CHAPTER 33: MARK PRIN'S POV

441 8 0
                                    

Pagkalabas ni Alice sa kwarto, sumunod din ako. Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng makakain. Pagkatapos nagtungo ako sa pool area para magpahangin. Mahangin roon dahil sa mga punong nakapalibot. Agad akong umupo sa upuan na gawa sa mga ugat ng kahoy. Pagkatapos nilapag ko ang mga prutas na kinuha ko mula sa kusina.

Arayyyy!!!

Napatayo aki ng marinig ko ang sigaw na yun, alam kong kay Alice ang boses. Hinintay ko ang susunod niting sigaw, ngaunit wala akong narinig. Muli na naman akong umupo at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Tulong!!!

Hindi na ako nag dalawang isip na tumayo at hanapin kung nasan siya. Nilibot ko ang pool area ngunit wala siya roon. Sumunod kong pinuntahan sa loob, ngunit wala rin siya doon. Ay ngayon isa nalang ang hindi ko pa nalilibot, ang garden area ni Mommy. Agad akong nagtungo sa gardeb area ni Mommy. Hindi ko rin siya makita roon. Kayat minabuti kong imupo sa round chair sa ilalim ng puno ng bigla kong makita ang isang bagay na lumulutang sa fishpond. Nagmadali akong nagpunta roon at nang makita ko kung ano ito. Mabilis akong tumalon, mas mabilis pa sa kidlat. Nakita ko siyang palutang lutang na aa fishpond.

Oh my Alice

Agad ko siyang iniahon sa tubig. At nang mailagay ko siya sa damuhan agad ko siyang pinakiramdaman kung humihinga pa.

"Alice, wake up!!"

Ilang beses ko siyang ginigising ngunit wala parin.

Agad kong nilagay ang dalawang kamay ko sa dibdib niya and i start CPR.

"Alice come on... Wake up!!

"Please God make her alive"

Nararamdaman ko ng ang kaba ng baka hindi na siya mabuhay. At sa pagkakataong ito kailangan ko na siyang bigyan ng hangin. Agad aking humigop ng hangin at nilapat ang mga labi ko sa labi nito. Ilang segundo na ang nakakalipas ngunit wala parin. Hindi ako tumigil sa pag halik sa kanya para bigyan siya ng hangin. Hanggang sa unti unti na nitong minulat ang mga mata niya. Hindi ko maigalaw ang katawan ko muka sa pagkaka paibabaw sa kanya. Unti unti ko narin tinatanggal ang mga labi ko mula sa labi niya.

"Hyyst! Thanks God.",sa wakas nahising narin ito. Umalis ako mula sa pagkakaibabaw sa kanya at umupo mula sa tabi niya. Nakatitig lang siya sa akin habang nakaupo ako.

"Are you ok?.",tanong ko sa kanya. Natakot ako dahil hindi siya sumagot. Maya maya bigla itong ngumiti habang nakatitig parin ang mga mata nito sa akin.

"Oo, ok lang ako.",nakahinga akk ng maluwag matapos niyang sagutin ang tanong ko. Bumangon narin siya mula sa pagkakahiga. Tumayo narin ako para umalis ng bigla akong naawa sa itsura niya

Inalalayan ko siya pabalik sa loob ng bahay. Nakahawak ang isang kamay ko sa beywang nito at ang isa naman ay sa balikat niya. At nang maipasok ko na siya sa kwarto, agad akong kumuha ng tuwalya sa closet at ibinigay sa kanya.

"Maligo kana, baka magkasakit kapa.",tugon ko sa kanya. Pagkatapos lumabas na ako, nagpunta ako sa sala para maglaro ng video games. Ginagawa kong libangang ang video games sa tuwing hindi ako pumapasok sa office.

"Salamat pala kanina.",nagulat ako na nasa tabi ko na pala siya. Ayaw king maistorbo sa paglalaro kaya hindi ako sumagot sa kanya bagkus ngiti lang ang naging kapalit nito mula sa pagpapasalamat niya.

"Ano ba kasi ginagawa mo dun? Hindi ka naman ngarud marunong lumangoy.",tanong ko sa kanya habang abala ako sa paglalaro.

"Pupunta sana ako sa may duyan, kaso nadulas ako.",tugon naman nito sa akin. Hindi na amo sumagot dahil last battle ba ang fight kaya kailangan kong mag focus sa laro ko.

Abala ako sa paglalaro ng mapansin kong patingin tingin ito sa akin. Gusto ko siya tanungin kung bakit pero hindi pa natatapos ang last fight. Kaya naman ng matapos ko ito. Agad kong hinuli ang titig niya sa aki .

"May dumi ba sa muka ko? Kanina kapa kasi tingin ng tingin.",biro ko sa kanya. Nakita ko ang pagkailang at pagka taranta nito. Agad siyang napa iwas ng tingin.

"Ahh, ehh.  Wala naman.",tugon nito. Pagkatapos tumayo na ito at umakyat. Gusto ko siyang pigilan at yayaing maglaro kaso mukang pagod ito. Kaya naman hinayaan ko nalang itong pumasok. Kailangan niya rin ng pahinga dahil sa nangyari sa kanya kanina.

Pinagpatuloy ko ang paglalaro ng video games. Hanggang sa dinadalaw na ako ng antok. Tinapos ko muna ang last game pagkatapos umakyat na ako sa kwarto.

"Arayy!!",nagmadali akong pumasok para tignan kung anong katangahan na naman ng babaing yun ang ginagawa niya. Nang makapasok ako nakita ko siyang sapo sapo nito ang noo niya kaya naman hinawakan ko ito at sinuri.

"Oh my, im sorry. Are you ok?",tugon ko sa kanya habang hawak hawak ko ang nauntog nitong noo. Binusisi ko ang noo nito at natawa ako nang makita kong may bukol ito.

"Hahaha!! May bukol.",tawa ko, bigla naman kumunot ang noo niya habang tinatawanan ko siya. Hindi ko mapigilan ang tawa ko, ampangit kasi tignan, its very destructive.

"Anong nakakatawa dun? Huh!!",sigaw naman niya. Napatahimik tuloy ako. Natiklop ang bunganga ko nang makita ko ang galit mula sa muka nito. Kahit sino naman magagalit talaga pag pinagtatawanan ka.

"Wala, mag ingat ka kasi. Sige na matutulog na ako. Ikaw naman gamutin mo yan.",pagkatapos kinusot ko ang buhok niya bago ako umalis. Sa totoo lang aalis ako, para tumawa roon.

Bago pa ako humiga sa kama, pinagmasdan ko muna kung anong kagaguhan ang ginagawa nito. Natatawa ako sa muka nitong parang tukmol. Hindi pa dumadampi ang icebag sa bukol niya naka misungot na ito. Kaya naman lumabas aki at mabilis na nagtungo sa kinaroroonan niya. I fastly hold the icebag and  put it into her head.

"Idikit mo.",mabilis na akong gumalaw para hindi niya mapansin ang gagawin ko. Nagulat nalang ito ng bigla kong hawakan ang icebag at dali dali kong nikagay sa bukol niya. Oh diba, nagawa ko ng hindi niya namamalayan.

"Array!!! Prin ang sakit. Dahan dahan naman!",sigaw nito sa akin. Napatingin siya sa akin ng masama ngunit ngumiti lang ako. Hindi ko parin tinatanggal ang icebag mula sa ulo niya.

"Hindi yan magagamot kung hindi mo naman ididikit.",pagkatos idinikit ko pa lalo ang icebag sa ulo niya. Alam kong sakit na sakit na siya pero mas lalo pa akong nag pupursige para lalo siyang masaktan. Gusto ko siyang galitin ngayon. I want to see her face being mad at me.

"Ano masakit pa?",muli kong tanong sa kanya.

"Hindi na.",tugon naman nito pagkatapos umirap ito.

"See, sabi ko naman sayo. Sa una lang masakit.",pagkatapos nun, muli na akong umalis. Nagtungo na ako sa kwarto para matulog. Hinihintay kong matulog si Alice ngunit hindi pa ito pumapasok. Kaya naman unti unti ko nang pinikit ang mga mata ko at tuluyan ng natulog.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon