CHAPTER 16: ALICE'S POV

566 9 0
                                    

Pagka alis ni Prin dito sa bahay,nag punta ako sa garden area nila. Wala akong magawa sa bahay nila kahit sobrang laki, hindi ko naman alam ang pasikot sikot. Kayat lumabas nalang ako sa bahay nila at nag lakad lakad sa village nila.

"Aaarrrfffttt"

Naku aso. Sinubukan kong makalayo sa aso ngunit habang lumalayo ako, lumalapit naman ito.

"Naku dog, wala naman akong laman, kaya wala kang mapapala, umalis ka nalang",paki usap ko sa aso ngunit hindi ito nakinig hanggang sa balak na akong dakmain ng aso..

"Bullshit, come here",tawag ng isang lalaki sa aso. Agad naman sumunod ang aso. Haha, ang unique ng pangalan ng aso niya.

"Hyyst, salamat umalis na ang asong bullshit",tugon ko habang tumatayo ako mula sa pagkaka upo. Sabi kasi ng matatanda, para umalis ang aso, kailangan mong umupo.

"Ok ka lang Ms.?",tanong nung lalaking nangbugaw sa aso.

"Oo, ok lang ako, salamat.",tugon ko pagkatapos lumakad na ako paalis ng bigla ulit itong magsalita.

"Teka, bago ka dito sa village?",tanong nito habang papalapit siya sa akin.

"Oh oo, malalaki pala bahay dito sa village niyo.",tugon ko naman sa kanya pagkatapos inalok nitp ako na ipasyal.

"Oo, malalaki bahay dito. Gusto mo ipasyal kita, para makita mo. Samahan na kita?"alok ng lalaki. Hindi naman ako makatanggi dahil nakakahiya naman. Saka pogi kasi yung lalaki, malakas ang dating at mabango pa.

"Huh, ok lang ba sayo?",tanong ko sa kanya para siguraduhin na hindi na siya aatras.

"Oo naman, ano tara?",tugon nito ulit sa akin. Pagkatapos nagsimula na kaming maglakad. Mabait din siya, hindi siya mahiyain. Sa totoo lang siya pa ang nag fifirst move sa usapan namin.

"So by the way, ano pangalan mo?",tanong nito sa akin at kasabay nito ngumiti siya. Hindi ako makasagot dahil sa nakaka adik na ngiti niya. Hindi mo maikakaila na mukang angel siya. Makapal ang kilay at mayroon siyang mahahabang pilik mata at mapupunangay na mata, isabay mo rin ang buhok niyang kumikinang sa kintak. Meron din siyang pantay pantay at mapuputing ngipin. Wala man siyang dimple pero maron siyang mamula mulang pisngi.

"Hey!! Are you ok?",tanong nito muli sa akin.

"Ahh, oo naman. Sorry may iniisip lang ako.",tugin ko naman. Natawa tuloy ako sa palusot ko. May iniisip daw eh napatanga lang ako sa muka niya.

"So anong pangalan mo?",muli nitong tanong.

"Alice Watcharapon"

"Wait, are you a thai?",tanong nito sa akin habang huminto siya sa harap ko. Kayat heto na naman ako, mapapatanga na naman ako sa mukang angel na taong to.

"Ahm, Oo. Half Filipino at half thai ako.",sagot ko naman. Ngumiti naman siya at sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Did you know, that thai people are so beautiful.",pabirong sabi niya. Kayat heto ang ulo ko, lumaki ng bigla.

"Haha, hindi naman sakto lang",sagot ko naman sa kanya.

"By the way, Im Dhenze Gokongwei.",pagpapakilala niya sa sarili niya.

"Gokongwei? Anong relasyon mo sa may ari ng Robinson Mall?",tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito bago sumahot

"Actually they are my family.",sagot nito. Hindi ko naman mapigilang mabigla. Hindi ko kasi akalain na makikilala kong ang mga taong may mataas na level ng pamumuhay.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon