CHAPTER 22: ALICE'S POV

528 8 3
                                    

"Hey! Wake up,"naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Minulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin si Prin na nasa harap ko.

"Sorry, nakatulog ako."wika ko sa kanya. Bumangon ako at umupo sa sofa. Nakita ko rin ang Daddy ni Prin na nakatayo sa harap ko. Piling ko tuloy pinagmasdan nila ako habang natutulog. Nakaramdam naman ako ng konting hiya sa kanila.

"Its ok. Sa kwarto ka nalang matulog.",sagot ni Prin. Pagkatapos tumayo na ako at kinuha ang saklay. Siyempre nasa akin ang atensiyon ng mag ama kaya naman ginawa ko lahat ng makakaya ko para makaalis ako ng mabilis sa kinalalagyan ko. Ngunit alam kong mababagalan ako sa pag akyat sa hagdan dahil sa paa kong may pilay. Nakabuntot naman sa likod ko si Prin.

"Hey!! Ibaba mo ako Prin.!",bigla niya akong binuhat. Napakabilis ng pangyayari, parang hindi niya ramdam at bigat ko. Para lang siyang nagbubuhat ng palangganang may tubig. Nagpupumiglas ako mula sa pagkakabuhat niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagka ilang sa kanya. Alam kong fake Gf lang ako pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Piling ko napaka importante ako sa kanya.

"Nope, mabagal kung aalalayan lang kita!",tugon naman nito habang patuloy na naglakad patungo sa kwarto.

"Kaya ko naman, sige na ibaba mo na ako!"

"Shut up!! Kung dika tumigil diyan hahalikan kita!",sumbat nito sa akin. Nanluma ako at yumuko sa sinabi niya. Ramdam kong uminit ang katawan ko hanggang sa muka ko. Yumuko nalang ako para itago ang pamumula ng pisngi ko.

"See, madali kalang pala mapapakalma",tugon nito pagkatapos muli niya akong nginitian.
Mabilis kaming nakarating sa kwarto, agad niya naman ibinaba sa kama.

"Salamat! Makaka labas kana!",sigaw ko kanya. Hindi ko alam pero kusang ngumiti ang mga labi ko habang sinigawan ko siya.

Hiniga kona ang katawan ko at muling natulog.

'Dad!! Dad!! Nasan ka!'. Muli akong naalimpungatan ng marinig ko ang malakas at galit na boses ni Prin.

Agad akong tumayo at kinuha ang saklay ko sa tabi ng kama. Habang palabas ako walang tigil ang pagsasagutan ng mag ama. Lalo akong kinakabahan sa tuwing naririnig ko ang boses ni Prin na puno ng emosyon at galit.

'I dont think that you can do this!! Your not my father at all!!'. Pagkatapos kinuha ni Prin ang isang papel at hinampas sa muka ng Daddy niya.

"Oh my!!"

'Where is my Mom!! Where'. Patuloy nitong sigaw.

Kusang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko tuloy si mama. Maglalakad na sana ako pababa ng makita kong pataas na si Prin. Muli akong nagtago hanggang makita kong pumasok si Prin sa kaharap sa kwarto.

Gustong gusto ko siyang puntahan at sundan pero biglang tumingin ang mga mata ko sa Daddy ni Prin. Naluluha din ito na parang kay bigat ng problemanv dinadala.

Pagkalipas ng ilang minuto

Sumunod ang daddy ni Prin sa kwarto. Ngunit ilang segundo pa lamang ay lumabas na rin ito agad. At sa pagkakataong iyon nasilayan kong tumutulo ang luha nito. Agad akong lumabas bago pa siya maka daan sa kwarto.

"Ok lang po kayo?",tanong ko sa kanya. Huminto naman siya at tumayo sa harap ko. Nang makita ko ang mga lungkot sa mata nito, kusang gumalaw ang katawan at kamay ko sa kanya. Niyakap ko ito para damayan sa problemang meron siya.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon