CHAPTER 59: ALICE'S POV

415 7 2
                                    

Magkasama kami ni Anne sa kabilang side ng pool at sila Prin at ang mga kaibigan nito at sa kabila rin. Kaya magkanilaan kami ngayon.

"Huy! Alice konti konti lang.",tugon ni Anne sa akin. Napapasarap kasi ang pag inom ko ng wine kaya naman sagadsad akong tumagay.

"Alam mo, birthday mo ngayon kaya magsaya tayo!",usig ko naman sa kanya. Pagkatapos mabilis  akong tumagay ng alak dahilan para masamid ako at maubo. Alam kong medyo malakas na ang tama ko sa alak pero ok lang yon, birthday ni Anne ngayon kaya mag saya ang lahat.

Muli na sana akong tutungga ng alak ng may biglang humawak dito at inilayo. Napatingin ako sa kanya. Anong problema ng lalaking to. Hyyst" Prin naman! Bibitinin mo pa ako.

"That's enough. Mamaya hindi na maka uwi si Anne dahil sa kalasingan niyo.", tugon nito pagkatapos binaling niya ang tingin kay Anne. Bwisit naman talaga oo!

Binaling ko naman ang tingin ko kay Anne.

"Mag celebrate kayo without this.",pagkatapos kinuha niya ang wine. Sabay naman kaming napatingin sa kanya.

"Ikaw Alice! Lasing kana. Baka kung ano na naman gawin mo sa akin mamayang gabi.",pagkasabi niya, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Talaga bang wala siyang alam sa totoong nangyari. Siya kaya ang unang nag move sa amin. Bakit hindi niya maalala! Umirap naman ako sa kanya nang maka alis na siya.

"Alice! Anong yung sinabi ni Prin na gagawin mo sa kanya?",tanong sa akin ni Anne ng pabulong. Grrrr! Wala talaga akong maitatago may Anne.
Bumuga muna ako ng hangin bago tuluyang mag kwento sa kanya.

"Anne, may nangyari na sa amin.",wika ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata nito. Napatakit siya sa bungabunga para pigilan ang sigaw na gustong kumawala sa bibig niya.

"Ganto kasi yun. Nag away kasi kami tapos umalis siya. At nung umuwi,  lasing siya. Kaya bilang asawa niya, ako ang mag asikaso sa kanya. Binihisan ko siya pero tapos yun, bigla niya akong hinalikan at kinubawan tapos un. Diko alam kung paano nga nagyari un eh.",mahaba kong paliwanag kay Anne.

"Hysst!! Alice naman! Bakit ka pumayag. Alam mong deal lang ang lahat. Paano kung iwan ka niya pag nagkaroon ng laman ang tiyan mo. Alice masasabunutan kita eh!",natuwa naman ako sa consern niya sa akin. Kahit hindi mo na maipinta ang muka nito, ok lang basta alam kong consern siya.

"Hindi ko nga alam. Nadala lang din ako.",tugon ko sa kanya. Pagkatapos sumandal ako sa likod ng upuan.

"Teka, anong oras na pala?",mabilis niyang inilabas ang phone niya at napatayo ito ng makita ang oras.

"Naku, Alice kailangan ko nang umalis. Its already 5 at ang usapan 5:30 ang meeting. I need to go Alice! Thank sa lahat.",pagkatapos tumango ako. Agad naman siyang nagtungo kila Prin. Mariin kong pinikit ang mata ko. Lasing na ako kaya naman gusto ko nang mahiga at matulog.

"Ang lakas ng loob mong maglasing! Tignan mo nga, hindi kana makatayo.",matalim ko siyang tinignan. Bakit pa napaka paki alamero nito!

"Anong pake mo! Maglalasing ako hanggang gusto ko! Kaya umalis ka rito. Naaalibadbaran ako sa pagmumuka mo!",nagulat ako sa sinabi ko. Paano ko nasabi iyon. Hysst! May tama na talaga ako. Lumalabas ang mga hindi kaaya ayang salita sa mga bunganga ko.

"Halika kana! Akyat na tayo sa taas!",pagkatapos hinawakan niya ako sa balikat. Bigla kong naalala ang namgyari sa amin nang gabing lasing umuwi si Prin. Bigla akong nakaramdam ng galit sa kanya. Hysst! Painosente ka kahit alam mong ikaw ang nauna sa atin. Ikaw ang humalik hindi ako!!

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon