CHAPTER 71: ALICE'S POV

497 11 0
                                    

Nang magising ako nakita ko si Anne sa may sofa malapit sa kama ko.

"Anne!",mabilis nitong minulat ang mata niya.

"Alice!",agad siyang tumayo at lumapit sa akin pagkatapos niyakap niya ako.

"Kamusta ang pakiramdam mo?",tanong nito sa akin. Agad akong umayos at umupo ng bigla akong makaramdam sa sakit sa gitnang bahagi ko.

Bakit masakit ang pagkababae ko. Hindi naman ganun kalakas ang pag kaka bangga ko ah. Nakakapag taka ang lahat ng nangyari.

Muli kong inalala ang nangyari sa amin ni Prin.

'Gusto kong bumalik na tayo sa dati. Yung dating Alice na nabangga ko. Bumalik na tayo sa mga dati nating buhay. Yung buhay na hindi natin kilala ang isat isa. At pag nangyari yun, gusto kong maging masaya ka dahil malaya kana mula sa akin. At katulad din ako, magiging masaya na ako dahil wala na akong ginagamit na babae.'

'Prin, alam kong hanggang dito nalang talaga tayo, pero sana bago matapos ang gabing ito, gusto kong malaman mo na, naging masaya akong kasama ka. Hindi man maganda ang pagtatagpo natin, pero masaya parin ako dahil may mga nabuo tayong alaala. Hindi man maganda ang mga alaala ngunit pahahalagaan ko yun. I will cherish the every moment togethet with you.'

"Nasan pala si Prin?",tanong ko kay Anne pagkatapos pinilit kong tumayo kahit masakit ang pagkababae ko. Pinilit ko rin maglakad, hanggang sa bigla kong naramdaman na parang gumaan ang lakad at tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko at biglang naalala ng pagkabungo ko.

"Alice, huwag ka munang maglalakad.",lumingon ako kay Anne, habang nag tutubig na ang mata ko.

"Anne, kamusta ang baby ko? Ok lang ba siya?",kakaibang kaba ang naramdaman ko ng makita ko ang reaksiyon at emosyon ng muka ni Anne. No, ok si baby. Maayos ang lagay ng anak ko. Lumipas na ang ilang sandali hindi parin sumasagot si Anne.

"Anne! Sagutin mo ako. Ok lang ba ang baby ko?",muli kong ulit sa kanya. Pilit ko paring pinipigilan ng mga luha sa mata.

"Alice, sorry. Pero wala ang baby mo.",kusa ng nagsituluan ang mga luha sa mata ko. Napatingin nalang ako sa tiyan ko habang hawak hawak ko ito. Hindi! Buhay ang anak ko. Makakasama ko siya! Maisisilang ko pa siya.

"Anne, hindi ako naniniwala sayo.",pagkatapos muli akong naglakad papalapit sa pinto, hanggang sa bigla ulit na nagsalita ang kaibigan ko.

"Wala na ang anak ko Alice. Patay na!",bigla akong nanghina dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"Hindi! Buhay ang baby ko!",walang tigil ako sa paghagulgul habang yakap yakap naman ako ni Anne. Hindi! Buhay ang anak ko!

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pag kawala ng baby ko. Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan. Una, bata palang ako sobra sobra akong nasaktan sa pagkawala ni papa, pangalawa, ang pagkawala naman ni mama, sobrang sakit din, dahil hindi ko manlang siya nakita bago siya mailibing, pangatlo ang nangyari sa amin ni Prin at ngayon ang pagkawala ng anak ko! Ano pa ang susunod?!

"Anak! Ang baby ko!"

"Tama na Alice, makakasama sayo yan!",yakap yakap parin ako ni Anne habang umiiyak ako dahil sa sobrang sakit. Ang hirap tanggapin na ang kaisa isang alaala ko sa taong mahal ko mawawala pa.

Walang tigil parin sa pag iyak hanggang sa biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang isang tao.

"Alice"

Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kanya.

"Wala na ang anak ko! Wala na siya dahil sayo! Huh!! Wala na yung anak natin!",pagkatapos pinagbabayo so siya sa baga. Walang tigil ako sa pagsuntok habang sinasalo niya lang lahat ng iyon.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon