CHAPTER 27: ALICE'S POV

479 9 0
                                    


Pagkapasok ko sa loob ng CCU, ramdam ko ang paghina ng tuhod at buong katawan ko. Para akong babagsak sa sahig nang makita ko si mama na nakaratay parin sa higaan niya. Maraming aparatos ang nakasksak at parang hirap na hirap na siya.

"Ma, kamusta kana? Naalagaan kaba dito?",tanong ko sa kanya. Tumabi ako at umupo sa upuan na nakalagay sa tabi ng kama niya.

"Ma, pakatatag ka ah, wag mo kaming iiwan ng mga kapatid ko.",kusang tumulo ang mga luha sa mata ko na kanina pa nagbabadyang bumagsak.

Gustong gusto kong yakapin si mama pero hindi ko alam kung paano. Natatakot ako na baka mawala siya sa akin pag niyakap ko siya. Nanlulumo ako sa tuwing makikita ko ang kalagayan niya.

"Ma, magpapakasal na ako. Gusto kong ihatid mo ako sa altar. Gusto kong samahan mo ako.",hawak hawak ko ang kamay ni mama habang wala itong malay. Patuloy parin ang pag agos nang mga luha sa aking mata.

"Ma, alam mo bang mapapangasawa ko yung lalaking gusto kong kasuhan noon dahil sinasabi kong nabunggo niya ako."

"Ma, kailangan kita. Kasi alam kong  mali na magpakasal ako sa kanya. Nasasaktan ako Ma, kasi gagamitin niya lang ako para makuha yung mana niya. Kaya please Ma, gising kana para hindi na ako maikasal sa kanya."

"Ma, tama ba ang gagawin ko? Lalo akong maitatali sa kanya. Pag nakasal kami lahat na ng gusto niya kailangan kung sundin.",humahagulgul ako sa iyak nang biglang....

Thiiiiiiiiiiiiiiiiiitttttttt

"Ma!!! Nurse!!",tumakbo ako palabas para tawagin ang mga doctor.

"Maam, dito nalang kayo. Kami na po bahala.",tugon nang isang nurse at agad na silang pumasok sa loob. Naiwan naman ako sa harap nang pintuan habang tinitignan ang pag rerevive nila kay mama.

"Ma!! Wag mo akong iwan. Please Ma!! Lumaban ka!",humahagulgul ako sa labas. Sobrang hinang hina na ang tuhod ko. Napa salampak nalang ako sa sahig at nakatingin sa loob.

"What happened?",narinig ko ang boses ni Prin malapit sa akin. Ngunit hindi ko ito pinansin bagkus nagpatuloy ako sa pah iyak.

"Charge!!"

"Clear!"

Paulit ulit nilang ni rerevive si mama. Alam kong ginagawa bang mga doktor ang makakaniya nila para buhayin si mama pero hindi sapat yun.

"Ma!! Please!! Wag kang bibitaw!",naramdaman ko ang mainit na bisig mula sa likuran ko. Mahigpit na yakap ang pinakawalan ni Prin. Kusa akong tumugon sa mga mahigpit niyang yakap at umiyak sa mga bisig nito.

"Doc, how's her mother?",tanong ni Prin sa mga doctor. Hindi na ako makapagsalita mula sa pag hagulhul ko kanina kayat siya nalang ang nag tanong.

"As i told you, she was very critical. She always having shocks every day but we are always doing our best to revive. And now i will tell you again, she need transplant surgery or else we are sure if she can survive again in every shocks happen."

"We're leaving you now.",umalis na ang mga doctor mula sa ICU. Agad naman tumayo ulit si Alice.

Pakkkkk!!!

"What the hell are you doing?",hindi ko mapigilan ang mga palad kong isampal sa muka ni Prin.

"Sabi mo, ok lang si mama!! Anong nagyayari ngayon?? Saan yung sinasabi mong ok?!!! Huh!! Sinungaling!!",muling sumuntok ang mga kamay ko sa matipuno nitong mga dibdib,nakita ko mula sa mula niya ang pagkabigla sa ginagawa ko.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon