CHAPTET 69: ALICE'S POV

442 7 4
                                    

Mang maihatid ako ni Prin kila Anne agad itong umalis. Gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya pupunta, kaso baka masamahin niya at tsaka para saan? Tapos na nga kami diba.

Nang makapasok ako sa bahay ni Anne, nakita ko siya roon, abala sa panonood.

"Anne!",mabilis akong pumasok at niyakap siya. I really miss her. I miss my one and only best friend.

Nakita ko naman ang pagkagulat nito nang makita niya naroon ako sa bahay niya.

"Alice! Buti pinasyal mo ako. Kamusta kana? Tagal na nating si nagkikita ah.",sariwa ang mga ngiti sa labi nito. Halos mahigit dalawang buwan na rin kaming hindi nagkikita kaya naman na miss namin ang isat isa.

"Heto ok lang.",pero deep inside hindi, sa totoo lang nasasaktan ako Anne. Kailangan kita ngayon Anne. Sobrang sakit nang nangyari sa amin ni Prin. Pagkatapos ngumiti ako sa kanya. Sinuklian niya naman ako ng ngiti.

"Ikaw, kamusta ka na?", muli kong tanong sa kanya.

"Syempre ito, gumaganda.",sabay kaming nagtawanan ng sabihin niya iyon.

Pinatuloy niya ako sa bahay niya at pinaupo sa sofa. Umupo naman ito sa tabi, alam kongag iinterview na naman to sa akin.

"So, kamusta naman kayo ng asawa mo? Este, maha–.",hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil alam kong masasaktan lang ako pag narinig ko yun.

"Anne, hindi ko yun mahal. Alam mong deal naman lahat diba.",napaigtad ako ng tusukin niya ang tagiliran ko, alam niyang malakas ang kiliti ko doon kaya yun ang pinupunterya niya sa tuwing makiki pag asaran siya.

"Asus! Deny pa Alice. Baka nakakalimutan mong umamin ka sa akin na mahal mo siya.",biglang pumasok sa isip kong sinabi ko na pala sa kanya nuon ang tunay na nararamdaman ko kay Prin.

"Nuon yun, pero ngayon iba na.",biglang nag iba ang tono ng pananalita ko. Alam kong napansin iyon ni Anne dahil umayos ito at niyakap ako.

"Its ok Alice. Pwede mong sabihin sa akin kung anong nangyari sa inyo?",nakayakap parin ako sa kanya habang tinatapik niya ang balikat ko. Hindi ko naman napigilang ang mga luha king tumulo. Ang sakit eh. Masakit pala kung ayaw ka ng taong mahal mo.

"Tinapos na niya lahat Anne. Wala ng deal. Wala na yung kami bilang mag asawa.",hindi ko na mapigilan ang humagulgul sa sobrang kirot ng naratamdaman ko.

"Sige lang Alice. Ilabas mo ang sakit. Umiiyak kalang sa balikat ko.",walang patid niya naman hinihimas ang likuran. At pagkalipas ng ilang sandali, nahimasmasan na ako mula sa pag iyak ko at handa na akongag kwento.

"Now Alice, sabihin mo na sa akin lahat.",uminom muna ako ng tubig at huminga ng malamin bago simulan ang kwento.

"Alam na ni Prin ang tungkol sa amin ni papa, galit na galit siya sa akin. At ang sabi niya ayaw na niya, tapos na kami. Ayaw na niya akong makita."

"Anne, hindi ko kaya. Paano pag napahamak si Prin? Paano pag patayin siya ni Papa? Anne, hindi ko kaya.",muli naman hinawakan ni Anne ang kamay ko at tumingin sa akin ng diretso mula sa mga mata ko.

"Alice, wag kangang iisip ng ganyan. Walang masamang mangyayari kay Prin. At saka Alice, secured ang pamilya niya dahil sa yaman nila. Kaya huwag kang mag alala. Kung maari, maki pah usap ka sa papa mo. Alam kong mahirap maka intindi ang papa mo, pero ito lang ang paraan, para walang mapahamak sa inyong dalawa.",nakatitig parin ako sa mga mata nito. Pero paano pag hindi siya nakinig sa akin? Paano pag may gawin parin soyang masama kay Prin. Huwag na huwag niyang gagalawin si Prin, dahil kung hindi ako na mismo papatay sa kanya.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon