CHAPTER 19: ALICE'S POV

580 9 0
                                    

Alam kong mapupunta na naman sa away ang pagsasagutan naming dalawa kaya pinili kong lumabas at maglakad lakad sa labas para makalanghap ng hangin.
Palabas na ako sa bahay ng bigla kong masalubong si Prin

"Hep, saan ka pupunta?",tanong nito sa akin pero dahil nag sagutan kami kanina hindi ko siya pinansin at muli akong naglakad.

"Do you have manners? I asking you! So you must answer me!",sigaw nito sa akin. Muli naman akong humarap sa kanya.

"Pupunta ako sa labas, maglalakad ako dahil naboboring ako dito sa bahay mo! Pupuntahan ko si Dhenze.!",sumbat ko naman sa kanya. Napansin kong nanlaki ang mga mata niya ng banggitin ko ang pangalan ni Dhenze.

"No! Stay here!"

"Bakit? Nagpaalam ako sayo kaya walang masama dun.",tugon ko sa kanya pagkatapos muli akong tumalikod ng bigla niya akong hilain papasok sa loob ng bahay.

"Teka, ano ba? Ano na naman ba gagawin mo Prin!",sigaw ko sa kanya habang sinusubukan kong makawala mula sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kamay ko.

"Mag uusap tayo!",sumbat nito sa akin pagkatapos tinulak niya ako at sakto naman akong napaupo sa sofa.

"Huwag kang lalapit sa lalaking yun! Binabalaan kita lumayo ka sa kanya!",sigaw nito sa akin, hindi ko tuloy napigilan ang mga luha na kumawala sa mga mata ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw nito sa akin.

"Ano ba? Lahat nalang bawal! Alam mo minsan iniisip ko kung kaya ko pa bang ituloy ang deal natin, dahil mahinirapan na ako!! Nakakasawa pala! Mahirap palang magpagamit lalo na sa tulad mo Prin!",sigaw ko sa kanya bigla naman siyang nanahimik. Nanatili ako sa harap niya dahil ramdam kong nanginginig na ang katawan ko dahil sa sobrang intense ng sagutan namin.

"Bakit? I gave you a chance to choose between deal ang proposal but you choose deal!! So why are being like that?",sumbat nito sa akin. Pagkatapos niyang banggitin ang sasabihin niya naglakad na ako palabas.

"Saan ka pupunta?!",sigaw nito sa akin. Lumingon naman ako ang sumagot. Tinibayan ko na din ang loob para masabi ko ang mga gusto kong sabihin.

"Pupunta ako sa area namin! Mag sosorry ako sa kanila dahil sa gagawin ko. Paalisin ko na sila doon total tingin ko dun din pupunta ang deal na to! Kaya ayaw ko ng patagalin pa!",sumbat ko naman sa kanya pagkatapos naglakad na ako hanggang makalabas ako sa gate nila.

"Sige, go ahead. And i will tell you, you will regret after this. Lahat ng babayaran sa pagpapagamot sa hospital ng mama mo ikaw ang magbabayad! At saan ka kukuha ng mahigit kumulang isang milyon? Huh!",sagot naman nito sa akin. Huminto naman ako at muling tumingin sa kanya.

"Lalapit ako kay Dhenze baka sakaling matulungan niya ako.",sagot ko sa kanya pagkatapos muli na aking naglakad. Hindi ko na rin narinig pa muli si Prin na nagsalita. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa mata ko. Ngayon nararamdaman ko na ang hirap para lang sa deal. Naisip kong puntahan si mama kaya nagmadali akong naglakad hindi ko na rin namalayan ma tumakbo na ako. Sa sobrang bilis na takbo ko malapit na ako sa kanto lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko ng biglang....

Bbbeeeeeppp!!!

Bumagsak ako sa semento dulot ng malakas na impak. Malapit nang pumikit ang mga mata ko ng bigla kong narinig ang boses ni Prin. Nakita ko sa Prin na papalapit sa akin. Hanggang sa tuluyan ko nang pumikit ang mata ko.

At the hospital

Dumilat ang mga mata ko. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero sa tuwing gagalaw ako ramdam ko ang kirot mula sa sugat ko. Mapansin ko ding may benda ang paa. Maya maya biglang pumasok ang isang doktor kasama si Prin.

"Dok, how's my Gf?",tanong ni Prin pagkatapos bigla itong tumingin sa akin. Hindi ko alam pero kusang umirap ang mga mata ko sa kanya.

"According sa mga test na ginawa namin, she's now ok. Magpasalamat tayo at hindi ganun kalala ang mga tama niya, mga gasgas lang except her leg. Alalayan niyo muna siya hanggang maalis ang benda sa paa ta kaya na niyang maglakad. But dont worry she's now ok. You can go home tomorrow.",mahabang paliwanag ng doktor pagkatapos umalis na ito. Naiwan naman si Prin sa loob.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?",tanong nito sa akin. Pagkatapos lumapit ito sa akin at umupo sa kama.

"Lumayo ka sa akin! Paki usap. Ayaw kong makita ka, lumabas ka muna.",tugon ko sa kanya. Hindi naman siya umalis at muling nagsalita.

"Ok fine, im sorry. Pero sinasabihan lang kita, wag kang lalapit sa kanya dahil hindi mo siya kilala.",usig naman nito sa akin pagkatapos muli itong lumapit sa akin.

"Wag kang lumapit! Yung sorry mo tatanggapin ko. Pero ang pagpigil mo sa pakikipag kaibigan ko kay Dhenze hindi mo mapipigilan. Mabuti siyang tao at nakita ko yun sa kanya.",tugin ko naman sa kanya.

"Look, hindi mo pa siya as in kilala. Hindi siya mabuting kaibigan para sayo. Kaya please! Stay away from him.",muli naman niyang sagot sa akin. Bumangon naman ako para masagot ko ang mga binabato niyang salita kahit masakit ang mga sugat.

"Pwede ba! Wag mong baliktarin! Dahil malaki ang pagkakaiba niyo! At nakita ko yun!! Sa tingin ko ikaw ang hindi mabuting tao para sa akin. At ai Dhenze ang makakatulong at magiging mabuting kaibigan!! Kaya please!! Ginagawa ko to para sa deal!! At wal nang kinalaman dito ang mga taong nasa paligid ko!! Tutulungan kita para makuha ang gusto mo, pero sana wag mong siraan ang taong alam kong magiging mabuting kaibigan sa akin!!",sigaw mo sa kanya. Napa atras naman siya.

"Pero believe me!",usig naman nito ulit. Pero bago pa niya sabihin ang gusto niyang sabihin inunahan ko na siya.

"Labas! Ayaw kong marinig ang sasabihin mo! Labas!!",muli kong sigaw sa kanya. Pagkatapps lumabas naman ito. Naiwan aking mag isa loob. Hindi ko akalaing masasabi ko at lalabas sa mga bunganga ko ang mga salitang binato ko kay Prin.

Maya maya nakita kong bumukas ang pintuan sa sikid ko at bumungad sa akin ang matalim kong kaibigan. Dali dali siyang pumasok at niyakap ako.

"Kamusta kana? Ok ka naba?",pag alalang tanong nito sa akin. Nakita ko naman ang mga luhang kumawala sa mga mata niya.

"Oo Anne, ok na ako",sagot ko naman sa kanya. Pagkatapos pinahid ko ang mga luha sa mata niya sabay ngiti.

"Pinag alala mo ako Alice! Hampasin kaya kita",tugon nito sa akin. Natawa naman ako sa tinuran niya pagkatapos muli kaming nagyakapan.

"Teka, bat nasa labas si Prin.?",tanong nito sa akin.

"Ewan ko sa kanya. Sige pahinga muna ako.",tugon ko sa kanya pagkatapos humiga na ako. Ayaw ko kasing sabihin ang nangyari sa amin ni Prin. Dahil alam kong mag aalala ito. Kayat mas pinili ko itago nalang at manahimik.

"Sige pahinga kana, aalis na ako. Pagaling ka at magpakatatag ka para sa inyo ng mama mo.",tugon nito pagkatapos lumakad na siya palabas ng silid ko. Muli ko namang naalala si mama. Ano ma kaya ang lagay niya? Ok na ba siya mula nung iwan ko?

"Bakit ka nandito? Diba sabi ko sayo wag kang munang papasok at ayaw muna kitang makita!",sigaw ko sa kanya. Hindi mo maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing nakikita ko siya ngayun naalala ko ang lagay ng mama ko na pinagpalit ko para lang sa mga tao na naninirahan sa area namin. Sa tuwing nagsasalita siya lalo kong nararamdaman kung gaano ako kasamang anak kay mama.

"Im just here to say that, kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. Nandiyan lang ako sa labas.",tugon nito. Bigla naman akong nakaramdam ng konsensiya. Bakit kasi ayaw ko siyang makita at papasukin. Alam ko naman na ako mismo ang nagdesisyon nito kaya bat ako nagagalit sa kanya.

"Wala akong kailangan.",tugon ko sa kanya pagkatapos muli na siyang tumalikod at naglakad palabas.

"Pero dito ka nalang sa loob. Samahan mo ako dito.",tugon ko sa kanya. Nakita ko naman ang mga ngiti mula sa kanyang mapulang labi.

"Diba ayaw mo akong makita? Ok lang naman ako sa labas.",sagot naman nito.

"Hindi, ok na sa akin na dito ka sa loob. Mag isa ko din dito sa loob. Naboboring ako pag mag isa ko.",usig ko naman sa kanya. Muli naman siyang bumalik at umupo sa sofa na nasa tabi ng kama ko. Ngumiti naman siya ulit bilang tanda ng pasasalamat. Ngumiti naman ako sa kanya.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon