CHAPTER 48: ALICE'S POV

418 4 0
                                    

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Anne sa tabi ng kama ko. Agad akong bumangon at umupo.

"Si mama! Kailangan ako ni mama!",agad akong tumingin kay Anne. Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata nito. Pagkatapos nagmadali akong tumayo ng bigla niya akong harangin at yakapin.

"Alice tama na! Wala na si tita!",mula akong himagulgul sa sinabi niya.

"Hindi! Panaginip lang yon diba!? Buhay pa si mama, inaantay na niya ako ngayon.!",sigaw ko sa kanya. Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap sa akin ni Anne ngunit hindi ko magawa. Hamggang ngayon, para akong lantang gulay.

Napatingin nalang ako kay Anne habang unti unti nagkakawalaan ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ngayon.

"Mama!!",muli akong bumagsak sa sahig sa sobrang bigat ng damdamin ko.

Agad naman lumapit sa akin si Anne at muli ako nitong niyakap. Ramdam kong kahit paano meron parin taong maasahan ko at laging nasa tabi ko. Pinakalma ko ang sarili ko hanggang sa muli akong tumayo at umupo sa gilid ng kama.

"Anne, bakit ganun? Si papa iniwan aking maaga tas ngayon si mama iniwan akong walang paalam.",usig ko habang nakatulala at walang patid ang pagtulo ng luha.

Umupo si Anne sa harap ko at hinawakan nito ang kamay ko.

"Alice, alam kong nasasaktan ka at mahirap para sayo. Pero sana isipin mo na masaya na ang mama mo sa piling ng diyos, hindi na siya nahihirapan roon, wala ng sakit na pagpapahirap sa kanya.",napagawi ang tingin ko kay Anne, habang hawak hawak nito ang kamay ko. Salamat sa kanya dahil nariyan siya palagi para sa akin. Nagpapasalamat ako ng marami dahil siya ang naging kaibigan ko.

"Anne, salamat sa lahat. Nandiyan ka lagi para damayan ako.",pagkatapos niyakap ko si Anne. Sa tulong niya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Ito ang tatandaan mo Alice, kaibigan kita kaya kahit anong mangyari hindi kita iiwan. Ikaw lang ang nag iisang pinaka mamahal kong kaibigan.",pagkatapos tumawa ito. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Maya maya biglang pumasok ang isang doctor.

"How are you Ms. Alice?",tanong nito sa akin. Marahil ito ang doctor ba nag asikaso sa akin.

"Ok na po ako. Pwede na ba akong lumabas Doc?",hindi sumagot ang doctor bagkus ngumiti ito. Anong meron? Bakit siya ngumingiti?

"Yeah, makaka uwi kana ngayon.",pagkatapos may binigay ang doctor na papel para pirmahan ko. Agad ko naman itong pinirmahan pagkatapos iniabot ko ito. Agad din naman lumabas ang doctor sa room ko.

Maya maya'y lumabas narin kami ni Anne.

"Teka Anne, nasan pala si Prin? Naalala ko pinagbabayo ko pala siya kanina.",napahinto naman siya at tumingin sa akin.

"May kailangan daw siyang asikasuhin. Tsaka nga pala, sinabi niyang sa bahay ka muna tutuloy.",wika nito. Bakit niya ako pinatutuloy kila Anne? May problema ba siya.

Habang naglalakad kami nakakaramdam ako ng guilty at konsensiya sa ginawa ko kanina. Alam kong wala sinuman ang may gusto sa nangyari kaya dapat hindi ko sila sinisi. Tanggap ko na nuon na hindi na tatagal pa ang buhay ni mama at akala ko ok na sa akin yon, pero hindi pala, masakit parin pala ang pagkawala niya kahit matagal ko nang natanggap ito.

Nang makalabas kami sa hospital, agad na pumara ito nang sasakyan papuntang bahay niya. At ngayon, pareho na kami ni Anne, pareho na kaming ulila, ang pinagkaibahan, nauna lang siya.

Nang makarating kami sa bahay niya, agad kaming pumasok sa loob. Naupo ako sa sofa nito, siya nama'y kumuha ng maiinom.

"Alice inom ka muna.",inilapag nito ang baso sa mesang nasa harapan ko. Kinuha ko ang baso. Iinumin ko na sana ito nang bigla kong maalala si papa.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon