CHAPTER 8: ALICE'S POV

756 12 1
                                    

Pagkatapos namin mag usap ni Mark Prin sa bay walk tumalikod na ako at umalis dahil kailangan kong sunduin si mama sa hospital dahil inatake na naman siya sa sakit sa puso. Pagkatapos ko siyang mailabas sa hospital umuwi na kami agad. Wala na rin kasi si papa,pagkatapos ng nangyari mas pinili nila ni mama na magpakalayo muna si papa kayat heto mag isa kong nag aasikaso sa mama ko.

Pag kauwi namin nakita ko ai Mark Prin sa bahay hinihintay ang mama ko para sa proposal.

Tinanong ni Prin kung ang mama ko nga ang handler at ako naman ang sumagot.

"Oo siya si Lisa Watcharapon, ang handler ng area na ito!",sagot ito sa kanya at kasabay nun pinasok ko sa loob si mama. Pagkatapos nun lumabas din ako agad para maka usap si Prin.

"Ano? Nakita mona kalagayan ng mama ko diba!? Kayat hindi mo siya maaring pilitin sa proposal na yan! Kailangan niyang magpahinga kaya sana sa pagkakataong ito pagbigyan mo ako. Wag mong bulabugin ang mama ko!.", sigaw ko kay Prin, ang lalaking makasarili.

Wala naman naging imik si Prin at pagkatapos umuwi na rin ito. Samantalang ako pumasok na ako loob.

Wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan si mama habang nagpapahinga. Kahit maraming ginawang kasalanan sa akin si mama hindi ko siya kayang pabayaan.

Umiiyak ako habang naaalala ko ang mga masalimuot na nakaraan ko. Mula sa mga hampas, palo at kurot ba naranasan ko nung bata ako. Meron yung araw na, umuwi si mama na lasing, inutusan nya akong magsaing ng pagkain pero wala akong maisaing kaya nagalit siya sa akin. Sinabunutan ako ni mama at kasabay nun kinulong niya ako sa kwarto.

Sa tuwing naaalala ko yun, hindi ko maiwasang umiiyak. Hindi ko akalaing lalaki pa ako ng maayos dahil sa tuwing mag kakasakit ako nung bata ako, wala siya para alagaan ako. Kayat ako mismo ang nag aalaga sa sarili ko para gumaling ako.

At ngayon malaki na ako kahit gusto kong iwan si mama dahil sa mga hindi magagandang ginawa niya sa akin,hindi ko parin magawa. Hindi ko parin siyang kayang iwan. Ito siguro ang sinasabing tunay ng pag mamahal ng isang anak sa kanyang ina.

Lumalalim na ang gabi, kayat nagluto na ako ng makakain namin ni mama. Habang nag luluto ako....

"Alice!!",sigaw ni mama sa akin kayat dali dali aking nagpunta sa silid niya.

"Ma, bakit po?",tanong ko kay mama habang binabangon ko siya mula sa pagkakahiga.

"Asan na yong gamot ko!! Kunin mo!",sigaw ni mama sa akin kayat nagmadali naman akong kunin ang gamot niya

"Kuha ka ng tubig!!",utos nito ulit sa akin.

Halos magkandarapa na ako sa pagmamadali na kumuha ng tubig.

"Eto na Ma.",tugon ko kay mama kasabay nun ang pagpapainom ko ng tubig sa kanya.

Palaging ganun ang ginagwa ko sa kanya. Tuwing umaga at hapon pinapainom ko siya ng gamot.

"Ma, alis muna ako ah, kailangan kong mag tinda ng isda.",tugon ko kay mama bago ako umalis sa bahay.

Pagkadating ko sa bayan agad akong nagtinda ng isda at mabilis naman itong naubos.

Bago ako umuwi dumaan ulit ako sa botika para bumili ng gamot ni mama.

"Anne, pabili ako ng gamot."

"Bakit tinakbo mo na naman ang mama sa hospital.",tanong ni anne sa akin.

"Oo,lagi na siyang sinusumpong ng sakit niya.",sagot ko naman kay Anne sabay kuha ko sa gamot.

"Eh saan ba kasi nagpunta yung papa mo?  at parang bigla kong di nakikita.",tanong ni Anne habang kinukuha ang bayad ko.

"Ahh, ehh.. Biglaan yung bakasyon niya eh.",sagot ko naman kay Anne.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon