CHAPTER 51: ALICE'S POV

380 5 0
                                    

"Salamat Anne dahil pinatuloy mo ako sa bahay mo.",wika ko kay Anne habang nakatayo ako malapit sa pintuan.

"Ok kana ba talaga? Sure ka nang uuwi kana kila Prin? Ok lang naman kung dumito ka muna hanggang gusto mo.",tugon naman nito sa akin. Kailangan ko nang bumalik roon dahil baka mag taka ang Daddy ni Prin kung bakit hindi na ako umuuwi. Malaman pa nang Daddy niya ang tungkol sa deal.

"Ok na ako Anne, saka kailangan ko nang bumalik roon at baka makahalata na ang Daddy ni Prin.",pagkatapos hinawakan ko ang braso ni Anne at niyakap siya. Nagpapasalamat din ako ng marami kay Anne mula sa pagiging mabait niyang kaibigan at sa palaging nariyan siya sa mga panahong naglukuksa ako dahil sa pagkawala ni Mama.

"Salamat ulit Anne.",pagkatapos lumabas na ako nang bahay niya at umalis.

Sumakay ako ng taxi para nakarating sa village nila Prin. Ngunit pinagbabawalan pala ang mga taxi na pumasok sa village nila, kaya naman wala akong choice kundi ang bumama sa main gate at maglakad nalang hanggang makarating ako sa bahay nila. Medyo malayo pa ito kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

Nang malapit na ako sa kanila, nakita ko ang isang sasakyam palabas sa gate nila, kaya naman tumakbo ako para makalapit. At nang malapitan ko iyon, nakita ko si Prin sa loob ng sasakyan.

"Prin! Saan ka pupunta? Papasok kana ba?",agad naman lumabas si Prin sa sasakyan. Pero nang makita ko siya, parang nag iba ang ihip ng hangin dahil ang mga mata nito at matalim na nakatingin sa akin.

"May problema ba? Bakit ganyan ka tumingin?",usig ko sa kanya. Ngunit wala siyang sagot, tumitig lang ito ng matalim sa akin.

"Sorry kung nasaktan kita nuong nakaraang araw. Hindi ko rin alam kung bakit ko yun nagawa, pero gusto kong humingi sayo ng paumanhin sa nagawa ko. Sana mapatawad mo ako.",wika ko sa kanya. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari ngayon. Nung mag kasama kami napakabait pa niya sa akin, tapos ngayon galit na galit siya.

"Prin! Husbie, ano bang problema?",kusang lumabas ang salitang iyon sa bunganga ko. Ngunit walang reaksiyon ang muka nito sa tinuring ko.

"Pwede ba! Huwag mo akong tatawaging husbie! Dahil hindi kita asawa!",parang pinilipit ang puso ko sa sinabi ni Prin sa akin. Kusang kumawala ang mga luha sa mata ko. Bakit nga ba ako nag aasume na ok kami kung sa una palang deal lang ang lahat.

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan! Huh!",sigaw ko sa kanya. Litong lito na ako kay Prin. Hindi ko siya maintindihan. Matalim parin siyang nakatitig sa akin, habang ako naman pumapatak na ang mga luha sa pisngi ko.

"I thought you are different from other woman i've met before! But i was wrong!! You are like them!",pagkatapos lumapit ito sa akin. Tinitigan niya ang mga mata ko ng diretso.

"Mag uusap tayo mamayang pag uwi ko. Antayin mo ako dito sa bahay.",pagkatapos naglakad ba siya papasok sa sasakyan niya at pinaharurut ito. Naiwan naman ako sa kinatatayuan ko. Para akong lalamunin ng lupa dahil sa sobrang baba ng tingin ni Prin sa akin.

"Hey! pwede bang huwag kang humarang sa daan.",napalingon ako sa likod ko kung saa nanggaling ang boses na iyon. Hindi ko namalayan nasa gitna na pala ako ng daan kaya naman nagmadali ako pumagilid.

"Dhenze.",huminto si Dhenze sa gilid ko. Nakangiti siya nang makita niya ako. Matagal ko rin hindi nakita si Dhenze. Agad na bumaba ito sa sasakyan niya at lumapit sa akin.

"Alice! Kamusta kana? Umiiyak kaba?",tanong niya. Napansin niya siguro ang pamumula nang mga mata ko.

"Huh! Hindi. Kanina pa kasi makati yung mata ko. Tagal kitang hindi nakita, san ka nagpunta?",tanong ko sa kanya. Napangiti naman ito habang humahakbang papalapit sa akin.

"Na miss mo ako noh?",bigla akong nakaramdam ng pag kailang sa sarili ko. Hindi naman ata tama na tanungin pa nyo na miss ko siya.

"Haha, hindi ah. Halos dalawang buwang hindi kita nakita.",pagkatapos umatras ako ng kaunti. Kahit papaano nakalimutan ko ang sinabi ni Prin kanina sa akin.

"I had my business trip kasi kaya nawala ako pansamantala. Pero ok na, hindi na ako aalis.",wika nito pagkatapos naglakad siya patungo sa sasakyan niya at pinagbuksan ito.

"Tara! Labas tayo! Treat ko.",pagkatapos ngumiti ito. Kahit papaano napakaganda ng mga ngiti nito kaya kahit sino hindi makaka pag ayaw sa alok niya.

Agad naman akong naglakad papasok sa sasakyan niya. Nagpunta kami sa isang sikat na restaurant.

Nagpunta kami sa private room kung saan mahal anv bayad nun.

"Good afternoon Maam & Sir. What can i do for you?",wika ng isang waitress na nakatayo sa harap namin. Hinayaan kong umorder si Dhenze ng gusto niya. Habang ako naka upo lang at nag cecellphone.

Pagkatapos dumating na ang pagkain namin. Tahimik kaming kumakain ni Dhenze.

"Kamusta na pala kayo ni Prin?",napatigil ako sa pagsubo at tumingin sa kanya bago sumagot. Bakit kailangan pa niya kaming kamustahin.

"Ahm, ok lang naman.",tugon ko sa kanya. Pagkatapos uminom ako ng tubig para malunok ang kinakain ko.

"Nakakatuwa naman, tumagal na kayo. Nung sila kasi ni Kate parang wala pa silang dalawang buwan nang maghiwalay.",at pagkatapos napatingin ako sa kanya. Bakig niya sinasabi sa akin ang mga ito.

" Dahil sa babae nasira ang pagkakaibigan namin. Actually...",napatingin siya sa akin at umayos ng pagkakaupo hanggang sa sinimulan na niya ang pag kwewento.

"Matalik kaming magkakaibigan nila Dreu at Mike, pero dahil sa isang babae nasira kami, at nahiwalay ako sa kanila.",pagkatapos kumuha ito ng isang piece of cake at kinain iyon pagkatapos nagpatoy siya sa pag kwekwento.

"Hindi kasi alam ni Prin ang totoo, kaya hanggang ngayon ang tingin niya sa akin masama. Ang alam niya inagaw ko sa kanya si Kate pero mali siya. Dahil ang totoo, nauna ako kesa kanya. Kaya ako dapat ang may karapatang magalit dahil inagaw niya si Kate sa akin, pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Dahil alam kong bago pa naging sila ni Prin, may naging jowa pa ito, at ang masaklap nabuntis siya nito. Pagkatapos ako ang sinasabi ni Prin na nakabuntis sa kanya. Paano ko siya mabubuntis kung wala namang nangyayari sa amin? Kaya sa sobrang galit niya, hiniwalayan niya si Kate.",nakatitig lang ako sa kanya habang nag kwekwento ito. Ibig sabihin magkakaibigan talaga sila nila Prin, kaso nabuwag yon dahil sa maling akala ni Prin.

"Isang araw nagising nalang ako na patay na si Kate at ako muli ang sinisi ni Prin. Oo! Ako ang huling kausap niya bago siya maaksidente pero hindi ko kasalanan ang pagkamatay niya. Dahil alam kong mali na, kung muli ko siyang papapasukin sa puso ko. Kaya nung araw na nagmakaawa siya sa akin na balikan ko siya tumanggi na ako. At dahik dun, nagpakalasing siya. Hanggang sa umuwi siyang lasing na nagmaneho. And then an accident happened. She was died together with the baby.",pagkatapos kinuha niya at tubig at uminom. Alam kong mabaig si Dhenze, hindi lang naintindihan ni Prin ang totoo. Hindi pala ganun ang totoo. Mali ang sinabi ni Prin na masama siya. Kaya pala nung una kaming magkita pinagbawalan na niya akong lumapit sa kanya.

"Ok lang yon Dhenze, balang araw magigising din si Prin sa katotohanan. Huwag kang mag alala tutulungan kitang ibalik ang pagkakaibigang nasira. Bubuuin naten ang pagkakaibigan niyo.",pagkatapos hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. Sinuklian niya naman ako ng ngiti.

Matapos naming kumain, agad niya rin akong inihatid pauwi, samantalang siya namay dumiretso sa company nila

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon