet you too, Iha.",tugon naman ng papa ni Prin. Ngumiti lang ako sa kanila. Diko kasi alam ang isasagot ko. Diko rin alam kung paano ko ilulugar ang sarili ko sa mag ama.

"By the way Dad. Akyat na kami sa taas.",tugin ni Prin pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko. Bigla naman akong nanlamig nang makapasok kami sa kwarto niya.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon