CHAPTER 41: ANNE'S POV

422 6 0
                                    

It was my day off kaya naman naisipan kong dalawan si Aling Lisa. Matagal tagal ko din siyang hind nabibisita. Ang huling dalaws ko sa kanya ay nuong bago mag punta sila Alice sa Hawaii. Kaya ngayon, minabuti kong dumalaw.

Papasok na ako sa hospital nang bigla akong makaramdam nang kaba. Hindi ko maipaliwanag ang kabang ito. Kaya naman nag madali akong sa CCU para matignan ang mama ni Alice. Habang papalapit ako nang papalapit, lumalalim naman ang kabang bumabalot sa puso ko.

Nang maarating na ako sa hospital, nanlumo ako sa nakita ko. Kusang bumagsak ang katawan ko sa sahig, at ang mga luha ay nag uunahan nang pumatak sa pisngi ko.

"Clear!!"

"Charfe to 100. Clear!!"

Nakita kong ni rerevive na naman siya. And i was too weak to see what happen to her. Hanggang sa napatingin nalang ang doktor sa relong nakasuot sa kamay niya.
Hindi, this cant be happen.

Gustong gusto kong pumasok sa loob pero wala akong magawa. Hanggang sa lumabas na ang mga nurse at doctor na umaasikaso sa kanya.

"Doc! Kamusta po siya?!",hawak hawak ko ang kamay ng doctor habang inaantay ang sagot nito. Mula sa mga mata nito, alam ko na ang sasabihin.

"Im sorry, she's dead. We try our best.",napabitaw ako sa sinabi nang doctor. Paano ko sasabihin kay Alice ang tungkol sa mama niya. Umalis narin ang doctors sa CCU. Muli kong pinagmasdan ang bangkay nitong nakumutan.

"Kailangan malaman ni Alice ito.!",nagmadali akong nag tungo sa rooftop ng hospital at tinawagan si Alice.

"The person you've calling is not in line. Please leave a message."

Ilang beses ko na itong kinokontak pero wala. Umupo muna ako sa gilid at nag iisip isip. Alam kong sobrang masasaktan si Alice kung malalaman niya ang nangyari sa mama niya, but i need to confess it.

Hanggang sa naalala kong tawagan si Prin, im sure mag kasama sila ngayon. Unang ring palang nito ay agad na siyang sumagot.

"Yes, Anne bat napatawag ka?",tanong nang nasa kabilang linya. Hindi na ako nag patumpik tumpik pa, agad kong sunabi ang katotohanan sa kanya.

"Kasama mo ba si Alice?",tanong ko naman sa kanya. Im sure nag tataka na si Prin kung bakit bigla bigla akong tumawag.

"Nope, nasa garden siya eh, nasa kwarto naman ako. Bakit?",bigla akonv nagdalawang isio kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. Pero hindi ko pwedeng itago kay Alice ito. She has the right to know what happened to her mother.

"Please Prin, umuwi na kayo. Kailangan siya nang mama ni Alice. Kailangan niyang makita ang mama niya bago mahuli ang lahat Prin. Nakiki usap ako sayo.",naglaglagan ang mga luha sa mata ko. Sana naman pumayag si Prin na umuwi si Alice.

"Anong kailangan? Ano bang nangyari sa mama niya Anne?",muli nitong tanong. Ramdam kong may halong kaba ang boses nito.

"Wala na ang mama niya. Patay na.",narinig ko ang malalim na hininga nito. Hanggang sa pinatay na niya ang linya naming dalawa.

Para akong isang kandila unti unting na uupos. Lantang lanta ako habang nag lalakad pababa sa rooftop. Hindi na ako bumalik sa kinaroroonan ni Aling Lisa. Minabuti ko nalang umuwi sa bahay at magpahinga.

Habang nag lalakad ako pauwi sa bahay, may naaninag akong isang lalaking papalapit sa akin. Hindi ko siya makita dahil madilim na. Nakatalukbong ito at naka suot nang jacket na black. Hanggang sa unti unti kong nakita ito nang tumapat ito sa ilaw.

"Tito, Eubert!",bigla akong nakaramdam nang takot nang muli kong makita ang stepfather ni Alice.

"Nasan si Lisa? Gusto ko siya maka usap. Nag punta ako sa bahay ngunit wala siya roon.",bakit ngayon niya lang hinahanap ang asawa niya kung kailan patay na ito.

"Hindi mo na siya makaka usap tito. Dahil patay na siya. Hindi na niya kinaya ang sakit niya.",hindi ko man lang nakita ang kalungkutan sa mga mata nito. Ni isang pag aalala sa mga mata nito, wala. Marahil ay hindi talaga niya mahal si Aling Lisa. Alam kong kaya ito lumapit sa mama ni Alice ay dahil alam niyang mapera ito nuon. Kaya ngayon, parang wala nalang sa kanya at nangyari.

"Ano? Teka, nasan ba si Alice? Walang kwentang bata yun! Bakit hinayaan niyang mamatay ang mama niya.",sigaw nito. Nag liyab naman ang galit ko nang sabihin niya iyon. At ngayon sinisisi niya si Alice sa pag kawala ni Aling Lisa. Hindi niya alam kung gaano nahihirapan si Alice mula nung iwan niya ang mga ito.

"Maraming sakripisyo ang binigay ni Alice! Kaya wala po kayong karapatan na sisihin siya!! Kung hindi sana kayo tumakbo at tinaguan ang kasalanan niyo, edi sana kahit papaano hindi ganto ang mangyayari!", hindi kona napigilan ang sarili ko kaya naman nasigawan ko na ito. Napa atras naman ako nang bigla siyang lalong lumapit sa akin. At pagkatapos tinanggal nito ang pagkakatalukbong sa muka nito.

"Haha!! Tingin mo ba hindi ko alam ang ginawa niya. Sumama siya sa lalaking anak ng pinatay kong babae. Mas pinili niya yun, kesa sa amin nang mama niya! Kaya kung meron dapat sisihin dito siya yun!",lalong kumulo ang dugo ko nang lalo niyang sisihin si Alice. Tingin niya sumama si Alice para sa sariling kapakanan niya.

"Wala kang alam tito. Lahat ginawa ni Alice para sa inyo. Kahit na guilty na guilty na siya mas pinili niyang itago ang kasalanan niyo. Dapat nga sa inyo makulong!",napanganga ako nang sapakin ako ni tito Eubert. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Kaya naman tumingin ako sa kanya ng matalim.

"Balang araw mahuhuli rin kayo! Kung hindi man ngayon, pero nasisiguro kong hindi niyo matatakasan ang kasalanan niyo!",pagkatapos naglakad na ako palayo sa kanya. Nakaka dalawang hakbang palang nang bigla ulit siyang mag salita.

"May kailangan akong sabihin kay Alice. Sabihin mo sa kanya na tawagan niya ako kung kailan siya pwede. Importante ito kaya wag mong kalilimutan sabihin, dahil kung hindi, maaring ikapahamak nila ng asawa niya ang mangyayari.",napahinto naman ako ng sabihin niya iyon. Lumingon ako sa kanya ngunit malayo na siya. Kaya naman tinuloy ko nalang ang mag lakad patungo sa bahay ko.

Lupaypay akong pumasok sa kwarto ko. Hindi parin mawala sa isip ko ang tungkol sa mama ni Alice at ang tungkol kay tito Eubert. Hindi ko lubos akalain na mag kikita kami at mag sasagutan. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kanina.

May kailangan akong sabihin kay Alice. Sabihin mo sa kanya na tawagan niya ako kung kailan siya pwede. Importante ito kaya wag mong kalilimutan sabihin, dahil kung hindi, maaring ikapahamak nila ng asawa niya ang mangyayari.

Ano kayang importante ang sasabihin niya kay Alice?

Na cucurious ngayon ako kung ano ba  sinasabi niyang kailangan sabihin kay  Alice. Hindi kaya tungkol ito sa mama ni Prin.

Hindi matigil tigil ang utak ko kaiisip sa lahat. Tingin ko mag kakasakit ako neto dahil sa sobrang pagod at stress idagdag mo pa ang lungkot para kay Aling lisa. Humiga nalang ako sa kama habang walang patid parin ang isip ko. Hanggang sa hindi ko nalang namamalayan na nakatulog na ako.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon