CHAPTER 91: ALICE'S POV

47 4 0
                                    

Dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari, hindi na ako bumalik sa venue, bagkus agad na akong umuwi. At nang makarating ako sa bahay, nagulat ako nang makita ko roon si lola.

"Granny, your here?",tanong ko sa kanya nang makita ko siyang naka upo sa sala.

"Yah, Andreuw dropped me here because he is in a rush."

"Rush? Why? What happened? Is something happened in the event?",mabilis kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi ineexpect na madadatnan ko si lola sa bahay.

"He told me that someone close to him involved in a serious accident.",agad akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Car accident? Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Unti unti bumigat ang pakiramdam ko at nagpawis ang mga palad ko. Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bag at nagulat ako nang makita kong may 16 missed call si Andreuw.

"Hello? Anong nangyari? Sino yung sinasabi ni lola?",bungad ko sa kanya.

"Punta ka ngayon dito sa West Hospital. Na aksidente si Prin. Malala lagay niya.",halos mawalan akong ng balanse, nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. Nag uunahang tumulo ang luha ko habang iniisip ko siya. Hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko. Bakit? Bakit mo yun ginawa? Prin, ang tanga mo! Bakit mo yung ginawa?

Mabilis akong nagtungo sa hospital, at gaya ng di ko inaasahan, nadatnan ko si Prin na nag aagaw buhay. Duguan ito habang inaasikaso ng doctor. Lalo akong humagulgul nang makita kong ilang doctor na ang nagtulong tulong para ma revive siya. Prin, pleasee huwag bibitaw. Huwag mo akong iiwan. Pleasee, mabuhay ka. Ok lang kahit di na kita makasama ulit at makita, basta mabuhay ka. Nakiki usap ako sayo, parang awa mo! Hindi ko kakayanin kung mawawala ka, pleasee!

Walang tigil ang pagtulo ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang kalagayan niya. Bakit mo ba yun ginawa? Sana hinayaan mo nalang ako, sana ako nalang ang nabangga. Bakit kailangan mo pang gawin yun? Napakamakasarili mo! Hindi ka talaga nag iisip!

Ngayon, unti unti kong naintindihan kung bakit may nagbanggaan sa harap, yun ay dahil sa para iligtas ako ni Prin mula sa paparating na sasakyan.

"Tito.",turan ko sa kanya nang makalapit ito. Lalo akong naiyak nang makita kong umiiyak siya. Bilang ama, alam kong masakit sa part niya na makitang nag aagaw buhay ang kaisa isang anak niya. Sorry po. Sorry tito, kasalanan ko ito. Sorry

"Anong nangyari? Bakit nasa loob si Prin?",agad nitong tanong, hindi ko magawang sabihin sa kanya ang lahat. Hindi ko magawang ibuka ang labi nang maayos.

"Im sorry po tito. Sorry po!!",yan lamang ang salitang paulit ulit na lumalabas sa labi ko. Pumikit nalang ako para pawiin ang sakit sa puso. Durog na durog ang puso ko habang nakikita ko siyang kung paano subukang buhayin. Gumising ka na diyan! Andito na si Papa mo! Huwag mo naman siyang paiyakin, huwag mo siyang saktan. Pleaseeee!! Gumising kana, Nandito na yung mga taong nagmamahal sayo.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon